Friday, February 17, 2006

SIGAW Film Review


"Bakit ECHO? Di ba Sigaw in English is 'Scream?' Dapat 'Balingawngaw.'"


Grabe, antagal ko na palang hindi nagpo-post dito sa blog ko. Bwiset na winter kasi yan. Wala akong ginawa kundi mag-shovel ng snow araw-araw. Hindi biro ang mag-shovel ng snow ha?


Mag-shovel ay di biro/ Maghapong nakayuko/ Di naman makaupo/ Di naman makatuyo


Seriously, andaming snow this year. Halos hindi na nakikita ng mailman ang bahay namin sa dami ng snow. Yun kaya ang dahilan kung bakit parati kaming walang sulat?


Eniwi, SIGAW is a horror story (obvious ba?) that revolves around a haunted condominium. So bale, kalilipat pa lang ni Richard Gutierrez dito sa condo, tapos panay ang dinig nya ng mga sigawan sa gabi. Parati nyang nakikita yung abusive husband, the abused wife pati yung anak nila. Sa gabi, kumakatok yung babae sa pintuan nya at humihingi ng tulong.


I have to admit, Yam Laranas did a great job directing this film. Magaling ang switching sequences nya Richard's perspective tsaka yung scenes ng dysfunctional family. Hindi ko na lang sasabihin ang buong story ending coz it will spoil the movie for you.


I love this movie, pero may few questions lang ako:


1. Bakit sa Pinas, pag sinabing horror movie, kelangan ang scenes eh perpetual darkness?


2. Bakit walang masyadong ilaw sa condo unit ni Richard?

3. Gago ba si Richard at bumili sya ng delapidated condo unit na kapangit-pangit? eh di ba binata sya? Pano naman sya makaka-score nyan? Excuse me ha? Kahit gaano kagwapo si Richard, hindi ako makikipag-sex sa kanya sa kanyang condo. Yaikks!!! Andaming molds at germs! Dapat magbakuna ka muna ng mga anti-anti, kung hindi tyak na magkakasakit ka.


4. Bakit ang character ni Angel Locsin at Richard eh parang hindi nag-go-go sa school? Parang unrealistic di ba?


Heto ang mga suggestions ko para mas epektib ang movie:


1. Dapat may nude scenes si Richard. At least, maski naka-brief di ba? Mas maganda kung nagpakita sya ng pwet dito.


2. Have lighted scenes. Really. Sa Pinas lang ako nakakakita ng horror movie in perpetual darkness. Tumitigil ba ang pag-inog ng mundo pag katatakutan ang istorya? Bakit ang Feng-Shui? May umaga at gabing scenes pero epektib pa rin ang story. Jan mo talaga makikita ang creativity ng director.


3. Dapat may school scenes sila maski konti para mas realistic ang film.


4. Humanap sila ng mas creative na production designer.


5. Kumuha sila ng bagong Translator. Sigaw in English is Scream. Echo in Tagalog is balingawngaw.


Yun lang. I give this film 4 Utots. Kudos to Yam Laranas!


Comments:
tnx 4 ur comment willo!yeah ryt...wrong nga ung title na echo..ako ksi medyo takot ako sa mga horror but i also lyk watching it ksi d boring...but d2..pinanood ko talga 2 coz of richard and angel...!i lyk dem and kahit saan..nakakakilig aprin cla...my sa romance...horror..comedy..drama..telefantasya..etc...ok parin!very versatile luvtim..

agen..tnx 4 ur comments!astig ka talga...tama lahat..
 
Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?