Tuesday, October 25, 2005
HAPPILY EVER AFTER, Review 1: Multong Bakla (Ay Papa, papatayin kita!)
Dapat sana ang papanoorin kong DVD ay "Bahay ni Lola 2" pero medyo nakakatakot (kasi gabi na) kaya "Happily Ever After" muna daw ang panoorin namin.
Pagkakita ko pa lamang kung anong film company ang nag-produce (Regal Films), naisip-isip ko, ano kaya ito? Meron na namang song and dance number sa beach? O sa piknikan?
Ang story ng Multong Bakla is about a pair of Romeo and Juliet-type lovers (parents do not approve) who had an encounter with a couple of ghosts who didn't know that they're already dead (Sixth sense, gaya-gaya, hohum...).
So heto nga, ang "Multong Bakla" ang unang film sa trilogy na ito. Ilang minuto pa lamang akong nanonood eh, nasusuka na ako sa kapangitan ng pelikulang ito. Sigawan ng sigawan ang mga characters. Ang pag-arte nila ay halatang nagpapatawa na trying hard at hindi natural. Puro over-actors kumbaga. Hindi rin appealing ang lead actor at actress (Sila Tyron Perez at Nadine Samonte). Walang x-factor. Para lamang pinulot sila jan sa tabi-tabi. Ang medyo nagustuhan ko ng katiting dito ay ang pag-acting na bading ni Keempee de Leon.
Tsaka magkano ba ang budget ng pelikulang ito? Bente Pesos? Namputsa, hindi man lang dinagdagan ng mga ghostly special effects ang multong characters. Ang paglutang ni Keempee sa pelikula ay hatalang may lubid. Ang pagsalaysay ng story eh kapangit-pangit. Saan ba kumuha ng writers at director si Mother Lily for this film? Sa Mental?
Kung may balak kang panoorin ang pelikulang ito eh siguraduhin mong lasing ka o kaya eh inaantok ka. Yun tipo bang siguraduhin mong hindi ka mag-iisip habang pinapanood mo ito, dahil maloloka ka lang.
Mother Lily naman, sa tinagal-tagal mo sa film business eh hanggang ngayon eh gumagawa ka pa ng ganitong pelikula? Maawa ka naman sa mga viewers. Mas malaki naman ang utak nila kesa sa utak ng garapata.
Ang rating ko dito sa Multong Bakla? 0.1 to the negative 12 power, Utot.