Wednesday, November 09, 2005
Feng-Shui Review
Hindi ako fan ni Kris Aquino as an actress, pero as a public persona eh hanga ako sa kanya. Hindi ako nanonood ng isang pelikula based solely because starring sya no?
Nagbabasa ako ng Pugad Baboy comics isang araw tapos natatawa ako kasi si Igno eh parating nababanggit na takot sya kay Lady Lotus Feet, yung bang multo sa pelikulang Feng-shui, na-curious tuloy ako. Alam nyo naman ang lola nyo, patay na patay sa Pugad Baboy kaya maski anong mabanggit sa comics na iyon tiyak na susundin ko.
Ibinili ako ng Tita ko ng VCD. Ba, sa packaging pa lang okay na. Parang nakatingin ka talaga sa bagua (see above).
Feng-shui is a story of a woman who finds a bagua. As she enters a new life with her family, bouts of good luck rain upon her since she found the mysterious thing. But those good lucks have such high prices to pay, kasi ang kapalit eh ang death ng sinumang tumingin sa mirror ng bagua.
Sa simula pa lang ng movie, maeengganyo ka ng manood. Magaling ang cinematography at musical scoring ng pelikula. Hindi sya typical chipipay Pinoy movie.
Natutuwa ako sa movie na ito kasi for the first time eh parang ok ang acting ni Kris dito. Medyo natural ang pag-arte nya dito. Malilimutan mong siya si Kris Aquino.
The story is much more of a suspense than a horror movie (para sakin ha?). Pero napaka-creative ng nagsulat ng story nito. For the first time eh ngayon lang ako nakapanood ng horror movie na hindi ginaya sa mga pelikulang banyaga. Ang mga pagkamatay ng mga characters sa film eh based on their birth Chinese sign. Naisip ko, paano kaya ito gagawin? Ang mga ilang Chinese signs na tinalakay sa movie ay Year of the Dog, Rooster, Ox, Rabbit, Snake... O, di ba? Iisipin mo na alam mo na kung paano sila mamamatay based on their signs, pero HINDE! Mali ka. Creative ang pagkamatay ng mga characters dito.
This film will keep you on your toes. The pacing of the movie is great. There is never a dull moment in this film.
Pawang magagaling ang mga artistang gumanap dito, lalung-lalo na si Lotlot De Leon. Noong bata ako'y fan ako nitong si Lotlot. Hanggang ngayon ay napakagaling pa rin nya. Hindi sya kumukupas.
Ang hindi ko ine-expect dito ay yung ending. It was a very good twist and quite a shocker. Hindi sya typical Pinoy movie ending. Hindi ko na lang sasabihin sa inyo. I don't wanna ruin the movie for you.
When the movie ended, it appears na balak nilang mag-sequel pa. Medyo may doubt ako dito. Can Chito Rono follow the footsteps of the best Pinoy horror movie yet? Parang mahirap ng gawan ang sequel ng pelikulang ito dahil tyak na mas mataas ang expectations ng mga viewers. Mas gaganda pa kaya ang sequel kesa sa original? This is a perfect movie as it is.
Hay naku, I watched this movie more than once which is very rare for me. I love this movie. It's one of my favorite movies in general, and my most favorite Pinoy horror movie of all time (so far).
My rating for this movie? Helllooo??? Are you paying attention? This movie deserves every bit of its 5 Utots ratings. It's a must-see and a must-add in your Pinoy movie collection!
Comments:
<< Home
Maganda nga ang Feng-Shui ni Kris Aquino. Huwag na sana nilang sundan ito ng sequel. Kasi baka, maging mataas ang expectation ng mga tao. Me nabasa dati ako, ewan ko kung TRUE na balak daw i-remake ito ng company ni Brad Pitt, iyong Plan B Company niya. Ewan ko kung TRUE, kasi ang sabi-sabi na naman, me balak siyang i-remake iyong THE MAID ni Alessandra De Rossi na isang Singaporian Movie. Horror din siya.
Thanks for the info, mamaru. Plan B productions inquired about the story rights for the film, but that was as far as it went (as far as I know). Yung The Maid, I haven't read regarding Plan B inquiring about it. I heard it's a good film though. I'd like to see it. Napanood mo na ba ito?
I would be very interesting kung -remake nga yung Feng-shui.
Post a Comment
I would be very interesting kung -remake nga yung Feng-shui.
<< Home