Saturday, September 06, 2008

The Comeback!

Helllooooooo! Dear readers, oh my gawd! Mahigit isang taon na pala akong nawala!

I promise you, mag-po-post ulit ako! Kundi lang ako nagtatae, nag-post nako ngayon. Eh kasi, tinatawag na ako ng kubeta.

Just wanted to say hi sa lahat at kita-kits tayo. Promise!

Willow

Thursday, May 24, 2007

Pangarap Ko Ang Ibigin Ka

Pangarap ko ang ibigin ka Film/Movie Review
2003
Director:Louie Ignacio
Writer:Mel Mendoza-Del Rosario (screenplay)
Genre:Drama / Romance / Comedy

CAST:

Christopher De Leon ... Raffy
Regine Velasquez ... Alex Guzman
Dingdong Dantes ... Kevin
Marissa Delgado
Lara Fabregas
Rudy Francisco
Vanna Garcia
Rosemarie Gil
Gladys Guevarra
John Lapuz
William Martinez
Noel Trinidad

PLOT:

Pangarap Ko Ang Ibigin Ka is a story of a man who recently lost his wife, the love of his life. Then Regine came into his life, is it love or is he just being lonely?

So Ito nga, namatay yung asawa ni Christopher. During the Eulogy, nagkataon naman na nagsadya si Regine sa same church. Nagka-crush ang gaga so pag dumadalaw si Chris sa sementeryo, Regine pretended na dinadalaw din nya ang namatay nyang boyfriend para magkaroon sila ng something in common o di ba?

Sa totoo lang, the first time na pinanood ko nung movie, I was bored to tears. So ilang minuto lang ang natapos ko, pero dahil kelangan ko ng isoli yung bala, kelangan kong panoorin ulit ng buo, kasi sayang naman 'no?

Fast-forward na natin 'no? At the end, nung na-inlove na si Regine kay Chris at nakuha na ni Chris ang kanyang flower, iniwasan na sya ng ungas. eh ano pa nga ba? eh ganyan naman ang mga lalaki di ba? Anyway, kasi hindi makapaniwala si Chris na maiinlove ulit sya, kasi nga, one and only love nya ang asawa nyang pumanaw.

Anywho, sorry to say, but Christopher and Regine have zero chemistry. Oo, zero as in itlog, wala. Ang boooorrrring ng acting ni Christopher. Oh my god, he's gotta be one of the most boring actors in the whole world.

Yung namang mga unang parte ng pelikula, kaasar ang arte ni Regine ha? Masyadong OA at kikay. Sa totoo lang, ganyan ba talaga umarte ang mga pinay?
The only thing that save this movie for me is when Regine confronted Christopher and told him to fuck-off dahil pinaasa sya yun pala yung dedong asawa pa rin ang mahal. This is the part that I like the most. Naka-relate ang lola nyo.

Anyway, I give this film 1 Utot. The only saving grace of this film was the scene that I mentioned. I guess, it was worthile renting the movie alone for that scene. Oo na, die hard Pinoy movie fan kasi ako eh.


DO RE MI


DO RE MI Film/Movie Review
1997
Director:Ike Jarlego Jr.
Writer:Mel Mendoza-Del Rosario (story)
Genre:Drama / Musical / Comedy more
CAST:
Donna Cruz ... Donette
Regine Velasquez ... Reggie
Mikee Cojuangco ... Mikki
Anthony Cortez
Gary Estrada
Gerard Faisan
Carlos Ramirez (as Carlos Ramirez I)
Carlos Ramirez II
Ricky Rivero
Ramil Rodrigo
Gloria Romero
Lee Robin Salazar
Melisse 'Mumay' Santiago
Lorli Villanueva ... Mikki's Mother
O, o, wag kayong mabahala. Kala nyo wala ng rebyu ang lola nyo? Hindi ako ang may kasalanan 'no? Itong putang-inang blogger eh ayaw mag-upload ng mga rebyus ko. Nanginig na nga ang tumbong ko sa ngitngit eh. Buti na lang ok na ngayon (hoping).
PLOT:
Do Re Mi is a story of three women who have a dream making it big in the music business. In doing so, they encountered illegal recruiters and so the adventure begins.
Sa totoo lang, this is the BEST Regine movie I have ever seen. Yah, oo. Walang biro. I love this film. So ito nga, itong tatlong Maria eh gustong sumikat. So nag-apply sila sa Japan, yun pala niloko sila. So instead na umuwi silang bigo, pinili nilang magliwaliw at napadpad sila sa isang bayan. Doon, natuto silang tumayo sa sarili nilang paa, while kala ng mga pamilya nila eh nasa Japan sila at kumakanta.
The chemistry of the three women was good. The story, although a bit far-fetched, nakakaaliw. Meron mga sabit na mini-stories na nakakaantig ng damdamin. Siempre, most of the scenes were funny. Ewan ko ba, I love this movie. Magaan sya sa loob at masaya talaga. Pero ang hindi ko inaasahan dito eh yung ending! Ibang klase yung ending! Hindi sya yung typical na pelikulang pinoy na very predictable ang ending. Hindi ko na lang sasabihin para ma-suspense kayo.
I give this film 5 Utots. I'd gladly watch this again when I'm malungkot or something para sumaya
Kalimutan nyo na yung ibang pelikula na ginawa ni Regine, this is her best film by far.

Honey Nasa Langit Na Ba Ako


Honey, Nasa Langit Na Ba Ako? Film/Movie Review
1998
Directed by: Jose Carreon
Genre:Romance / Drama / Fantasy / Comedy

CAST:
Janno Gibbs
Regine Velasquez
Mickey Ferriols
Bea Bueno
Michael Flores
Candy Pangilinan
Raven Villanueva

GAWD! Halos isang buwan na pala akong walang rebyu! Pasensya na dear fans. Ang hirap kasing kumuha ng internet connection dito sa aming isla. Isa lang ang internet cafe dito, dial-up pa. Meron pa yatang party-line. Kelangan na talagang i-upgrade itong isla namin. Dapat talaga eh updated na kami sa information super-hiway ano? Bwiset kasi ang mga manyakis dito, sila parati ang umookupado sa mga computers dito sa cafe. Sinabi ng bumili na lang sila ng Penthouse or Playboy eh, hindi na nila kelangan maghintay mag-download.

PLOT:

HNLNBA is a copy-cat (sorta) rip-off story from GHOST. Regine died on her way to her wedding rehearsal. Siemperds, mala-Ghost, yung kaluluwa nya eh nag-istay sa lupa para bantayan ang kanyang lovey-dovey husband to be na si Janno.

Pers op ol kung mag-ri-rip off na rin lang sila ng story, sana ginandahan nila ang pagkaka-rip off. Maraming inconsistencies sa pelikulang ito. Una, Regine, is a fucking bitch. Isa syang nagger, control-freak, na kala nya parati syang tama. Janno is a pussy. Whipped kumbaga. Ang hindi ko maintindihan sa hunghang na ito, eh halata naman na hindi sila magiging maligaya sa future marriage nila, pero bakit pa sila magpapakasal. I didn't see the love, man. Buti na lang namatay ang bruha.

Anywho, so itong kaluluwa ni Regine eh nag-istay sa lupa para hanapan ng bagong jowa itong si Janno. I dunno, I don't like the concept. Hello? Bakit kelangan pang tulungan ni Regine si Janno na humanap ng jowa? Sobra bang incapable ang gagong ito at kelangan pa nya ng multo so he can get a jowa?

Hay naku, isang banig yata ng Biogesic ang ininom ko para lang masikmura ang pelikulang ito. It's a dull, stupid movie and should not be viewed by anyone. The only saving-grace of this film is Mickey Ferriols. Basta ang masasabi ko lang "buti na lang namatay si Regine. Bruha kasi!"
I give this film, 0 Utot.

Tuesday, April 17, 2007

test

test

Wednesday, March 14, 2007

Got 2 Believe


Got 2 Believe Film/Movie Review
2002
Directed by: Olivia M. Lamasan
Written by: Mia Concio and Olivia M. Lamasan
Genre:Romance/Comedy/Drama

CAST:

Claudine Barretto ... Antonia 'Toni' Villacosta
Rico Yan ... Lorenz Montinola
Dominic Ochoa ... Perry
Carlo Muñoz ... Arnold
Nikki Valdez ... Karen
Cherry Pie Picache ... Luisa Villacosta
Noel Trinidad ... Toni's Dad
Laura James ... Toni's Younger Sister
Angel Jacob ... Toni's Older Sister
Vhong Navarro ... Rudolph
Wilma Doesnt ... Catherine Garcia
Maribeth Bichara ... Toni's Aunt
Jackie Castillejos ... Toni's Aunt
Nina Ricci Alagao ... George
Cherry Lou ... Toni's Bridesmaid

PLOT:

G2B is a story of a desperate woman wanting to get married so bad that she accepts the assistance of Rico (the man whom she hates with all her guts) to help her find a groom. As the story goes, Rico learns to love Claudine, the problem is, he already has found her the perfect man.

So ito nga, si Claudine eh always a bridesmaid never a bride. May-ari sya ng isang concept wedding store.

Si Rico naman, photographer sya. Tuwing may assignment sya na wedding parati nyang nakikita si Claudine. Eh pilyo ang loko, so parati nyang kinikunan si Claudine in her unflattering moments. Anywho, to make the long story short, nagkasunduan yung dalawa na ihahanap sya ni Rico ng asawa.

As the days progresses, na-inlab siempre si Rico, kaya lang yun naman yung time na naihanap nya ng perfect guy si Claudine at ikakasal na ang dalawa. Ano kaya kuya ang mangyayari?

Una sa lahat, hindi ko kilala si Rico Yan. Pero nung mabalitaan akong namatay sya at an early age, na-curious ako. Tita, he's not a bad actor. Cutie pie pa. Actually, siguro kung humaba pa ang buhay nya, baka may karibal pa si Piolo Pascual sa puso ko. Believable syang umarte. Pag ngumiti sya at lumabas na ang kanyang dimples, ayyy, makalaglag diaper talaga.

Si Claudine naman, medyo OA ang pag-arte nya. Pero ok lang, paborit ko sya.

