Friday, September 15, 2006

Sana'y Wala Nang Wakas


Sana'y Wala Nang Wakas Film/Movie Review (1986)

Directed by: Leroy Salvador
Co-written by Emmanuel H. Borlaza
Genre: Drama


CAST:

Sharon Cuneta - Bianca
Dina Bonnevie - Camille
Cherie Gil - Monique
Dindo Fernando
Tonton Gutierrez
Jay Ilagan
Rez Cortez
Zsa Zsa Padilla (extra lang)
Rosemarie Gil
Jeffrey Santos
Manny Castaneda

PLOT:

Sana'y Wala Nang Wakas is a story of a group of friends who when fame has finally come to them, has ripped their friendship apart.

So yun nga, this a story of the Tatlong Penoy, este, "Friends" (ay josko, ambaddduyyy ng pangalan ng singing group nila!!!), na mala-Supremes ang dating. They did everything para maabot ang tuktok, pero nagselosan ang mga bitches (lalo na si Cherie) at nagka-break apart sila.

Mga Hate ko Sa Movie:
  • Dina's singing. Ay, tita Dina, buti pa, gumawa kayo ng album ni Ate Ness (Alma
    Moreno), kasi magkasing-level kayo ng "singing" talent eh. Grabe, bakit si Dina pa ang
    ginawa nilang 3rd member, marami namang pede jan na marunong kumanta ah? Sana si
    Fanny Serrano na lang kinuha nila. O, mas vonggah di ba?
  • Sumikat ang group, pero puro remakes ang kanta. Sino ba naman ang maniniwala jan?
    Hindi realistic di ba? Kung gusto kong marining ang "The Greatest Love of All,"
    bibili ako ng plaka ni Whitney Houston no?
  • The Tonton and Sharon scene collages. So nakapunta sila sa Taal Volcano, sa tagaytay,
    sa antipolo, nag-jetskiing sila etc.. all in few hours??? Ano ba yan? Unless may
    time machine sila na pede nilang i-rewind ang oras, eh posible pa yun no?
  • The cinamatography. Nung una kala ko horror movie ito, eh kasi naman ang dilim ng mga
    shots no? Tapos minsan mukhang masisira pa yung mismong film. Helloo??? Kung lilipat
    nyo sa DVD/VCD ang pelikula, i-remaster nyo muna no? Eh pirated quality eh!!! Sayang
    ang pera ko. Sana hinintay ko na lang ipalabas sa tv.
  • The technical qualities of the film itself. The directing was atrocious. The scenes
    were haphazard and not well-thought of. Kung si Lino ang nag-direct nito, tyak na
    super-ganda. Nasayang ang story. May potential pa naman maging Classic itong movie na
    ito. Sayang na sayang.
  • Tonton's acting. Pano ba naging ta-artits ang kumag na ito? Eh magaling pa ang mga
    mimes dito umarte eh!!! Pede sya kung manekin ang character. Swak na swak!


Mga Like ko Sa Movie:

  • The acting of Dindo Fernando. Ang galing nya dito as a dying father who doesn't wanna
    bother her kids about his terminal illness. Minsan nga, medyo napapaiyak ng konti ang
    ilong ko eh. Very realistic and heart-thugging.
  • Ate Cherie. Ewan ko lang kung may mas gagaling pag villain kay Ate Cherie. She's
    amazing!!!
  • The theme song. Willy Cruz eh! I love you Tito Willy!!!

My verdict? 3 Utots. Para sa mga die-hard Ate Shawee fans lang ito. This movie had a
lot of potentials, but it sucked technically.


Comments: Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?