Thursday, January 12, 2006
LA VISA LOCA Movie Review
"Nakakaloka talaga ang pagkuha ng visa"
Naengganyo akong manood nitong film na ito, eh kasi ba naman, si Tita Swawee (cuneta) ang executive producer. Siempre naman, ilalagay ba nya ang name nya sa isang pangit na pelikula?
La Visa Loca, is the story of Jess (Robin Padilla) who dreams of making trabaho in the US so he can make maraming tapwe. He's a tsuper of a tourist service car, which lead him to know Nigel Adams. Isang Amerikanong panot na may show about mga kababalaghan. Meron syang bingi at diabetic na father (Johnny Delgado) ma kanyng inaalagaan.
Narito rin ang kanyang ex-jowa na si Mara (Rufa-Mae "uber-sexy" Quinto) na hindi alam ni Jess na may anak pala sya dito.
Magaling talagang umarte si Idol. Natural na natural. So far, wala pa akong pelikulang napapanood na starring role sya na pangit. Magaling pumili ng roles itong si Idol. At ano pa? Ang lakas ng appeal nya sa camera. I can't help but love this guy.
Nakakatawa itong movie na ito. ONe of the things that I like was the scene where he was making apply to the US embassy, tapos kinikwestyon ang mga info nya.
Gusto ko rin dito yung tumatawag si Daddy Johnny sa isang programa tapos sabi ba naman (hindi ko mataandaan yung eksaktong script ha?) "tahimik iyang anak kong si jess. hindi nagsasalita. dapat pala pinakain namin ng puke ng baboy yan." Tawa ako ng tawa. Ganun pala yun? Pag tahimik pala ang isang tao, dapat pakainin sya ng kiki ng baboy! Yuck!
Medyo dramatic role si my beautiful, darling Rufa dito. Pero as usual super-pretty pa rin sya. Sana ay medyo dinagdagan ang screen time at script nya.
Pero wag ka, very symbolic ang pelikulang ito. Close to the end, ipinako si Jess sa krus dito, kapalit ng pagtulong ng Amerikanong panot na makapunta sya sa US. Holy week kasi at that time eh. Hindi ba ganito ang mentality ng pinoy about going abroad? Gagawin nila lahat para lang makapunta sa Amerika. Isasanla lahat ng ari-arian, iiwanan ang pamilya at kung anu-ano pa, para lang makarating sa America. Akala nila eh once nasa abroad na sila, magsisimula na silang mamitas ng salapi sa puno.
Pero siempre, at the end, pinili ni Idol ang kanyang mga mahal sa buhay. Oo, hindi sya pumunta sa America. Napakagandang mensahe di ba? Mas pinahalagahan nya ang mga mahal nya sa buhay at ang kaligayahan nya sa inang bansa kesa sa sa pagpunta sa America. Dapat kayo din. Timbangin nyo muna ang mga things-things (bagay-bagay). Hindi lahat ng bagay, esp. kaligayahan eh nabibili ng pera.
Gi-watch nyo ang pelikulang ito. It's well worth it. Ang rating ko sa movie na ito? 4.5 Utots.