Ang gwapo ni Vhong dito. Ewan ko ba, siguro mahilig lang talaga ako sa mga may sense of humour, gumagwapo sila sa paningin ko.

Maganda ang story. Ok ang chemistry ng mga characters. Ok ang kissing scene dito nina Claudine and Rico. An-sweet!!!

Because of the good story and Rico's dimples, I give this film 5 Utots.

Tuesday, March 06, 2007

All About Love


All About Love Film/Movie Review
2006
Directed by: Joyce E. Bernal and Don Cuaresma
Written by:John Paul Abellera and Arah Badayos
Genre: Romance/ Comedy/ Drama

CAST:

John Lloyd Cruz ... Eric
Bea Alonzo ... Casey
Anne Curtis ... Badong
Luis Manzano ... Wesley
Angelica Panganiban ... Kikay
Jason Abalos ... Kiko
Mico Palanca (as Miko Palanca)
Mikel Campos
Maui David (as Maoui David)
Paw Diaz
Eva Darren
Lito Pimentel
Julius 'Empoy' Marquez (as Empoy Marquez)
Pia Romero
Juddha Paolo

PLOT:

AAL is composed of 3 love stories. Buti na lang 'no? Mas gusto ko yung ganito eh, para hindi masyadong mahaba ang pelikula.

PROMDI

Bale the first story is with Angge and Jason. Angge is nakick-out sa school coz of kumalat na bastos na pictures nya. Kasi naman, gagah. Biro mo, nagpakalasing ang maldita, kaya yun, yung mga grupo ng lalaki eh pinagpistahan na kunan ng pictures ang kanyang hubad na katawan.

Umuwi ang gaga sa probinsya dahil sa kahihiyan. Dito nya na-meet ulit ang kanyang childhood kalaro na may gusto pa rin sa kanya. So the choice is, i-pursue pa kaya nya si Angge despite of her ugly past?

Ang comment ko lang eh, nyeh, pwede ba? Napaka-old fashioned ng story na ito. Totoo pa ba ito? Na may nude pictures ka lang eh kickout ka na sa school? Eh di pano yung mga porn stars? Wala na silang karapatan na pumasok sa iskul? Eniwey, ayoko ng story nito kasi masyadong exaggerated ang reactions ng mga tao, at ito namang si Jason, pano ba naging artista yan? Hindi ko ma-take pag-arte nya. Kelangan nyang kumuha ng workshop. Para syang parating may pigsa sa pwet kung umarte. Tapos may ilang shots pa dito sa film na nakikita brief nya where supposed to be hubo sya. Ay naku, pipol, nasan na ba ang cameramen nito at kukutusan ko lang.

I give this episode 1 Utot.

KALESA

Yun naman 2nd episode is si Anne at si Lucky. Anne is a kuchera, tapos si Lucky mayaman. Comedy itong episode na ito at maraming patutsada kay Vilma Santos. Funny ang mga dialogues at very refreshing ang pag-arte ni Anne dito. Ang galing nya!

Gusto ko rin na pinakita nila na hindi lahat ng mayaman eh matapobre. Oh di ba? Para maiba naman.

This is my favorite episode in all the three. The scripts, the actors, the story, they were all brilliant. Ang gwapo ni Lucky, kaya lang, wala syang sex appeal. Sayang.

I give this epi 5 Utots.

ABOUT ANNA

3rd episode naman is with Bea and Lloyd. Lloyd is a broken-hearted musician who lost his lover. He made a tape recording at nilabas nya lahat ng kalungkutan nya. Natagpuan ni Bea ang tape at nainlove sya sa boses. Hinanap nya ang boses, hindi nya alam na kapitbahay nya lang pala ang boses.

Although this episode is boarding on the "napaka-dramatic naman tita, pwede ba?" Bea is wonderful with her role. Napakanatural nyang umarte. Medyo insane nga lang ang character nya kasi naman, hello??? Sa panahon ngayon, hindi ka mag-aadvertise para i-meet mo ang isang stranger di ba? Rape ang aabutin mo, iha.

I like this epi mainly of Bea, and also their kissing scene is the best I have seen so far, in all films ha? Very natural at hindi conservative. Ganun naman talaga dapat di ba?

I give this film 4 Utots.

Monday, March 05, 2007

Hari Ng Sablay


Hari ng sablay Film/Movie Review
2005
Directed by: Mac Alejandre
Genre:Comedy


CAST:

Bearwin Meily
Rica Peralejo
Paolo Contis
Nadine Samonte
Tuesday Vargas
Jay-R
Nova Villa
Joel Torre
Bianca King
Dion Ignacio
Pekto
Paolo Paraiso
Jade Lopez
Krizzy Jareno (as Krizzy Jareno)
Chris Martin

Hello dear fans! Naku, 'sensya na kayo at medyo madalang ang rebyus ng lola nyo. Eh kasi naman, nag-isnow dito sa isla namin. Sa dami ng isnow eh muntik ng lumubog itong isla. Kaya hayun, shovel na naman ang lola nyo. Aba, nadulas pa ako! Lintek! Sakit ng pwet ko ah!

PLOT:

HNS is a story of man who encountered bad luck since he was born. Opposite to his best friend (Rica), who seemed like the luckiest person in the whole world. After so many years of being apart, the two met again, and on to their love adventures and misadventures.

Pers op ol, hindi original ang story. Parang kinopya lang yata ito sa isang pelikulang banyaga (naaalala ko kasi napanood ko yung trailer nitong poreyn pilm). Pero bagama't kopya lang, nag-enjoy ako sa panonood nito. Mindless entertainment kumbaga.

Yung mga funny moments, talaga namang funny. I like the way that the story was fast, eventhough some of the scenes didn't make sense, forgivable naman, kasi the movie didn't intend to have a good story naman eh. Gusto lang nyang magpatawa ganun.

Kudos to Tuesday Vargas, kasi isa sya sa dahilan kumbakit funny itong movie na ito. Ito namang si Paolo Contis, ay tita, type na type ko sya 'no? Sa totoo lang, malakas ang appeal nya, kaya pala maraming naging girlfriends itong mokong na ito.

Kung medyo feeling sad kayo at gusto nyong bigyan ng break ang inyong brain, watch nyo 'to. Don't expect anything spectacular, but expect to laugh. Wag kayong mag-iisip ng "ay ano ba yan, imposibleng mangyari yan!", dahil maraming imposible dito sa story na ito.

I give this film, 4 Utots.

Monday, February 26, 2007

Kaputol Ng Isang Awit

Kaputol ng isang awit Film/Movie Review
1991
Directed by: Emmanuel H. Borlaza
Genre: Drama / Musical

CAST:

Sharon Cuneta
Gary Valenciano
Tonton Gutierrez
Eddie Mesa
Loreta Marquez
Amy Perez
Barbara Perez

Hello dear fans!!! Naku, pasensya na kayo at medyo madalang ang rebyu ng lola nyo. Hirap kasing makakuha ng internet connection sa isla namin. Kelangan pa ng satellite connection. Kaya heto, narito ako sa tuktok ng bundok, malapit na nga akong mahulog sa bangin para lang may signal.

PLOT:

KNIA is a complicated story of a family, mala-STAR WARS. That is, Luke and Leia didn't know that they were siblings, and they were sorta falling in love.

Let it be said, that this is the worst Sharon Cuneta film that I have ever seen so far.

Bale ganito, si Sharon, singer (as usual) na na-discover ni Tonton. Eh itong si Amy, may gusto kay Tonton, so humanap din sya ng discovery, si Gary nga. Tapos nung mag-meet si Gary at si Sharon, mukhang nagkagustuhan yung dalawa.

Yung nanay ni Sharon, tulala. Hindi nya alam kung bakit. So after a few song numbers (na buo talaga, hindot!), nalaman sa huli na yung tatay ni Sharon eh nasa bilibid for a crime that he didn't commit. Tapos yung song na hindi kumpleto na hinahanap ni Gary, eh sya pala yung sumulat.

Magulo ba? Oh, hindi pa jan natapos ang kwento. Itong si Gary pala eh kinidnap noong bata from Sharon's family. So ayun na nga, magkapatid pala ang dalawang hunghang.

Pers op ol, yuck, kadire!!! Sa totoo lang no, kung magkapatid kayo, di ba may lukso ng dugo yun? Hindi sila dapat magkakagustuhan di ba? Ugh, just the idea sickens me. Hello? Star Wars? Hindi man lang original ang plot.

Ang masasabi ko lang, sobrang gulo ng story. Ang daming samut-samot na mga pangyayari. Sa totoo lang, hindi naman dapat ganito di ba? In simplicity, there is beauty.

As usualy, the usual Maning Borlaza signature, lahat ng kanta eh tinatapos. Gawd, so unnecessary this process. Eh kung yung time na ginugol sa mga song numbers, ginamit na lang sa pagsalaysay ng plot, eh di mas malinaw ang mga pangyayari.

Sa totoo lang, it was very painful to watch this film. Dapat ang story na ganito eh sa telenovela pinapalalabas, hindi sa sinehan, dahil mala-soap opera ang dating sa gulo ng story.

Sorry Tita Shawee, you know I love you, but this film sucks! I give it 0 Utot.

Tuesday, February 20, 2007

TULI


TULI Film/ Movie Review
2005
Directed by: Auraeus Solito
Written by: Jimmy Flores
Genre:Drama

CAST:

Desiree Del Valle ... Daisy
Carlo Aquino
Vanna Garcia ... Botchok
Bembol Roco
Luis Alandy
Eugene Domingo
Ama Quiambao

Hello dear fans!!! Naku, siguro miss na miss nyo nako ano? Ako rin naman, miss na miss ko na rin kayo.

Naku napakalamig dito ngayon sa isla namin. Maski teenager eh nirarayuma sa lamig.

PLOT:

TULI is the story of a woman who lives in a very conservative barrio (small town) ruled by men. Her father is the town's circumsicer. He is abusive and a drunkard. Since she was young, she has always seen women being maltreated and objectified. Instead of growing up as one of the women who waits hand and foot for their men, Desiree's character grown to be quite the opposite. She's strong, brave and fought for her love that transverses the town's culture and beliefs.

