Thursday, January 18, 2007
Pagdating Ng Panahon
Pagdating Ng Panahon Film/Movie Review
2001
Directed by: Joyce E. Bernal
Written by: Mel Mendoza-Del Rosario
Genre: Romance/ Comedy
CAST:
Sharon Cuneta .... Lynette
Robin Padilla .... Manuel
Rufa Mae Quinto .... Bubut
Roldan Aquino
Eddie Arenas
Amy Austria
Marissa Delgado
Rosemarie Gil
Bing Loyzaga
Baby O'Brien
Bernard Palanca .... Willy
Luz Valdez
Hello dear fans!!! Kumusta na ang aking mga fans na nagkalat sa iba-ibang parte ng mundo? Naku, swerte nyo kung + (plus) ang temperatura jan, samantalang dito sa isla na kinatitirikan ng kubo ko eh napakalamig. Talaga namang makapanginig-tumbong ang lamig. Kumurap lang ang mata ko eh hindi ko na mabuksan dahil nagyelo na. Kala nyo nagbibiro ako? Hindi no?
PLOT:
Pagdating Ng Panahon (PNP) is girl-power movie. Sharon assumed that Robin proposed to her, but she was sadly mistaken. To heal her broken heart, she went to Manila to better herself and to be a success.
Di nyo ba napapansin na pag si Robin ang bida eh parating si Joyce Bernal ang director? Hmmm...
So eto nga, ang pamilya ni Sharon dito eh kung sinuman pakasalan lalaki eh namamatay. Kaya takot ang mga tao na pakasalan sila. One day, nag-uusap si Sharon at Robin about mga bagay-bagay. Eh kala ni Sharon nag-propopse si Robin. Aba, pinagkakalat na ng bruha. Nung malaman nya na maling akala nya, eh nagpunta sya sa Manila para paunlarin ang sarili nya at ang business nya.
Ito lang ang masasabi ko, so far ito ang pinakagusto kong tambalan ni Robin at Sharon. Bakkettt? Una, kahit predictable ang story, medyo maganda naman. Walang makikidnap dito at walang habulan. Pangalawa, maganda ang cinematography. Talagang nostalgic ang mga shots sa Los Banos, Laguna. Oo, taga-Laguna ang lola nyo. Kaya nga proud na proud ako eh. Siempre, nandito sa story ang aming world-famous buco pie. Kaya kung pupunta kayo ng Laguna, don't forget to buy an original buco pie. Wag kayong bibili sa nga naglalako sa bus ha? Dapat bibili kayo sa tindahan talaga ng buco pie. Hindi ko lang matandaan kung "Special Buko Pie" or "Original Buko Pie" ang pangalan nung store. Bumili na rin kayo ng fresh chocolate milk, malapit lang sa tindahan ng buko pie. Ay talaga namang, delicious.
Pangatlo, siempre, girl-power ito. Kahit broken-hearted si Sharon, imbes na magpakamatay sya eh she chose to better herself and she was successful doing it. Dapat naman talaga ganito ang buhay, di ba? Kung binigyan ka ng calamansi, maggawa ka ng calamansi juice, hindi yung nagmumukmok ka sa sulok.
Pang-apat, siempre, nandito ang aking my darling Rufa-Mae. Although maigsi lang ang papel nya dito, sya ang rason kung bakit binili ko ang film na ito. Her moments are still the funniest in this film.
Sadly, talagang walang chemistry si Robin at Sharon. Mukhang anak lang ni Sharon si Robin dito.
Although predictable ang story, I endjoyed watching this film. It's a feel-good movie, and ang cute ni Robin, huh? Very kissable ang kanyang makinis na fez. I give this film 4 Utots.