Monday, March 06, 2006

DUBAI FIlm/Movie Review



"Let this be a lesson to you. Ang mga taong nag-iiwan ng video farewell ay either namamatay or naaaksidente."


CAST: Aga Muhlach, John Lloyd Cruz, Claudine Barretto, Pokwang


Excited akong gi-watch this film, kasi I read that it's a blockbuster! Tsaka after seeing Milan the movie, I was excited to see another Pinoy film that's made overseas.

DUBAI is a story about the struggles of two brothers and their desire to make or to not make their childhood dream come true.

So, magkapatid dito si Aga at si John. Na-orphaned sila noong bata pa sila, and they made a pact na by hook or by crook, pupunta sila sa Canada para matupad ang pangarap nila at ng kanilang Nanay. In fairness, bagay silang brothers ha? May hawig si John kay Aga. Pero di ba? Ang babaw ng pangarap nila ano? Gusto nilang pumunta ng Canada. Ayaw ba nilang maging astronauts or maging presidente ng bansa or maging doctor?

Eniwi, si Aga eh naunang pumunta sa Dubai para magtrabaho at mag-ipon ng papuntang Canada. While in Dubai, naging santo siya ng mga Pinoy doon. Para syang boyscout, parating handang tumulong sa mga nangangailangan, wala tuloy naipon ang ungas.

Si Claudine naman eh jowa ni Aga. Eh itong buset na si Aga eh napaka-Pabling. Parati nyang sinasaktan si Claudine (metaphorical sense). In the end, natuto din si Claudine, at binalingan si John na sobrang patay na patay sa kanya. Pinaglaruan nya si John. But the joke's on her kasi nabuntis sya ni John. So hindi makaka-stay si Claudine sa Dubai kasi patay sya (literally), dahil bawal pala ang mabuntis doon ng hindi kasal.

Tapos nalaman ni John na wala na palang balak pumunta sa Canada si Aga dahil masaya na sya sa Dubai, alam nyo ba kung anong ginawa ng walang utang na loob na si John? Pinagalitan nya si Aga at pinili nya ang Canada over him.

O, hindi ko na lang sasabihin ang ending ha?

Kung mahilig kayong manood ng mga films na set sa overseas location, eh this is a nice film to see. Parang gusto ko tuloy pumunta ng Dubai.

The pacing of the film was great. Hindi sya boring. Actually, I really loved Pokwang. Oo, sya ang bago kong paborit na ta-artists. Funny sya ha? Dapat magkaroon na sya ng film na sa kanya lang.
In terms of the story line, eh hindi ko type. Ang gusto ko sa mga films eh yung pagkatapos mong manood, eh mayroon kang inspiration or moral values na makukuha, and Dubai didn't give me a stinking shit. Bakit kanyo? Heto:

1. I can't believe na after Aga's paghihirap sa Dubai, at sa tinagal-tagal ng pagkakahiwalay nila ng brother nila, ipinagpalit sya ni John sa Canada. Napaka-ipokrito ng John na iyan. Granting na pangarap nila noong bata pa sila, pero ganun na lang ba ang pagpapahalaga nya kay Aga? Buti nga at nabangga ng truck ang walang utang na loob na John na yan.

What does it say about the Pinoy? Mas mahalaga ang makapunta sa ibang bansa kaysa makapiling ang kaisa-isang pamilya na sobra-sobrang nagmamahal sa yo. If it's about money, maiintindihan ko pa, pero with the film's scenario eh it's not about the money. Talaga lang baliw yang John na yan.

2. Kung hindi ba naman gaga yang si Claudine, hindi sya gumamit ng birth control noong nakipag-yes-yes-yoh sya kay John. Iha, mura lang ang condom. Para na rin makaiwas sya sa STD.

3. It's unfair na with Claudine and John's baby, parang inalisan ni claudine si John ng right sa bata. Dito natin makikita ang unfairness when it comes to child custody battles. I think John would be a better parent than you, Claudine.

Although gusto ko ang pacing ng movie, I have expected too much already, so parang a little bit disappointed ako sa movie na ito. Buti na lang at nandun si Pokwang to make this movie a little bit worthwhile.

Ang rating ko? 3 Utots. Although hate ko ang story, magaling naman ang mga ta-artits (lalo na si Pokwang) at scenic ang mga shots.


Comments:
bakit parang may [mga] lumaki kay claudine? lol.
hindi ko pa napanood yan, ako na lang yata ang kaisa-isang tao dito sa pamamahay namin ang hindi pa nakakapanood nito. mapanood nga para maapi na rin si joh lloyd. hehe.
 
Abah iha, panoorin mo na para makita mo ang kagaguhan ng mga karakters dito sa pelikula.
 
Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?