First of all, bravo to Viva Films for getting this kind of film made. It was a very bold move. And it paid off.

TULI's setting was in a very conservative barrio, where everyone knows anyone. There are two main characters in the story, the main one is Desiree's, and the other one is Carlo's.

Carlo is the only incircumcised man in the barrio. For this, he was humiliated by all, as being uncircumcised means you are not yet a man.

Desiree has seen the how women are badly treated. She has seen this first-hand from her father, who drinks all the time and beats up their family.

Enter Vanna, Desiree's childhood playmate. She was left by her boyfriend. Desiree to the rescue. She has always admired Vanna, and the two formed a relationship which is more than friendship.

Their love blossomed. They both wanted a child, and they seek Carlo to provide the missing ingredient. When the townsfolk knew about this, they formed an angry mob, but in the end, love won over hate.

I love this film. I can't emphasize this enough, this is a very brave film, considering that this is a Filipino film. No dancing, or toilet humor or shooting guns here. Just a wonderful, wonderful love story between two women. When I was watching this film and I haven't seen the ending, I thought "uh, huh. Typical, the other woman would probably run away with a man, or one of them will be dead or both of them will be dead." Boy, was I wrong.

Desiree's acting was magnificent. You can really emphatize with her character. In my opinion, she could be one of the of the most beautiful actresses in the Philippine cinema today.

Her character was calm, but strong. Proving my point that you don't have to over-act to get the message across the screen. Her eyes speak to you.

Pinoy's who grew up in a foreign land will appreciate this film, since it shows a lot of our old Filipino culture, especially during the lenten season, which is coming up.

Although I love the story, the pacing of the film was slow and boring. There were also some "shaky moments" with the cameras.

I highly recommend this film. Film buffs will appreciate this. It goes to show that not all Pinoy films are stupid, sexist and shoots at being commercial box office success only. Pinoy films can also be intelligent and brave, like this one.

Sad to say, I read that this film was banned in the Philippines. I think that's a stupid move. When are you gonna grow up, people? Open your minds!

Anywho, I give this film 5 Utots. This is a must-see and must-add to your collection. I hope that this film is not the first and last of its kind in the Philippine cinema.

Labels:


Friday, February 09, 2007

Oh My Ghost

Oh, My Ghost! Film/Movie Review
2006
Directed by: Tony Y. Reyes
Genre: Comedy

CAST:

Rufa Mae Quinto
Marvin Agustin
Carlos Agassi
Wally Bayola
Paolo Contis
Uma Khouny
Bianca King
Jose Manalo
Sugar Mercado
Jimmy Santos

PLOT:

OMG is your typical, you kill me, I haunt you and then I kill you type of story. Vengeance is key.

So itong si Rufa, parating pinaglalawayan ng mga boyz. One day, may nakaenkwentro syang mga manyakis na pinahiya nya. Dahil dito, pinagtangkaan syang kidnapin, kaso, she died in the process. Then her ghost haunted them down.

Pers op ol, disappointed ako sa movie na ito. Helllooo? Pwede ba, pansinin naman nila ang ibang talent ni my darling Rufa, dahil hindi lang naman boobs ang katangian nya ‘no? I should’ve known, the people who created this movie, are the same people who create Vic Sotto’s movies, which are so chauvinistic and sexist in nature. Oh, e no surprises there ano?

Tsaka unbelievable di ba, I mean, sino ba naman babae ang may tamang pag-iisip na pumunta ng gym na utong lang ang natatakpan ng gym clothes nya. She was asking for trouble talaga.

The camera angles and movement were horrible in this film. May epileptic seizures yata ang may hawak ng camera dahil nanginginig ang mga shots nya at hindi smooth ang movement.

Sayang ang talent ni Rufa ditto, kasi this could’ve been a good horror/vengeance film, pero they tried hard to incorporate the funny scenes. Hindi ko tuloy maintindihan kung horror or comedy ito. But neither, no? It’s a confused genre, that’s all.

Sayang talaga, there are dramatic scenes where Rufa cried, which are ok na sana, tapos bigla na lang hahaluan ng comedy. Nawawala tuloy ang sympathy ko for the main character.

This film is horrible and should not be watched by all women. Sobrang degraded ang mga babae ditto. Kaya, utang na loob, manood ka na lang ng commercials or something.

One thing that I noticed pa is how ugly Carlos Agassi has become. Iho, kelangan mo na yata ng Rogaine dahil mukhang nalalagas na ang buhok mo.

OA ang mga supporting characters dito, like ni Jose (which is my most hated character in this film). Grabe kung sigaw-sigawan nya yung sekretarya nila. It’s not fucking funny at all. Women are treated like shit in this film. Yung sekretarya naman, kung sino man sya, helllooo? She wasn’t treated as a human being in this film which infuriates me.

My verdict, 1 Utot. Rufa-Mae, please lang, stop making these stupid films. You are more than just a great pair of tits, darling. Lumipat ka kaya ng Star Cinema?


Thursday, February 08, 2007

Now That I Have You

Now That I Have You Film/Movie Review
2004
Directed by: Laurenti Dyogi
Written by: Jose Javier Reyes
Genre: Drama / Romance


CAST:

John Lloyd Cruz .... Michael Morellos
Bea Alonzo .... Betsy Rallos
Nikki Valdez .... Stefi
Kristopher Peralta .... Jacob (as Christopher Peralta)
John Arcilla
Huybs Azarcon
Noel Colet
Laurenti Dyogi
Cholo Escaño
Roxanne Guinoo .... Katherine
Jojit Lorenzo
Neri Naig
Jean Saburit
Lui Villaruz .... Martin
Rio Locsin

Helllllooo dear fans!!! Naku, pasensya na kayo at ang tagal kong walang update, pero eto, gumising ako ng alas-kwatro ng madaling araw para lamang makapagsabog ng saya sa inyo!

PLOT:

Now That I Have You is your typical pinoy love story. John and Bea met at the MRT bus station after months of the girl stalking this boy, and the rest is history.

Unang-una, maganda talaga ang unahan ng film na ito. So itong si Bea eh ini-stalk si John for the past months para makilala nya. Actually, funny ang mga scenes dito. Pero iha, sa totoo lang, pwede ba kung mangyari ito sa totoong buhay, lapitan mo na lang yung boy at magpakilala ka. Stalking? Helllllooo? Mag-pa check ka kaya sa mental? Baka kelangan mo ng ilagay sa straight jacket.

Nikki was great as Bea’s confidante. I first saw Nikki sa Tanging Ina film, and I really loved her. I still do.

Bea is very lovable as the crazy, jealous, possessive girlfriend. She’s one of my fave young actresses today.

John is very cute as the nerdy accountant. Ok din sya umarte. Natural. Kaya lang, kulang sya sa kagwapuhan.

In the end, ikwento ko na lang ha? Sobrang possessive and jealous na si Bea at naaasar na si John, pero sila pa rin. Eh ano ang message nito sa kabataan? Maski sira-ulo ang jowa nyo na sobrang possessive at selos, na hindi mo lang ma-txt nagagalit na at may matching tulo pa ng luha, sige pa rin, magtiis ka. Hellooo??? Ang bata pa kaya nila para magtiis ng ganun ano? Sa totoong buhay, kung meron kayong jowa na ganun, i-break nyo na at humanap kayo ng iba. Hindi pa naman kayo kasal para magtiis ka ng ganun no? Very stressful ang buhay kung ganun. Love is to trust your partner. You do not own anybody. Kung ganun ka eh mag-alaga ka na lang ng itik, may balut ka pa.

Ok na sana ang movie, kaya lang medyo agrabyado sa story si John. Galit kasi ako sa mga lukaret na katulad ng karakter ni Bea.

It’s still a watchable film, pero utang na loob, wala na bang ibang writers ang Star Cinema? Si Joey Reyes na naman? Pwede ba iba naman. Nagsasawa na ako sa kanya eh. Otherwise, the directing was good. It wasn’t boring. I like the fact that they showed the MRT station. It was a very nice touch. I give this film 3 Utots.

Monday, January 22, 2007

Pa-siyam


Pa-siyam Film/Movie Review
2004
Directed by: Erik Matti
Written by: Dwight Gaston
Genre: Horror / Drama / Mystery


CAST:

Roderick Paulate .... Nilo
Cherry Pie Picache
Aubrey Miles .... Ruth
Maricar De Mesa
Yul Servo
Ana Capri
Jaime Fabregas .... Father Ben
Cristine Reyes
Lui Manansala
Ermie Concepcion
Dexter Doria
Crispin Pineda

Hello dear fans!!! Kumusta ang weekend nyo? Ay josko, dito sa isla namin ay talaga namang titigil ang puso mo sa lamig. Dapat dito gawin ang cryogenics laboratory eh.

PLOT:

Pa-siyam is a tradition gone bad for this family. A bunch of siblings saw each other again after a very long time. Sadly, it's for the death of their mother. While at the house, a lot of strange things have been happening. Waking up with shit everywhere, blood on the floor, pee on the stairs... With all the mystery that has been happening, they consulted the help of an ispiritista and they learned who really killed their mother.

Pers op ol, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, utang na loob, wag kang magkakamaling panoorin ang pelikulang ito. Oh, my gulay, this is not a horror film, this is a fucking HORRIBLE film! This has gotta be the most boring, most slow paced, most stupid pinoy film that I have ever watched. Seriously, kung hindi lang dahil saking mga dear fans na umaaasa, hindi ko tatapusin ang pelikulang ito. 1.5 hours to the movie, tsaka lang nagkaroon ng mga "kababalaghan" sa pelikula.

Ay naku, nakalbo talaga ang kili-kili ko sa panonood nito dahil sa boredom. Super-bagal ang pelikula at andaming scenes na hindi naman kelangan sa film. Dapat ni-edit ito. This is a 15-minute film that stretched into a 2-hour film.

Tapos, yun pala, yung ispiritista lang ang makakapagpaliwanag ng lahat, which is super-impossible. Oh, my god talaga. Halo-halo at walang patutunguhan ang mga scenes dito.

