Monday, January 16, 2006

MINSAN PA Film Review

"Ako ang mahalin mo! Hindi ako bulag!"

In my opinion, this movie is 1.5 hours too long. Opo, 2.5 hours po ang movie na ito, pero after an hour, bumaba na sya ng bundok (it goes downhill from there).

This story takes place in Cebu. Ang ganda pala ng Cebu! Ang character ni Jomari eh tour guide. Broken family sila. Iniwan sila ng tatay nila ng sila ay mga dagang kosta pa lamang. Kaya sya na ang tumayong tatay para sa mga younger siblings nya.

Na-meet nya si Ara in one of his tour stints and na-inlab sya dito. Eh kaso, itong si Ara ay may iba ng mahal, so no-can do.

Nung isang araw ay bumalik si Ara sa Cebu, pero may iba na syang pakay. Gusto nyang hanapin ang camera na nahulog sa dagat noong una nyang pagbisita sa Cebu. Kaya pala, gusto nya itog kunin for sentimental value. Nabulag kasi ang fiance nya at ayaw ng pakasalan si Ara. Gustong patunayan ni Ara na mahal nya talaga itong si Alex (the fiance) para pakasalan sya.

Eh alam nyo ba ang ginawa nitong ungas na si Jom? Pinagpilitan ba naman ang sarili nya kay Ara "Ako ang mahalin mo! Hindi ako bulag!" Kung hindi ka naman saksakan ng tanga at ipipilit mo ang sarili mo sa babaeng alam mong may minamahal ng iba. At after that, the movie reeks of shit.

Madaming story tidbits sa movie na ipinakita ang mga problema pero walang resolution. Sabog-sabog ang subjects. Meron yatang attention defiency syndrome ang nagsulat nito at nag-direct dahil paiba-iba ng subjects.

In the end, hindi sila Jom at Ara ang nagkatuluyan, which doesn't make any fucking sense. Ginawa ang movie na ito nung break na sila di ba? Siguro merong clause sa kanilang contract that they shouldn't end up with each other.

After seeing this movie, I felt cheated. Dapat merong free time machine with every Minsan Pa DVD rented or bought, dahil yun ang gusto kong gawin after seeing this. Gusto kong bumalik 2.5 hours in the past para itulog ko na lang ang mga hours na nasayang ko after watching this film.
Kung hindi lang sa Cebu scenery, hindi ko pagcha-chagaan ang film na ito. It's a complete waste of time. Pero kung mapilit talaga kayo, panoorin nyo at i-stop nyo yung film dun sa scene na hinabol ni Jom si Ara sa hotel. Tapos mag-imagine na lang kayo ng sariling ending.

Dahil sa kapangitan ng movie na ito, meron akong bagong lowest rating, ang 0 Utot. (Tang'ina! Mag-imbento ka ng Time Machine para ibalik ang panahon na sinayang mo sa panonood nito.)


Comments:
your review of minsan pa was clearly a rumbling of a shallow minded person like you. Tama na muna ang kapapanood ng mindless films paganahin mo naman ang utak mo kahit paminsan-minsan ha.
 
Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?