Thursday, June 15, 2006

Kailangan Kita


KAILANGAN KITA Film/Movie Review

(2002)
Directed by Rory B. Quintos
Writtten by Raymond Lee and Shaira Mella Salvador

Genre: Romance / Drama

CAST:


Aga Muhlach .... Carl Diesta
Claudine Barretto .... Lena Duran
Dante Rivero .... Pinong
Johnny Delgado .... Papay
Liza Lorena .... Consuelo Duran/Mamay
Cris Villanueva .... Father Ruben Duran
Cholo EscaƱo .... Sonny Duran
Gerald Madrid .... Mario J
ericho Rosales .... Abel
Farrah Florer .... Sylvia
Rissa Mananquil-Samson .... Criselda 'Chrissy' Duran
Jon Achaval .... Sylvia's Father
Ces Quesada .... Consuelo's Friend
Gardo Versoza

Oh my gawd, antagal ko na palang hindi nagre-review. Kawawa naman ang dear fans ko.

Anywho, di ba ang sabi ko sa inyo na ang mga pelikula ni Aga Muhlach ay pre-preho ang istorya? Yung magpapakasal sana sya sa iba, mamee-meet nya ang bidang babae, tapos sila na ang magkakatuluyan, tapos hindi na matutuloy ang kasal dun sa isang babae.
Welllll....

PLOT: Kailangan kita is story of a pinoy who came back to the Philippines to have his wedding. In doing so, he is forced to face his past and in the end gets to know himself like he has never done before.

So ito nga, si Aga eh nakatira sa New York. Umuwi sya ng Pinas para magpakasal sa Bikol. Na-meet nya dito ang basang sisiw na si Claudine (kapatid nung mapapangasawa nya sana).

Grabe, inaapi-api dito si Claudine ng tatay nya (Johnny). Para syang chimay! Wala syang ginawa kundi magsilbi sa pamilya nya. Luto dito, luto doon, linis dito, linis doon. Kulang na lang eh hugasan nya ang puwet ng tatay nya eh (baka nga hinuhugasan eh, ni-cut lang sa pelikula).

Sa pag-spend ng time nila AGa at Claudine with isa't isa, nagkalablaban (fell inlove) ang dalawang timang. With each other, nakilala ni Aga ang pagkapinoy nya at natutunan nyang mapatawad ang tatay nyang iniwan sila nung sila'y mga tuta pa lamang.

Ang nagustuhan ko sa movie na ito ay the way they showed the Bikolano cuisines and dishes. Grabe, mapapatulo laway mo sa mga ipinapakitang pagkain sa pelikula. Parang ang sarap-sarap!!!

Maganda rin ang soundtrack. Angkop na angkop ang mga kanta sa mga scenes. Like may narinig pa akong kantang pam-fiesta dito eh. Which means talagang pinag-isipan ang sountrack.

Tyak na magrerejoice ang mga manyakis dito. Bakit:

1. May wet look scene si Claudine dito
2. Walang syang suot na bra sa pelikulang ito

Yung love scene in particular, maganda ang pagkakagawa. Tasteful at hindi bastos.

Kaya lang, ang laki ng suso ni Aga! Oo, tama. Ang laki ng dede ni Aga! Halos magkasinglaki lang sila ni Claudine eh. Tumatalbog-talbog dede ni Aga pag naglalakad sya eh. Sana nagpapayat muna sya ng konti bago nya ginawa ang pelikulang ito. At si Cris, di ba ang gwapo nya noon? Bakit ganun na ang tsura nya? Mukha syang adik.

Anywho, so in the end, hindi natuloy ang kasal ni Aga with the other girl (Helllooo??? Yan ang tatak ni Aga eh!) and he ends up with Claudine.

Siempre ang nagustuhan ko dito eh yung cinematography, production design at soundtrack. Technically speaking, this is a well-made film.

Ang hindi ko masyadong nagustuhan ay ang story. Very predictable. Tsaka there are some parts in the story the are somwhat out of place.

Pero in the end, watchable pa rin ang movie. Medyo ok naman ang pacing. My rating? 3 Utots. Siguro, kung gusto mong maaninag ang utong ni Claudine at Aga eh panoorin mo ito.


Comments: Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?