Seriously, mangiyak-ngiyak na talaga ako sa kapapanood dito. Gusto ko ng pasabugin ang DVD player dahil sa inis. Talaga namang pagkatapos ng pelikula eh itinapon ko sa kalsada ang PA-siyam DVD at sinagasaan ko ng kotse ng paulit-ulit. Yes dear fans, that is how horrible this film is.

I can't believe that the same guy who directed EXODUS directed this crap. The only saving grace of this film is Aubrey Miles' acting, pero that alone is not worth buying this DVD for.

My verdict for this film? Tumataginting na itlog (Zero) Utot. This is a badly-directed, badly-edited film. Pero on the good side, panoorin mo sya sa lenten season, dahil yung agony na mararamdaman mo sa panonood ng film nito eh parang ipinako ka na rin sa krus.

Thursday, January 18, 2007

Pagdating Ng Panahon


Pagdating Ng Panahon Film/Movie Review
2001
Directed by: Joyce E. Bernal
Written by: Mel Mendoza-Del Rosario
Genre: Romance/ Comedy

CAST:

Sharon Cuneta .... Lynette
Robin Padilla .... Manuel
Rufa Mae Quinto .... Bubut
Roldan Aquino
Eddie Arenas
Amy Austria
Marissa Delgado
Rosemarie Gil
Bing Loyzaga
Baby O'Brien
Bernard Palanca .... Willy
Luz Valdez

Hello dear fans!!! Kumusta na ang aking mga fans na nagkalat sa iba-ibang parte ng mundo? Naku, swerte nyo kung + (plus) ang temperatura jan, samantalang dito sa isla na kinatitirikan ng kubo ko eh napakalamig. Talaga namang makapanginig-tumbong ang lamig. Kumurap lang ang mata ko eh hindi ko na mabuksan dahil nagyelo na. Kala nyo nagbibiro ako? Hindi no?

PLOT:

Pagdating Ng Panahon (PNP) is girl-power movie. Sharon assumed that Robin proposed to her, but she was sadly mistaken. To heal her broken heart, she went to Manila to better herself and to be a success.

Di nyo ba napapansin na pag si Robin ang bida eh parating si Joyce Bernal ang director? Hmmm...

So eto nga, ang pamilya ni Sharon dito eh kung sinuman pakasalan lalaki eh namamatay. Kaya takot ang mga tao na pakasalan sila. One day, nag-uusap si Sharon at Robin about mga bagay-bagay. Eh kala ni Sharon nag-propopse si Robin. Aba, pinagkakalat na ng bruha. Nung malaman nya na maling akala nya, eh nagpunta sya sa Manila para paunlarin ang sarili nya at ang business nya.

Ito lang ang masasabi ko, so far ito ang pinakagusto kong tambalan ni Robin at Sharon. Bakkettt? Una, kahit predictable ang story, medyo maganda naman. Walang makikidnap dito at walang habulan. Pangalawa, maganda ang cinematography. Talagang nostalgic ang mga shots sa Los Banos, Laguna. Oo, taga-Laguna ang lola nyo. Kaya nga proud na proud ako eh. Siempre, nandito sa story ang aming world-famous buco pie. Kaya kung pupunta kayo ng Laguna, don't forget to buy an original buco pie. Wag kayong bibili sa nga naglalako sa bus ha? Dapat bibili kayo sa tindahan talaga ng buco pie. Hindi ko lang matandaan kung "Special Buko Pie" or "Original Buko Pie" ang pangalan nung store. Bumili na rin kayo ng fresh chocolate milk, malapit lang sa tindahan ng buko pie. Ay talaga namang, delicious.

Pangatlo, siempre, girl-power ito. Kahit broken-hearted si Sharon, imbes na magpakamatay sya eh she chose to better herself and she was successful doing it. Dapat naman talaga ganito ang buhay, di ba? Kung binigyan ka ng calamansi, maggawa ka ng calamansi juice, hindi yung nagmumukmok ka sa sulok.

Pang-apat, siempre, nandito ang aking my darling Rufa-Mae. Although maigsi lang ang papel nya dito, sya ang rason kung bakit binili ko ang film na ito. Her moments are still the funniest in this film.

Sadly, talagang walang chemistry si Robin at Sharon. Mukhang anak lang ni Sharon si Robin dito.

Although predictable ang story, I endjoyed watching this film. It's a feel-good movie, and ang cute ni Robin, huh? Very kissable ang kanyang makinis na fez. I give this film 4 Utots.

Monday, January 15, 2007

P.S. I Love You



P.S. I Love You Film/Movie Review
1981
Directed by: Eddie Garcia
Written by: Edgardo Reyes
Genre: Drama / Romance

CAST:

Sharon Cuneta
Gabby Concepcion
Boots Anson-Roa
Eddie Garcia
Norma Japitana
Barbara Perez
Nova Villa
Lampel Luis
Joel Alano

Hello dear fans!!! Kumusta ang Maligong bagong taon nyo so far? Ilang new year's resolution na ang na-break nyo?

Alam ko naman na miss na miss nyo ako. Kung sobrang miss nyo ako, email lang kayo sakin at promise, hindi ko kayo i-se-send ng virus or spam or chain email.

PLOT:

P.S. I Love You is a story of a budding teenage romance. Everything is going perfect for the young couple, but all of a sudden, to their surprise, Ate Shawee's mother is determined to keep them apart at all cost.

This movie is another Sharon Cuneta classic. The Sharon-Gabby loveteam is the most famous of all Sharon's loveteams in my opinion. I think ito lang ang loveteam na may chemistry sya sa guy, otherwise, lahat ng loveteam nya after this, puro "'la lang".

Kamamatay pa lang ng daddy ni Sharon dito. Nakasanla ang hacienda nila kay Eddie, tapos eh itong si Eddie asshole kay Boots. Hindi pinaliwanag sa una kung bakit hindi maganda ang samahan nitong si Eddie at Boots dito.

To make the story short, na-inlove si Gabby kay Sharon siempre. I like the way that the love story was told here. It was told in a good pace. Tama lang. Hindi masyadong mabilis, hindi masyadong mabagal. Hindi katulad ng mga love story ngayon na in a span of a day eh nagkakalablaban na ang mga characters.

In the end, it was explained why Boots hated Gabby so much (aside from the fact na anak si Gabby ni Eddie). It's a good twist, and I wasn't expecting it. That made the movie more meaningful to me.

Makikita mo sa movie na ito ang generation gap ng mga teenagers ngayon as compared to more than 20 years ago.

20+ years ago ito ang mga na-notice kong difference about teenagers sa movie:

  • Sobrang yaman nila. As ii, palasyo ang mga bahay at ang dami nilang lupain. Tapos may private plane pa.
  • They are very respective of their elders. Although Sharon's mom was very unreasonable here, hindi sya dinis-respect ni Sharon. They solved their conflict in a very calm way. Very well done.
  • Very educated ang mga teenagers dito. The way they speak english, mapapa-wow ka talaga. They don't speak curses or swear words.

They spend their time doing sports, art, summer classes, etc. You'll wonder talaga kung anong nang nangyari sa kabataan ngayon

In the end, I really love this movie. It was very nostalgic. Kaya lang sad, kasi magtataka ka kung bakit sobrang well-mannered ang mga teeners noon, pero bakit ngayon, mga walangya na (hindi naman lahat ha?).

Gabby here was very, very sexy. I think he has the sexiest male body I have ever seen in Philippine movies. Ay tita, hindi masyadong maskulado pero tama lang. Ang ganda pa nyang magdala ng pants. Swerte ni KC at nakuha nya ang charisma ni Gabby.

Story-wise and script-wise, I give this film 5 Utots. Pero kung isasama natin ang cinematography, quality of the film at ang pagkaka-angkop ng sound, I give this film 4 Utots only. The quality of the film was not very good. Madumi. It would've helped kung ni-remaster ito. Yung background sounds, hindi angkop sometimes. Masyadong OA. Yun bang tipong, iisipin mo eh suspense ang pinapanood mo dahil sa sound na ginamit.

Bottomline is, this is a must-add for your collection. Hayyyy.... sana nagkaroon ng twin si KC para may maganda at gwapong offspring si Gabby.


Wednesday, January 10, 2007

MALIKMATA


Malikmata Film/Movie Review
2003
Directed by: Jose Javier Reyes
Written by: Jose Javier Reyes
Genre: Horror / Thriller

CAST:

Rica Peralejo .... Sara
Marvin Agustin
Dingdong Dantes
Ana Capri
Jackie Castillejos
Ricky Davao
Wowie De Guzman
Eugene Domingo
Madeleine Nicolas
Barbara Perez
Tyron Perez
Nikki Valdez
Shintaro Valdez


PLOT:

Malikmata is a story of a young girl with psychic abilities. She's trying to help a guy find the killer for her murdered lola.

So eto nga, si Rica eh my psychic powers. Tinutulungan nya si Marvin na hanapin kung sino ang pumatay sa lola nya at sa katulong nila. Eh kasi naman, maraming gustong pumatay sa lola ni Marvin, kasi masyadong mayaman eh.

Ang masasabi ko lang eh, dapat ilambitin ako ng patiwarik at hampasin ng palu-palo dahil hindi na ako natuto. Joey Reyes writing a horror film? Eh ilang beses ko na bang napatunayan na hindi naman magaling magdirek at magsulat si Joey ng horror, eh sige pa rin ako. Matigas ang ulo, pinapanood pa rin ang mga pelikulang ito.

Parang sawang-sawa na ako sa pag-arte ni Marvin. Yun bang parati syang kinakawawa. He reminds me of Maricel Soriano, only he knows one way of acting. Siguro I need to watch him in a different role coz hindi ko na ma-take ang kanyang damsel in distress na role.

The story wasn't original. Although may mga pa-special effects pa sila when Rica was trying to find out what happened. There was a particular scene na medyo nahulog ako sa kinauupuan ko sa gulat. Hindi ko na lang sasabihin sa inyo para medyo magulat rin kayo.

May padugo-dugo pa sya ng ilong ha? Eh ako ang duduguin sa pelikulang ito eh.

On a positive note, medyo may katiting na pagka-suspense ang ending nito. Pero kung ikaw ay isang batikang tagasunod ng horror movies, eh mahuhulaan mo agad kung sino ang salarin.

