Tuesday, November 01, 2005

Bahay Ni Lola 2 Review

"Lumipat ka na lang sa bahay ni Lolo, Bwiset!"

Heto nga, pagkatapos kong ipagpaliban na panoorin ang pelikulang ito eh pinanood ko rin. Halloween eh, siempre, para mas feel mo ang movie.

Pinatay ko pa lahat ng ilaw, ha? Kumuha pa ako ng kumot, just in case na matakot talaga ako eh di may pantalukbong ako.

Ang story ng BNL2 (paigsin na lang natin ang Bahay ni Lola, katamad i-type eh) eh isang pamilya ang lumipat sa isang bahay (mura kasi eh, mga barat kasi ang mga engot). Yun pala eh haunted. Madaming nagpapakitang ghosts tapos si Dingdong eh nabaliw dito. Tapos bawat tumitira daw doon eh may idinadagdag na parte ng bahay na bad feng-shui, at ang ika-13 na dagdag eh siempre, magtago ka na sa pinaggalingan mo.

Una ang lahat, sino ba ang nagsulat ng story ng pelikulang ito? Puro gaya-gaya ang tema. Buti sana kung ginalingan ang panggagaya, pero HINDE!!! Gaya dito, gaya doon, tapos ni-mix ang stories sa blender at ayun, ang resulta? EBAK.

Hay naku, lokang-loka ako sa pelikulang ito. Hindi magkakatugma ang mga scenes ng story. Heto ang explanation ko.

Si Tita Gloria daw ang unang may-ari ng bahay (I'm pretty sure na sinabi nyang 1956 nila pinatayo ang bahay). Tapos after them (nagbigti kasi asawa nya), kung anu-ano na raw pinaggagawa ng mga bawat tumitira doon na nagdadagdag ng bad fen-shui. In total eh 12, ika-13 yung kina Dingdong. Hello??? 12 tenants in 49 years? Anong nangyari sa kanila? Bakit hindi man lang nabalita o wala man lang nakakaalam ng nangyari dito.

Tapos yung isang scene dito eh, nasa sariling bahay si Tita Gloria, tapos pinagmultuhan sya ng asawa. Akala ko ba nagbigti asawa nya eh bakit dugo-dugo ang multo nya? Tapos nung wawarningan ni Tita Gloria si Karylle (asawa ni Dingdong dito sa movie), eh imbes na sabihin na nya eh sinulat pa. Ang haba ng sulat nya ha? Eh kung sinabi na ba nya eh di tapos na sana. At bakit sya minumulto ng asawa nya sa sarili nyang bahay? Haunted din ba bahay nya?

Tapos medyo nabaliw-baliw si Dingdong, at gustong magpalagay ng swimming pool sa likod ng bahay (ika-13 bad feng-shui). Yung scene na tatlong linggo ng hindi nagbabayad si Dingdong sa mga taga-hukay bg pool, tapos pinakita yung nagawa nilang hukay. Eh namputsa, eh parang hukay lang na taniman ng okra ang hinukay eh. Tatlong linggo na yung hukay na yun ha? Anong pinanghukay nila? Ang kanilang ilong? Pa konti-konting singkot ng lupa araw-araw? Maski kutsarita ginamit dito eh mas malaki pa ring hukay dapat. Maski ako hindi ko babayaran yung mga naghukay eh (swimming pool ang nakalagay sa kontrata hindi vegetable garden, mga ungas!)
Yung scene naman na pinatay ng multo si Cherry Pie, pagkatapos ng libing nya eh bumalik pa rin sa bahay ang mga ugok nyang kasambahay. HELLO??? Haunted ang bahay at ang isa nyong kasambahay eh pinatay ng mga multo, pero anong ginawa nila, bumalik pa rin.

Andami pang inconsistencies sa pelikula. High siguro yung nagsulat ng story nito kaya ganun kapangit ang pelikula.

Sayang ang talents ng mga artista dito, kung hindi lang gawapo si Dingdong eh hindi ko pagchachagaan panoorin ito. Si Cherry Pie, sayang na sayang sya dito. Pinatay lang sya. May sinabi ang isang character dito sa pelikula na proprotektahan daw sila ng multo ni Tita Cherry Pie, ok sana kung natupad ang concept na ito. Pero HINDE! Decoration lamang sya dito.

Ang ending ng pelikula eh lumipat sila ng bahay pagkatapos mamatay si Cherry Pie tsaka yung bata. Nung ipinakitang umaalis na yung mover truck nila Dingdong eh may nakasabit na multo. Hello??? Sumasabit ba ang multo sa sasakyan? Lumulutang sila ano? Tsaka bakit naman sila susunod, di ba ang multo eh nagsta-stay lang sa isang bahay? Hindi ko alam na nag-co-commute din pala sila.

Lokang-loka ako sa story. Hindi man lang iniexplain kung bakit naging haunted ang bahay at kung sino talaga si Lola. Bakit sya galit na galit sa mga nakatira dito. Tsaka paano nagkakaroon ng physical entity ang mga multo dito? Paano sila nakakapatay ng tao with their bare hands?

Wala sigurong budget ang movie kaya sa mental asylum sila kumuha ng writer at director for this movie.

In short, waste of time ang pelikulang ito. Mabuti pang tumae ka na lang kesa sa panoorin ito. What a big disappointment. It's like buying an Andok's lechon manok for a few hundred pesos tapos ang ibinigay sayo eh yung puwet lang ng manok. O kung wala ka namang magawa eh maglinis ka na lang ng bahay o maglaba by hand ng mga kumot, maski sugat-sugat na mga kamay mo eh mas fulfilled pa rin ang feeling mo kesa panoorin ang movie na ito.

Ang rating ko dito sa BNL2? 0.0003 Utot, just becoz magaling (at gwapo) si Dingdong dito.



Comments:
Hi, I'm Julius Roden. Natatawa ako sa Review mo sa BNL2. Kasi napaka prangka mo. Nakita ko ang BLOG mo kasi kasama sa link ng website ko.

Nalulungkot ako habang nagbabasa kasi merong mga problema sa buhay, alam mo na. Pero napatawa mo ako. Thank you talaga. I love your review. Napaka prangka.

And then again, invite kita please check out my website. I'm an independent film director. I'm 24 years old and this is my website. Coming soon pa siya. Next year. Sa araw ng mga Kasambahay. Tribute ko sa kanila.

It's www.kasambahay.com

Please visit www.englishworldtv.biz

Thanks for taking time in reading my comment. Good luck sa'yo at sa'kin.


Sincerely,

Julius Roden
 
lol... so funny!
 
Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?