Tuesday, November 14, 2006

Dear Willow: Friend to Lover?

Dear Willow:

First of sa lahat. I wanna let you know, na I really mahal your blog, 'no? It's so nakakatawa and so vonggah. I always basa it whenever I'm like at the bahay or at the office 'no (sa oras ng lunch naman).

Anyway, may problem ako Willow. Meron kasi akong matalik na friend for a very mahabang panahon now. Noon, no pansin sya with me. Pero sa ngayon, parang like, different na ang feel ko sa kanya 'no? Parang he's more of a muy gwapo now. He's so, how should i say this? So sexy and so hot!

By this time, I think you know na what my problema is. Paano ko sasabihin sa kanya na gusto kong syang maging jowa? Ayokong, like masira ang friend samahan namin. Kasi since Kindergarten eh friends kami. Ewan ko ba kumbakit isang araw eh biglang naging gwapo sya sa aking paningin. Gusto ko syang ikama at, you know, mag-make love kami and stuff.

Anong gagawin ko, Willow?

Like, lovingly yours,

How Ako Yari On Kaibigan


Dear HAYOK,

Saan ka ba nag-aral ng inggles ha? Like, pwede ba, humingi ka ng refund, kasi like your English is so, like, how should I put this? Atrocious!!! Kahiya! Like, ewwww!

Anywho, HAYOK, wag kang mabahala kasi napa-tipikal ng problema mo. Madaling sabihin ang pwedeng gawin, pero you have to take a very big risk. Kasi I'm sure, like, sure na sa everyday na nakikita mo sya eh baka isang araw hindi na mapigilan at bigla mo na lamang syang
pagsamantalahan o kaya eh parati kang naglalaway habang kinakausap mo sya or something.

Ganito ang gawin mo, mag-set ka ng appointment or date or whatever with him. Yung sa lugar na very private, yung tipong kung magwala ka man or maghuramentado sa sagot nya eh hindi ka naman madedemanda ng public disturbance. Doon mo sabihin ang nararamdaman mo sa kanya. Pero bago mo gawin yun, magmuni-muni ka muna. ARe you willing to accept the consequences, na maaring yun na ang last day ng pagkakaibigan nyo.

Ihanda mo ang sarili mo sa rejection, HAYOK. Siguro, bago mo sabihin sa kanya, make that day a very, very special day para sa inyong dalawa. Like, gawin nyo ang lahat ng bagay na preho nyong enjoy as friends, kasi as I said, maaring last day nyo na as friends yun.

Also, kung halimbawang ma-reject ka man nya, i-ask mo rin sya kung pwede pa rin kayong maging friends after what you told him. Kung kaya mo pa rin syang maging kaibigan after all that, then good for you. Kasi siempre, everything will be very different.

Good luck, HAYOK. Just be ready to have your heart broken, to be rejected, and to have a very different relationship from him after all this. Pero ok lang yun, kasi in rejection and heart break, that's where we learn. I don't see any other way how you're gonna let him know unless you tell him, di ba? (Unless reypin mo sya one night, pero respect him kasi friend mo nga sya eh).

On the other hand, malay mo, pareho pala kayo ng nararamdaman, eh di winner, di ba?

In love (teka, love mo sya di ba? Hindi lang tawag ng laman yan?), there are RISKS involved and you must be willing to take them as well as the consequences.

Good luck, HAYOK.

Like, nagmamahal,

Willow

Comments: Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?