The one thing that I really noticed was how losyang Wowie had become. Tita, hindi ako makapaniwala na ito yung matinee idol dati. I dunno if it's because of his role o talagang swangit na sya. Di dating leading man ito ni Juday? Eh bakit ganyan na ang tsura ni Wowie? Bata pa sya di ba? He didn't age gracefully I'm telling you. Iho, siguro kelangan mo ng magpa-appointment sa gym trainer at sa nutritionist para bumalik ang kabataan mo.

I give this film 2 Utots. Although, for a horror fanatic like me, it was predictable na doesn't deserve more than 1 Utot, pero siguro kung ikukumpara mo sya sa ibang average Pinoy horror, pede na rin.

Monday, January 08, 2007

Spirit Of The Glass

Spirit of the Glass Film/ Movie Review
(2004)
Directed by: Jose Javier Reyes

Written by: Jose Javier Reyes

Genre: Horror / Fantasy

CAST:

Rica Peralejo
Marvin Agustin
Dingdong Dantes
Alessandra de Rossi
Paolo Contis
Ciara Sotto
Drew Arellano
Ana Capri
Mark Gil
Jay Aquitania
Jake Cuenca

Hello dear fans!!! Siguro naghuhuramentado most of you ano, kasi tapos na ang Pasko vacation nyo. Balik na naman sa iskul o sa opis para mag-aral/kumayod. Di bale, o malapit na ang balentong day. Hindi pa huli ang lahat para kumuha kayo ng ka-deyt. Maski hindi nyo jowa, ok lang, di ba?

One of my readers is nagsabi na partial daw ako sa mga ABS-CBN movies (Star Cinema). Hindi naman sa ganon, iho/iha, nagkakataon lang na ang mga nagugustuhan kong pelikula eh gawa ng Star Cinema. Kung babasahin mo ang buo kong blog, makikita mo na meron din akong nagustuhan na mga pelikula na gawa ng ibang outfits, namely Viva, Unitel (Crying Ladies) and yes, Regal Films (Aishite imasu) among others. Pero sa ngayon, alam ko na parati kong binabatikos si Mother Lily, it's because I really had high respects for her film noon, pero ngayon, parang ang first priority nila ay maging blockbuster ang pelikula (namely, the kilig factor) at hindi ang magandang directing at storyline. Pwede naman gawing pre-preho silang priorities di ba?

Tsaka, bakit ko naman kakampihan ang ABS-CBN eh hindi naman nila ako binabayaran? Eh di sana 5 Utots lahat ng pelikula nila. Tsaka I buy DVDs from my own bulsa no? So talagang galit ang lola nyo pag nasasayang ang pera ko sa pangit na pelikula.

Anywho, open naman ang ears ng lola nyo. Kung meron kayong mga movies na talagang nagandahan kayo na hindi ko pa na-review, eh send lang kayo ng list.

PLOT:

Spirit of the Glass is your typical calling of the dead spirits gone horribly wrong. A group of friends who had nothing better to do during their lenten holidays, decided to have a spirit of the glass session. In doing so, they have summoned a spirit who wouldn't leave them alone.

Mahilig ako sa horror/suspense movies, pero sa totoo lang, pag si Joey Reyes ang sumulat ng story, asahan mong alam mo na ang ending at napaka-predictable ng film. Stick ka na lang sa romantic comedies Direk Joey.

Sa una pa lang, pinakita na ang character ni Marvin na ginugulpe. Tapos pag nag-fast forward na sa present, maski hindi pa sila nag SOTG (Spirit of the glass) session, lammo na na ang multo eh si Marvin, at lammo na na si Rica eh kamukha ng jowa nya noon.

Ewan ko ba kung bakit kelangan ipakita ito sa first reel pa lang ng movie. Hello??? Suspense nga eh, bakit ibibigay mo agad ang sagot?

Pero wagka, yung mga pag-appear ni Marvin, medyo may halong katatakutan pa rin. Yung nga lang, mas nakakatakot sana kung hindi nila pinakita ang character nya sa first part ng film.

Maganda rin ang interactions ng mga cast dito. Cute ng pag-arte ni Alessandra. For me, she's the highlight of the movie.

Pero siempre, nagustuhan ko rin yung cinematography ng probinsya. Nostalgic kasi eh.

All in all, I had high expectations for this film. Kaya lang I was bitterly disappointed. They shouldn't allow Joey Reyes to write/direct another horror/suspense film. They should leave this to Chito Rono and Yam Laranas. Two of my favorite horror directors so far.

So ano pa nga ba, eh di I give this film 1 Utot. Kung ito ang first time nyo na nakapanood ng pinoy horror movie, baka passable sa inyo. Pero kung familiar na kayo sa same old formula for Pinoy horror, matulog ka na lang ng patay ang ilaw at nakatingin sa bintana, mas nakakatakot pa yun.

Wednesday, January 03, 2007

SANTA SANTITA


Santa Santita Film/Movie Review
2004
Directed by: Laurice Guillen
Written by: Johnny Delgado and Jerry Gracio

Genre: Drama

CAST:

Angelica Panganiban .... Malen
Jericho Rosales .... Mike
Hilda Koronel .... Chayong
Johnny Delgado .... Fr. Tony
Cherry Pie Picache .... Sister Dolor
Ricky Davao
Pinky de Leon .... Mrs. Hoffman

Hello dear fans! Siguro iniisip nyo na, "Abah, himala, may post na naman si Willow!" In the spirit of the himalas, I'm reviewing a movie about himala. Enjoy dear fans!

PLOT:

Santa Santita is a story of a young girl, who is very far from perfect. She's a troubled teen in short. After her mom died, she took over their business of "padasal". Lo and behold! All of the prayers that she did for the other people came true.

So eto nga yung storya, si Angge (Angelica) eh pasaway na babaye. Kirengkeng ang loka. Biro mo nagtitinda sya ng eskapolaryo sa harap ng tindahan eh kumikerengkeng kay Echo na isang lalaking pokpok.

Eh di siempre, dahil naman talaga makalaglag salawal ang mga dimples ni Echo eh sumama si Angge sa kanya isang araw, dun na nagsimula ang away ng Nanay nya (na by the way ang trabaho eh nagdadasal sa simbahan for other pipol), so lumayas ang pasaway. Nung bumalik sya eh patay na ang Nanay nya. Nag-took over sya sa padasal business nila, tapos lahat ng dasalin nya eh nagkakatotoo.

First of all, yung sinasabi sa ibang reviews na "Modern Mary Magdelene" story itong SS (Santa Santita), eh nagkakamali sila. First, hindi pokpok si Angge, hindi rin sya makasalan in my view. She's s teenager, raging hormones, hello??? Second, hindi ko matatawag na stigmata ito, dahil ang stigmata eh nangyari lang sa dreams nya, not in her waking life. 3rd, although talagang himala ang mga dinadasal nya, in the end, hindi nya nabuhay yung anak ni Echo, which doesn't make sense, kasi parang na-invalidate lahat ng dinasal nya before.

Although this movie is watchable, muntik nakong mapatae sa ending nito. Lammo yun, kala ko malapit na ang climax nung namatay yung anak ni Echo, pero ang mga sumunod na pangyayari eh nakapagtataka. Iisipin mo tuloy tinamad na ang mga writers na gumawa ng ending. Minadali baga. Walang closure. Hindi ko na lang sasabihin ang ending, coz there's no point. The ending should be rewritten.

The pacing of the story was slow, although I wasn't that bored, na-bore pa rin ako.

Ay naku tita, sayang, may potential pa naman ang movie na ito. Someday, i-re-rewrite ko ang story nito "Santa Santita Revisited" with alternate endings of course.

The highlight of the movie was the procession of the Nazareno. Enjoy ako sa mga kulturang Pinoy eh. Tsaka hindi pa ako nakakaranas nun, kaya fascinated ang lola nyo nung makita ko yun.

Other than that, my verdict? 3 Utots. Passable naman ang acting ng mga artista. Tsaka tawa ako ng tawa nung hindi bayaran si Echo nung customer nya after makipagkantutan sa kanya. Beh buti nga!

Tuesday, January 02, 2007

Di Na Natuto


Di Na Natuto (Sorry Na, Pwede Ba?) Film/Movie Review
1993

Directed by: Eddie Rodriguez

Written by: Emmanuel H. Borlaza and Eddie Rodriguez

Genre: Romance / Action / Drama

CAST:

Sharon Cuneta
Robin Padilla
Edu Manzano
Nida Blanca
Armado Cortez
Timmy Cruz
Angelu De Leon .... Elisa Esplana
Niño Muhlach
Carlos Padilla Jr.
Caridad Sanchez

Happy New Year sa lahat ng magaganda at gwapo kong fans! Siguro matutuwa kayo
dahil nandito na naman si Willow para buuin ang araw nyo.

PLOT:

Di Na Natuto is one of those romance movies created just for the mere KILIG factor. Ate Shawee is a poor girl being fought over by two rich gwapings. Edu and Robin. One is Cain, one is Abel (yung mga hindi nagbabasa ng bibliya jan, meaning one is bad, one is good). Siempre the twist is one is ampon pala and he's trying to poison their father.

Ang hindi ko maintindihan sa mga romance movies eh bakit kelangan parating may kantahan, may makikidnap, hence the action scenes. Grabe, lammo, kung lahat ng mga lumaki sa ibang bansa eh papapanoorin mo ng mga romance films na Pinoy, ay tita, matatakot silang tumira at magkajowa sa Pinas. Eh kasi naman, parating may nakikidnap.

Talaga tita, kulang na lang na lagyan nila ng horror twist. Siempre, may drama, musical, action, comedy, yun horror na lang ang kulang. Siguro kung medyo sinapag-sipag pa ang mga writers nito eh binuhay nila si Nida Blanca (Namatay si Nida dito) na maging zombie para magkaroon ng habulan sa sementeryo.

God, it was painful to watch this film. As usual, Robin's acting was atrocious. Parating nakasigaw at super-OA. I mean, super-OA talaga. Kung may awards for the most OA acting, panalo sya. Si Ate Shawee naman, OA din. Ewan ko ba sa mga Piniy comedies, na bakit pag sinabing comedy dapat OA ang pag-arte. Sa totoong buhay ba ganyan tayo?

