Monday, May 15, 2006

Aishite Imasu Film/Movie Review



Aishite imasu (Mahal kita) 1941 (2004)


CAST:

Judy Ann Santos .... Inya
Raymart Santiago .... Edilberto
Jay Manalo .... Ichiru
Dennis Trillo .... Ignacio
Marco Alcaraz
Angelu De Leon .... Maura
Jacklyn Jose .... Tiyang Mabel
Yasmien Kurdi
Domingo Landicho
Anita Linda
Tony Mabesa .... The Mayor
T.J. Trinidad .... Anton
Iya Villania .... Julia

HALLELUJAH! Sa wakas, meron din akong nagustuhan na pelikula with Joel Lamangan directing. Ok, ok... marami akong nababasa na magaling na director itong si Joel, pero wag ka, wala pa akong nagugustuhan na pelikula directed by him. That all changed of course with Aishite imasu.


PLOT: The story takes place in 1941, the era where Japan occupied the Philippines. Siempre, there's chaos, war, tears, but amidst of it all, there's also love. True love for a lover, and love for the country.

Bale, dalawa ang love story dito. Yung una, the love between Juday and Raymart. It's written in the stars na sila na talaga ang magkakatuluyan. Paglaki nga nila eh nagpakasal sila. Eh ito palang si Dennis, bata pa man sila eh may gusto na kay Raymart. Nung magbuo ng guerilla group itong si Raymart eh humingi siya ng tulong kay Dennis para mag-spy ang the latter. Noong una, ayaw ni Dennis, pero pumayag din dahil mahal nya si Raymart.

The second love story is between Dennis and Jay. Jay is an authority of the Japanese military. Nakita nya si Dennis na kumakanta sa plaza, who during that time is dressed in baro't saya. Nafall-inlove ang kumag kay Dennis, and the guerilla group sees this opportunity para makapag-spy sa Japanese squad.

Ang una mong mapapansin sa movie eh the great acting done by all. Maski sa pinakaliit-liitang papel, like yung mga extra, kudos sa acting. Magaling silang lahat. Siempre, ang pinakamagaling dito eh si Dennis. He did justice to the role as a mahinhing binabae. Maski yung mga pagluha - luha nya, maaantig talaga ang damdamin mo.

The cinematography was great also. Magaling ang mga shots at malinaw ang film.

The production design was above par compared to other Pinoy movies. Pati mga kotse noong unang panahon eh pinakita dito, which means ginastusan nila talaga ang movie. Eh ang hirap yatang makakuha ng vintage cars ano?

The settings was great. Feeling mo nasa baryo ka talaga noong unang panahon. The plaza, the schools, the houses... I wonder, saan kaya nila ni-shot itong film. It was a very good choice of setting.

Actually, I was really waiting for the part where Jay and Dennis kissed, kasi marami akong nababasa dito. Noong makita ko sya, I was very disappointed. Kasi naman halatang hindi comfy ang two characters tsaka mukhang camera trick lang. Ang sakin lang eh, KUNG MAGTA-TAKE KAYO NG RISK TO MAKE A FILM ABOUT TWO MEN INLOVE, EH LUBUS-LUBUSAN NYO NA. Hindi yung andami pang arte. Sayang kasi, I don't think that another film like this will be made in the very near future.

Pero siempre, ang pinakamagandang message imparted by the film eh, LOVE TRANSVERSES ALL BOUNDARIES. When one is inlove, it doesn't matter what's the gender, the nationality, the political beliefs, etc. Gustung-gusto ko ang character ni Jay dito, kasi, noon pa man, he knew that Dennis was a guy in drag, he knew that Dennis is a spy, pero after all of that, talagang mahal na mahal sya si Dennis, up to the point na hinuli na rin si Jay ng mga ka-comrade nya.

I love this film. In order for you to enjoy this film you have to watch it:

1. With an open mind
2. Without judgement and prejudice

Kasi kung homophobic ka, sinocentric at sarado ang utak mo, please lang, do us all a favour and do not watch this film, dahil hindi mo ito maeenjoy.

Kudos to Joel and Regal Films! Ay, talaga namang himala dahil for once, Regal films did an incredible job.

I give this film 5 Utots. I highly recommend that you watch this film, dahil marami kang matutunan about love.



Comments:
Ang ganda nga ng Aishite imasu, gustong gusto ko yung character ni jay manalo d2 npkaromantic nia tsaka loyal siya ka Inya.gusto ko rin ung character na c Akihiro,Marco Alcaraz ba rea; name nia? wala lang cute nia kasi eh at nung chemistry nila ni jULIA.
 
ang ganda nman talaga ng aishite imasu.,.,kahit ilang years na ito, d pa rin aqng nagsasawang manood!!!!!!!!!!!!!!!♠♠♠
 
OMG Ganito pala ang word ng mga taong hindi NAG ARAL NG GOOD MANNERS . ang mga word ay napulot lang kung saan . kaya pala HALATA na walang PINAG ARALAN

KUMAG ka din !
 
bading ka kasi. kaya eto lag ang nagustuhan mo, pumapabor kasi sayo.. haha. peace.
 
Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?