Tuesday, January 02, 2007
Di Na Natuto
Di Na Natuto (Sorry Na, Pwede Ba?) Film/Movie Review
1993
Directed by: Eddie Rodriguez
Written by: Emmanuel H. Borlaza and Eddie Rodriguez
Genre: Romance / Action / Drama
CAST:
Sharon Cuneta
Robin Padilla
Edu Manzano
Nida Blanca
Armado Cortez
Timmy Cruz
Angelu De Leon .... Elisa Esplana
NiƱo Muhlach
Carlos Padilla Jr.
Caridad Sanchez
Happy New Year sa lahat ng magaganda at gwapo kong fans! Siguro matutuwa kayo
dahil nandito na naman si Willow para buuin ang araw nyo.
PLOT:
Di Na Natuto is one of those romance movies created just for the mere KILIG factor. Ate Shawee is a poor girl being fought over by two rich gwapings. Edu and Robin. One is Cain, one is Abel (yung mga hindi nagbabasa ng bibliya jan, meaning one is bad, one is good). Siempre the twist is one is ampon pala and he's trying to poison their father.
Ang hindi ko maintindihan sa mga romance movies eh bakit kelangan parating may kantahan, may makikidnap, hence the action scenes. Grabe, lammo, kung lahat ng mga lumaki sa ibang bansa eh papapanoorin mo ng mga romance films na Pinoy, ay tita, matatakot silang tumira at magkajowa sa Pinas. Eh kasi naman, parating may nakikidnap.
Talaga tita, kulang na lang na lagyan nila ng horror twist. Siempre, may drama, musical, action, comedy, yun horror na lang ang kulang. Siguro kung medyo sinapag-sipag pa ang mga writers nito eh binuhay nila si Nida Blanca (Namatay si Nida dito) na maging zombie para magkaroon ng habulan sa sementeryo.
God, it was painful to watch this film. As usual, Robin's acting was atrocious. Parating nakasigaw at super-OA. I mean, super-OA talaga. Kung may awards for the most OA acting, panalo sya. Si Ate Shawee naman, OA din. Ewan ko ba sa mga Piniy comedies, na bakit pag sinabing comedy dapat OA ang pag-arte. Sa totoong buhay ba ganyan tayo?
The story was horrendous. Ay ewan, si Edu pala ay ampon. Nung malaman nya eh gusto nyang patayin Papa nila. Parang ang hirap paniwalaan di ba? Pinalaki ka sa pagmamahal tapos nalaman mong ampon ka gusto mo ng patayin ang nagpalaki sayo. Maski naman siguro demonyo kang tao eh may konti ka pa ring utang na loob di ba? I'm sure one day, Nag-inuman si Maning Borlaza at Eddie, tapos dun nila sinulat ang story nito. Kaloka talaga!
The only saving grace of this film is Caridad Sanchez' acting. Siguro one or two minutes lang ang labas nya dito, pero her acting was natural and believable. The other casts? Pwe!
What can I say Ate Shawee? I'm very disappointed with this movie. Please lang, don't make anymore comedy movies with Robin. Maawa ka naman sa mga fans mo.
My verdict? 1 mahina at malamyang Utot.