The story was horrendous. Ay ewan, si Edu pala ay ampon. Nung malaman nya eh gusto nyang patayin Papa nila. Parang ang hirap paniwalaan di ba? Pinalaki ka sa pagmamahal tapos nalaman mong ampon ka gusto mo ng patayin ang nagpalaki sayo. Maski naman siguro demonyo kang tao eh may konti ka pa ring utang na loob di ba? I'm sure one day, Nag-inuman si Maning Borlaza at Eddie, tapos dun nila sinulat ang story nito. Kaloka talaga!

The only saving grace of this film is Caridad Sanchez' acting. Siguro one or two minutes lang ang labas nya dito, pero her acting was natural and believable. The other casts? Pwe!

What can I say Ate Shawee? I'm very disappointed with this movie. Please lang, don't make anymore comedy movies with Robin. Maawa ka naman sa mga fans mo.

My verdict? 1 mahina at malamyang Utot.





Friday, December 29, 2006

Metro Manila Film Festival 2006 (32nd MMFF)


Helllooo, dear pipol. Pasensya na at ngayon lang ulit ako sumulpot. Pumanaw kasi ang isa kong pinakamamahal sa buhay noong Pasko time at siempre, na-depress ang lola nyo. Pero dahil mahal na mahal ko ang aking fans, pinilit kong isulat at mag-comment sa results ng nakaraang Film Fest:


1. Best Supporting Actress - Gina Pareno (Kasal, Kasali, Kasalo)

Well deserverd naman si Tita Gina. Hello??? Eh isa sya sa batikang actress no? Ang chekchi ni Tita Gina today, ha? Biro mo, apat na ang apo eh very byutipul pa rin sya. Congrats Tita!!!

2. Best Screen Play, Most Gender Sensitive Film, Best Director, 2nd Best Picture - Jose Javier Reyes, Kasal, KAsali, Kasalo.

Although hindi ko pa napapanood ang movie, tried and tested na ang experience nitong si Tito Joey. Tsaka magaling sya talagang gumawa ng scripts. And Hello??? Star Cinema kaya ang producers, kaya siguradong maganda. Alam nyo naman ang lola nyo, malaki ang tiwala ko sa Star Cinema.

Noong tanggapin ng Star Cinema ang 2nd Best Picture, para yatang masama ang loob ni Tita, kasi ba naman, tumabo sila ng maraming awards, pati Best Director tapos 2nd best picture lang sila? Parang may milagro di vah?

3. Best Picture - Enteng Kabisote 3

Ayyyy tita, parang gusto kong pumatay ng banggitin ang best picture. Helloooo? Eh, napanood ko ang Enteng Kabisote 1 and 2 at talaga namang gusto ko ng mag-suicide habang nanonood ako kasi dahil sa senseless plot, stupid acting at pathetic special effects. I'm sure that EK3 doesn't differ, tapos Best Picture???

Ni-explain naman ni Tito Edu Manzano na ang 40% ng Best Picture criteria eh Box Office Returns. Kung totoo nga ito, eh expect Enteng Kabisote to win the Best Picture award year after year. Dapat i-donate nila ang proceedings the film to orphanages or something kasi kaya sila box-office winner eh dahil sa mga bata no?

So in short, the Best Picture award really means nothing. Yung criteria na yan, I think it's the most stupid and ill-thought of criteria in the history of best picture. Gumawa na lang sila ng People's Choice Awards no?

4. Best Actor - Cesar Montano (Ligalig)

Grabe naman si Kuya Cesar, sa kanyang acceptance speech, panay ang pasalamat sa mga endorsers nya. Hindi ko tuloy maintindihan kung nanonood ako ng MMFF or commercial.
PEro really, nanalo sya by default kasi wala naman magaling na actors sa list eh.

5. Best Actress - Judy-Ann Santos (Kasal, Kasali, Kasalo)

Here again, nanalo sya by default, josko eh sino-sino ba naman ang mga nominee, biro mo, apat na actress from Shake, Rattle and Roll 8 ang nominees? It's a fucking joke. Bakit sa Oscars ba eh by default nominated lahat ng actress sa lahat ng films na kasali? Siempre, dapat piling-pili di ba?

In conclusion, the MMFF was katawa-tawa. GOne are the days when "just being nominated is an honor itself." Wala, hindi honor. This award show is a joke. The only consolation that we get from this is that we get to watch a lot of Pinoy films. Dapat i-change na nila ang MMFF. Dapat ang mga nominees ay piliin from all the films that were shown that year, hindi kung sino lang yung nag-submit. Kasi imagine, 4 Regal Film movies were kasali? Hellooo? When was the last time that Regal Films did a good film? Hmmm... How about NEVER. Kung i-kukumpara mo ang MMFF sa ibang film award giving body ng ibang bansa, ay josko, nakakahiya talaga. Not the award show itself, but the quality of films that were nominated. Helllloo??? Kung pumili sila ng movies that were shown all thru-out the year, mas ok pa. Remember SUKOB? It's only one of the best horror Pinoy films ever, and it should be included. How about the D'LUCKY ONES? One of the best comedies and well-acted films in Pinoy cinema.


Wednesday, December 06, 2006

Dear Willow: Help!

Dear Willow,

I'm very excited, kasi first date ko with the cutest guy in class! Ni-ask nya ako, eh di siempre, one week kong inaasam-asam ito. Kaya lang, paggising ko kaninang umaga, lo and behold!!! Masakit ang kili-kili ko. Halos hindi ko sya magalaw. Nang tingnan ko sya sa salamin, oh my gawd!!! May pigsa ako! Grabe, Willow, para syang hinog na kabute na may paminta sa gitna.

Tangina, Willow, bakit ngayon pa nangyari ito? Antagal kong hinintay ang pagkakataon na ito, anong gagawin ko?

Pamela Igsa


Dear P. IGSA,

Aba iha, wag mo sisihin ang pigsa mo. Ganyan talaga ang tadhana, mapaglaro. Ano pang hinihintay mo? Pumunta ka na sa clinic at pagamot mo na yung pigsa mo. Wag mong gagalawin yan without doctor's supervision kung ayaw mong makaroon ng balon ang kili-kili mo (yuck! turn-off!).

Kung ayaw mo naman pumunta sa clinic, eh i-cancell mo muna yang date mo para magpakaling ka, pero i'm sure ayaw mo ng option na ito kasi kating-kati ka na kay Mr. Gwaping.

Good luck, iha.

Love,

Willow

Aba iha, wala tayong magagawa kung gusto ng pigsa mo na lumitaw ngayon

Tuesday, December 05, 2006

Dear Willow: Wimin's Clods

Dear Willow,

I em a piptin yir old meyl. May tanong lang ako. Is it okey to wer wimin's clods? Kasi pag nakikita ko ang mga damit ng nanay ko, may bato-balani kumbaga na humahatak sakin para isuot sila. Wag mokong isusumbong, pero gustung-gusto ko silang isuot. Malambot at madulas. Ansarap ng pakiramdam sa balat. Tsaka pag sinusuot ko ang stiletto nya, ayyy, para akong nasa alapaap.

Iniisip ko tu teyk it tu anader lebel at isuot ko sila sa iskul. Ano sa palagay mo Willow?


Nagmamahal,

Atong Yes Yes Yoh


Dear AYYY,

Wala naman masama kung isuot mo ang mga damit ng nanay mo. Buti nga yun eh, para tipid sa damit di ba?

Masarap talaga ang mga damit ng babae, pinagpapala talaga sila kasi andaming mga iba-ibang styles na para sa kanila talaga, eh ang damit ng mga boys, wala masyadong variety.

Tungkol naman sa problema mo, ang maipapayo ko lang sayo AYYY, eh, hintayin mo na lang pag college ka na tsaka mo isuot sa labas ang mga damit mo. Kasi baka mamaya gulpihin ka ng mga bullies sa school. O kaya start slow, for now, isuot mo muna yung mga hindi kita ng mga tao. Like lace underwears, thongs, yun bang mga ganun.

Tsaka pag gradweyt ka na ng college, find an open-minded employer, yun bang pede kang magsuot ng mga girl's clothes sa opis.

Good luck sayo.

Love,

Willow


Wednesday, November 29, 2006

Dear Willow: Love is Blind

Dear Willow,

Bakit ganun? Antagal mong nawala? Don't you care about us anymore? Matagal ng may bumabagabag sa aking damdamin. Antagal kitang hinintay, Willow. Kala ko hindi ka na magbabalik sa online world.

Katulad ng iba, may problema ako sa pag-ibig. Pero hindi sa hindi ako mahal ng aking mahal.
Kundi dahil lahat ng tao ay tumututol sa pagpili ko ng minamahal.


Hindi ko maintindihan kung bakit sila tutol. Ang ngalan ng aking gelpren eh Virginia. O di ba sa pangalan na lang parang ang bait bait nya di ba? Wala na akong mahihiling pa Willow. Napakasarap nyang magmahal, napakabait, napakagalang, mahinhin, matalino, at napaganda nya.

Siguro kung makikita sya ni Tito Robbie Tan eh baka alukin na syang mag-star as a leading lady sa kanyang mga ST films.

Sabi nila hindi raw ok ang pamilya nya. Hindi ko maintindihan ang ibig nilang sabihin.

Tuwing pupunta naman ako sa bahay nila eh parati silang may bisitang pulis, at pinapaligiran ang bahay nila. "Boy Aso, alyas masakit kung kumagat, sumuko ka na!!!" Oh di ba? Ambait ng tatay nyang si Tito Boy, parating dinadalaw ng mga kabarkada nyang pulis.

Ang lola naman nya ay mahilig sa manyika. Parati kong nakikita na gumagawa sya ng manyika at tinutusok nya ng mga karayom. Napakagaling nya sa sining di ba?

Ang nanay naman nya, parating mabango at parating maganda at maigsi ang suot. Shift work yata siya, Willow, kasi parating sa gabi umaalis at umaga na kung dumating.

Willow, hindi ko makita ang rason ng aking pamilya at mga kaibigan kumbait gusto nilang layuan ko si Virginia, mahal na mahal ko sya Willow, anong gagawin ko?


Nagmamahal,

Mahal Ako Ng Haking Iniirog na Dilag


Dear MANHID,

Bangag ka ba? Sino naman ang gugusto sa isang dilag na kriminal ang ama, kalapating mababa
ang lipad na ina, at mangkukulam na lola? Pero sabi nga nila, hindi naman ang pamilya nya ang papakasalan mo, tsaka mukhang bulag ka na at tanga ka dahil sa pag-ibig. So kung ok lang sayo na mabiyuda agad si Viriginia pagkatapos kayong pakasal, eh di hige, bahala ka sa buhay mo.


Love,

Willow

Thursday, November 16, 2006

Dear Willow: Set Her Free

Dear Willow,

Maraming salamat sa pagkakaroon mo ng blog na ganito. Sometimes, pag ako malungkot, read ko lang ang blog mo at ayun, medyo nakangiti nako.

Hindi ko alam kung masasabing problema nga o hindi ang ilalahad ko sayo, kasi nakagawa na ako ng desisyon. Ang gusto ko lamang sana eh maparating sa kanya ang mensahe ng sulat na ito. Bagama't hindi ko ko ilalahad ang tunay ko or tunay nyang pangalan, sana ay matunton nya na galing sa akin ang sulat na ito.

Pasensya ka na at english. Ingglesera kasi sya eh.

"So you told me that you hafta go. This is an opportunity of a lifetime. This means fame, fortune and prestige... but if I asked you to stay, you'd stay in a heartbeat. I looked at you and said, 'Are you out of your mind? You'd be a fool to give this up, and for what? Please don't. Somewhere down the road, you'd be thinking about this missed opportunity, feeling regretful. No. You hafta go.' You answered that you don't care about the money nor the prestige. It's never about that. You just want to be happy, and being happy means being here. I looked down, and slowly walked away. You called to me and begged for me to make you stay, but my ears have gone deaf. Maybe it's because of the sound of my heart shattering into a million pieces. Although each step is becoming heavier, I managed to walk away from you. My eyes were welling up with tears, my body has been overcome with feebleness, but still... I walked away..."

*Hikbi* Tama ba ang ginawa ko, Willow? Talagang gusto nyang maging artista at sumali sa "Busog na Dibdib." Grupong mala-sexbomb girls, pero international. Baka ang unang stop nila ay sa Yemen o kaya sa Iceland. Pero kung gusto ko raw sya na mag-istay, istay sya. Hindi ko na sya makikita, Willow. *Hikbi* Pero gusto ko syang maging matagumpay. Ayoko syang hadlangan.

Nagmamahal,

Letting Ashley Yonder Away Somewhere



Dear LAYAS,

Tangina ka LAYAS, pinaiyak mo naman ako. Hindi umiiyak si Willow! Hinde!!! Bwiset ka!

Anywho, I congratulate you for being so selfless and brave, LAYAS. Isa kang bayani. Inisip mo ang kapakanan nya una, bago ang sarili mo. Bagama't gusto nya talagang mag-istay.

Sabi nga nila LAYAS, if you really care about somebody, you must be willing to set them free and let them find their own path. We have to let people go, our family, our friends, our lovers etc. so they can grow individually.

Remember LAYAS, we don't own people. People are not possessions. We always want what's best for them. For that LAYAS, I applaud you.

Sige, tahan na. Kayang-kaya mo yan, LAYAS. Teka, wala ka bang picture ni Ashley na pedeng ipadala sakin? Preferably yung kasama nya ang buong tropa ng "Busog na Dibdib."

Love,

Willow

Tuesday, November 14, 2006

Dear Willow: Friend to Lover?

Dear Willow:

First of sa lahat. I wanna let you know, na I really mahal your blog, 'no? It's so nakakatawa and so vonggah. I always basa it whenever I'm like at the bahay or at the office 'no (sa oras ng lunch naman).

Anyway, may problem ako Willow. Meron kasi akong matalik na friend for a very mahabang panahon now. Noon, no pansin sya with me. Pero sa ngayon, parang like, different na ang feel ko sa kanya 'no? Parang he's more of a muy gwapo now. He's so, how should i say this? So sexy and so hot!

By this time, I think you know na what my problema is. Paano ko sasabihin sa kanya na gusto kong syang maging jowa? Ayokong, like masira ang friend samahan namin. Kasi since Kindergarten eh friends kami. Ewan ko ba kumbakit isang araw eh biglang naging gwapo sya sa aking paningin. Gusto ko syang ikama at, you know, mag-make love kami and stuff.

Anong gagawin ko, Willow?

Like, lovingly yours,

How Ako Yari On Kaibigan


Dear HAYOK,

Saan ka ba nag-aral ng inggles ha? Like, pwede ba, humingi ka ng refund, kasi like your English is so, like, how should I put this? Atrocious!!! Kahiya! Like, ewwww!

Anywho, HAYOK, wag kang mabahala kasi napa-tipikal ng problema mo. Madaling sabihin ang pwedeng gawin, pero you have to take a very big risk. Kasi I'm sure, like, sure na sa everyday na nakikita mo sya eh baka isang araw hindi na mapigilan at bigla mo na lamang syang
pagsamantalahan o kaya eh parati kang naglalaway habang kinakausap mo sya or something.

Ganito ang gawin mo, mag-set ka ng appointment or date or whatever with him. Yung sa lugar na very private, yung tipong kung magwala ka man or maghuramentado sa sagot nya eh hindi ka naman madedemanda ng public disturbance. Doon mo sabihin ang nararamdaman mo sa kanya. Pero bago mo gawin yun, magmuni-muni ka muna. ARe you willing to accept the consequences, na maaring yun na ang last day ng pagkakaibigan nyo.

Ihanda mo ang sarili mo sa rejection, HAYOK. Siguro, bago mo sabihin sa kanya, make that day a very, very special day para sa inyong dalawa. Like, gawin nyo ang lahat ng bagay na preho nyong enjoy as friends, kasi as I said, maaring last day nyo na as friends yun.

Also, kung halimbawang ma-reject ka man nya, i-ask mo rin sya kung pwede pa rin kayong maging friends after what you told him. Kung kaya mo pa rin syang maging kaibigan after all that, then good for you. Kasi siempre, everything will be very different.

Good luck, HAYOK. Just be ready to have your heart broken, to be rejected, and to have a very different relationship from him after all this. Pero ok lang yun, kasi in rejection and heart break, that's where we learn. I don't see any other way how you're gonna let him know unless you tell him, di ba? (Unless reypin mo sya one night, pero respect him kasi friend mo nga sya eh).

On the other hand, malay mo, pareho pala kayo ng nararamdaman, eh di winner, di ba?

In love (teka, love mo sya di ba? Hindi lang tawag ng laman yan?), there are RISKS involved and you must be willing to take them as well as the consequences.

Good luck, HAYOK.

Like, nagmamahal,

Willow

Monday, November 13, 2006

Dear Willow

Dear Willow,

Ako ay isang treinta anyos na gwaping (sabi ng nanay ko). Kaninang umagang nag-aaplay ako ng pomada at sinusuklay ko ang aking malasutlang buhok, ayyyy, saklolo!!! May nakita akong puting buhok!!! Biglang nagulo ang aking isipan at may layf flashed before my eyes!!! Paano na ako ngayon, Willow? Hindi na ako pedeng magpanggap na college student! Pano nako makikipag-date sa mga taga ateneo at taga-UP? Paano na ang aking 18 anyos na boyfriend? Baka i-break nya ako!

Willow, tulungan mo ako!!!!

Nagmamahal,

Umaasang Babalik Ang Nakaraan


Dear UBAN,

Pers op ol, Bangag ka ba? Treinta anyos na nagpapanggap na tinedyer? Eh maski sa twilight zone hindi ako maniniwala sa sinasabi mo eh. Baka magpanggap kang teacher, pwede pa.

Ngayon, nag-aalala ka na baka iwan ka ng teenager mong jowa? EH ano ngayon? He's not worth it kung ganun. Komo't ba mukha ka ng lolo eh iiwan ka nya? Kapal nya no?

Ngayon, kung gusto mo talaga ng mga college na gwapings, eh ganito ang gawin mo. Bumili ka ng magandang kotse. I find na very attractive ang car accessory. You'll never fail, parati kang may gwaping na passenger, o di ba?

Or, magpanggap kang teacher (tutal mukha ka na rin lang matanda, eh lubus-lubusin mo na). Sabihin mo, ibabagsak mo sila kung hindi ka nila ida-date, o di ba?

Or, the easiest way eh magpakulay ka ng buhok. yung kulay orange, para magmukha ka na ring foreigner (taga Madagascar, hehehe). Tingnan natin kung hindi ka putaktiin ng mga gwapings. Pero sana wala ka pang mga peleges, kasi hindi ka rin lulusot.

Magsuot ka ng pantalon na very, very low waist. Kasi mga teenager lang ang malakas ang loob na magsuot nyan. Kaya kung magsuot ka nyan, siempre, iispin nila na teenager ka, kasi ang kapal naman kung sino mang magsuot nyan na lolo na di ba?

UBAN, sana good luck sayo. At parati silang mag-iingat sayo.

Love,

Willow





Wednesday, November 01, 2006

Chuva Lingo

Hay naku, lammo nyo ba, nung umuwi ako ng Pinas, ay feeling stranger talaga ang lola nyo, kasi hindi ko maintindihan ang bagong chuva lingo doon. Kaya hayan, tinulungan pa ako ng bespren ko na si Sisa para lang maghagilap ng mga bokabularyo.

Kayong nasa ibang bansa, pag-aralan nyo itong mga terminolohiya na ito at para pagdalaw nyo eh, hindi kayo out of place. Ok?

Maraming salamat kay Sisa sa pag-research nya ng mga katagang ito. Kayo ba dear fans, may mga alam ba kayong mga chuva lingo? Ipadala nyo naman sa lola Willow nyo. Promise, may libreng halik ang mga mag-se-send. He, he, he...

chuva/chuva tienes/tienelyn/anik-anik – kung anu-ano; kung anik-anik
chuva choo choo – (dis m not sure pero parang) lovey-dovey
korak /ko-rAAAk!/ - correct
hala /ha-la’/ - manlalake
boylet/fafa – syota
girl lalu – girl
paminta – pa-MEN/bading
pamintang durog – bading na bading
x-men – mga dating lalaki
echos/charot/charing/chika – kunyari lang, charing lang
tommy abuel/tom jones – guTOM na
winnie cordero – panalo/WINner
luz valdez – talo
evita peron – naiba ka
negrita peron – negra
cynthia – sino sya?
ititch – ito as in ‘ano ititch’?
bading garsu – bading

Monday, October 23, 2006

Maging Sino Ka Man


Maging Sino Ka Man film/Movie Review(1991)
Directed by: Eddie Rodriguez
Genre: Action / Comedy / Drama / Romance

CAST:


Sharon Cuneta .... Digna/Monique
Robin Padilla .... Carding
Edu Manzano
Dennis Padilla
Vina Morales
Dick Israel
Orestes Ojeda

PLOT:

The movie is about a a muy-gwapo na siga, na nakilala ang muy-mysteriosa na babaye, na being habol by some sort of mga sindikato.

Well, masyadong magulo at stupid ang story. Si Ate Shawee eh hinahabol nila Edu kasi dapat patay na sana si Ate Shawee, eh yun pala buhay pa. They're making habol her para patayin sya para lahat ng yaman nila eh mapunta sa step dad na tatay ni Edu.

Ito naman si Robin, siga na mabait. Kinupkop nya ang mga batang lansangan including Vina.

Well, tita ha, si Ate Shawee, ang disguise lang nya eh nunal. Biro mo, ang isa nyang character eh the popular singer na si Monique. EH fan nya si Robin, tapos naglagay lang ng nunal si Ate Shawee eh hindi na sya kilala ni Robin. Buti sana kung yung nunal nya eh may power na nagiging si Nora Aunor sya pag nilalagay, nya pero hinde! How stupid dya think ang mga tao di ba? Pag ba si Ate Guy eh tinanggalan mo ng nunal, hindi mo na sya kilala?

Masyadong magulo ang story. Andaming themes. Ay ewan. Tapos si Robin, parating nakasigaw ang dialog. naku, kung ako si Ate Shawee, ay, uumbagin ko si Robin ha? Hindi ako sinisigaw-sigawan no?

Pero siempre, ayyy, makalaglag salawal ang kagwapuhan ni Robin dito. Tsaka siempre, cute-cute ni Vina no?

My verdict? 2 Utots.

Wednesday, October 11, 2006

Platinum Hits, Piolo Pascual


PLATINUM HITS, PIOLO PASCUAL


Sa Piling Mo
Don't Give Up On Us
Kailangan Kita
The Gift
Kung Ako Ba Siya
Sana Ikaw
I Need You Back
Sa May Bintana
Till There Was You
Together Forever
Muntik Nang Maabot Ang Langit
Bakit Hindi Na Lang Ikaw
Through The Years
Ikaw Ang Buhay Ko
Sana'y Malaman Mo
Mangarap Ka
Kahit Isang Saglit (Live)

Naku, siguradong miss na miss nyo na ako no? "Asan na si Willow? Miss na miss ka namin!!!"
Sorry dear fans. Bisi kasi sa pagaararo sa bukid ang lola nyo.

O mag-review muna tayo ng mga kanta ha?

Mga gusto ko sa album:

  • Ayyyyy!!! Ang ganda ng boses ni Papa Piolo! Boses anghel sya at ipaghehele ka talaga ng kanyang oh-so-lambing na boses. Papa Piolo, pede bang gawin mo akong jowa mo maski isang araw lang? Kantahan mo naman ako ng lullaby!

  • Kung Ako Ba Sya. Paborito kong kanta sa album. Baket? Eh kasi ang ganda ng lyrics eh. Heto:


KUNG AKO BA SIYA

Matagal ko nang itinatago
Mga ngiti sa munti kong puso
Batid kong alam mo nang umiibig sa 'yo.
Bakit hindi mo pansin itong aking pagtingin
Ba't di mo ramdam ang tibok nitong dibdib
Kaibigan lang pala ang tingin mo sa akin.

Kung ako ba siya, mapapansin mo?
Kung ako ba siya, mamahalin mo?
Ano bang mayro'n siya na wala ako?
Kung ako ba siya, iibigin mo?
Hmmmm....

Masakit ko mang isipin
Mahirap mang tanggapin sa damdamin
Pag-ibig mo pala'y hindi sa akin.
Ngunit anong gagawin ng puso
Sa 'yo lang ibinigay ang pangako
Patuloy nga namang aasa sa 'yo, sinta..

Kung ako ba siya, mapapansin mo?
Kung ako ba siya, mamahalin mo?
Ano bang mayro'n siya na wala ako?
Kung ako ba siya, iibigin mo?

Ikaw lamang ang inibig nang ganito
Sabihin mo kung paano lalayo sa 'yo.

Kung ako ba siya, ooohhh
Kung ako ba siya, mamahalin mo?
Ano bang mayro'n siya na wala ako?
Kung ako ba siya, kung ako ba siya...
oohhhhh ooooohhhh
iibigin mo....

Oh di ba makabagbag damdamin ang mga kataga? Kung ikaw ba may minamahal ka, na alam mong sya na nga ang taong gusto mong makasama sa buhay, tapos hindi naman nya nararamdaman ang nararamdaman mo, di ba imbyerna ang byuti mo? Hindi lang yan, may pag-ka R&B ang style ng boses ni Papa dito, kaya type na type ko itong kanta.

MGA HINDI KO MASYADONG TRIP SA ALBUM:

  • Puro remakes ang kanta. Although maganda ang rendition nya, parang nakakasawa, kasi parati naman nating naririnig yung mga kantang yun eh. Sana man lang nag-hire sila ng mga songwriters para magsulat ng mga kanta nya, para mga bago di ba?

  • Ang production and arrangements. Sobrang simple ng arangements ng kanta. Siempre sometimes, ok ang gitara lang, pero sa klase ng mga kinakanta nya, dapat may orchestra. Yun bagang parang production sa mga albums ni Ate Shawee noon.
My verdict 4 utots. All round talaga si Papa Piolo, eh sa kama kaya? Ayyyy, Papa Piolo, vindicate yourself!


Wednesday, October 04, 2006

Paniwalaan Mo

Paniwalaan mo Film/Movie Review (1993)
Directed by: Emmanuel H. Borlaza
Genre: Drama / Romance


CAST:

Aga Muhlach
Dawn Zulueta
Tonton Gutierrez
Rey 'PJ' Abellana
Dingdong Avanzado
Rosemarie Gil
Jamie Rivera
Chanda Romero
Sylvia Sanchez

PLOT:

Paniwalaan mo is a story about a chick-boy painter, who makes laro-laro with the damdamin of unsuspecting victims. Kaso nung isang araw, nainlove ang walangya, and the story goes.

First of all, I motherfucking hate this movie. It's sexist and stupid. Why?
  • Aga is a man who plays with women's emotion.
  • Jamie is a doormat who keeps loving the asshole without getting anything in return
  • Dawn is career woman who's stupid enough to fall for a stupid jerk who's as useless as a used tampon

Sorry folks, inis na inis ako sa movie na ito. I dunno who wrote this, but I'm sure it's a man. Kasi naman, yung part ng story na Dawn has to suffer because of Aga's inconsiderations, parang it should be a normal part of life. Like yung paghiram ng kotse, pag-inuman sa bahay, paghingi ng kantot when he's all smelly and drunk, grrrr. It makes me so mad.

The lead actors are over-acting in this movie. I can't stand Aga's voice. Boses kiki.

Buti na lang magaling na singer si Jamie, kasi she sucks as an actress.

The only thing that I liked about this movie is Jamie's character (the character ha, not the acting). Pa-martyr effect, pero ganun naman talaga sa totoong buhay di ba? I mean, kung mahal mo ang isang tao, you'll want to see them happy maski hindi mo kapiling.

My verdict? 0 Utot. It's such a stupid movie.


Wednesday, September 20, 2006

Sharon Cuneta, The Greatest Hits


Sharon Cuneta The Greatest Hits, Sharon at 20

Mga Kanta:

1. P.S. I Love You
2. Bituing Walang Ningning
3. Pangarap Na Bituin
4. Sana'y Maghintay Nang Walang Hanggan
5. Kahit Wala Ka Na
6. Bakit Ikaw Pa Rin
7. Kailangan Kita
8. Sana'y Wala Ng Wakas
9. Kapantay Ay Langit
10. Maging Sino Ka Man
11. Ikaw Lang At Ako
12. One Last Time
13. Now That You're Gone
14. Sa Kabila Ng Lahat
15. Kumusta Ka
16. Ikaw
17. Minsan Pa
18. Nang Iniwan Mo Ako

Mga Like Ko Sa Album:


  • Sharon Cuneta's Singing Voice. Ate Shawee for me is the greatest singer of all time of Tagalog songs. Grabe!!! Ang ganda-ganda ng boses nya. Kayang-kaya nyang maging alto then suprano in all one song. Hindi lang yan, punum-puno ng damdamin ang pagkanta nya. Talagang nanggagaling sa puso. Kung Makikinig ka sa mga kanta nya, talagang mararamdaman mo ang damdamin ng nagsulat ng kanta. There is no better singer than Ate Shawee!!! I love you Ate Shawee!!!

  • The Songs. Panay magaganda ang mga songs dito. Ang pinaka-notable ay kay Willy Cruz. The lyrics, the melody, the arrangements, the instruments... Perfecto ang mga kanta. Hayyy... Ilang araw ko na silang pinapakinggan

Mga Hate Ko sa Album:

  • Wala. Pero sana nilagyan nila ng lyric sheet ang cd. Hindi tuloy ako makasabay kay Ate Shawee.

My verdict? 5 Utots. Wala ng gaganda pa sa boses at arrangements sa mga songs dito. Hayyyy... Talagang maaantig ang damdadamin mo. Maski pusong-bato ka, magiging pusong mamon ka.


This page is powered by Blogger. Isn't yours?