Thursday, November 03, 2005
Can This Be Love Review
"Sandara Park, ang babaeng anime"
Mahilig akong magbasa ng mga artista magazines, oo, inaamin ko na. Recently, sa pagbabasa ko, parati kong nakikita ang name na Sandara Park. I had no idea kung ano sya o kung sino sya. Naisip ko, "naku baka yung mga pinoy na tumira sa tate tapos uuwi ng Pinas para mag-artista. Tapos kakagatin ng mga tao kasi magaling mag-ingles. Just shows kung gaano kalakas ang colonial mentality ng mga Pinoy." Yun ang akala ko. Pero may nag-explain naman sakin na Korean ang Sandara na ito. Sabi ko, "Korean? Ang baduy naman ng mga Pinoy. Ang daming magagandang babae sa Pinas tapos pasisikatin nila ang isang Korean."
So heto, may nagpahiram sakin ng "Can This Be Love" dvd, starring Hero Angeles and Sandara Park. I had no idea what this movie was about. Sa title pa lang sabi ko, "hay naku, kabakyaan na naman ito." Pero nabuhayan ako ng loob ng makita kong "Star Cinema" ang nag-produce nito.
"Can This Be Love" is a story of two people who have clashing cultures and a major language barrier, but managed to overcome those obstacles.
Sandara is a Korean who studies English in the Philippines. So far, puro panlalait ng mga Pinoy ang nararanasan nya, "Koreans go home!" pag inaasar sya ng mga kaklase nya. When she wrote her composition about Filipinos (siempre puro bad things ang sinulat nya) yung character ni Hero ang naatasang mag-type (typist kasi sya sa isang printing place). Tapos asar na asar si Hero dun sa nagsulat ng essay kasi puro panlalait sa Pinoy ang nakasulat. Dun nagsimula ang story, pero siempre, in the end they were meant to be together despite of the language and culture barriers.
I hate to admit it, pero I love this movie. Realistic sya (compared to other Pinoy teenage love films). Ang maganda dito eh ipinakita na maski mayroon kayong culture and language barriers eh love will overcome them.
Magaling ang script. Witty and funny ang mga dialogs. Halatang pinag-isipan talaga ni Jose Javier Reyes ito.
Very effective ang character ni Sandara dito. She's very innocent and self-effacing in the film. Minsan nga eh medyo naluluha ako pag inaapi-api sya ng mga kaklase nya sa pelikula. Makakarelate ka talaga. Biro mo, we talk about how Pinoys are being descriminated againsts sa Amerika, eh tayo rin pala nag-dedescriminate sa ibang lahi when they are in the Philippine soil.
Nakakatuwa yung interaction ni Hero at Sandara pag hindi sila nagkakaintindihan. "Slowly, slowly!"
I hate to say it too, pero magaling din si Hero as an actor. Yun nga lang, medyo makapal ang lipstick nya sa film. Nung una hindi ako sure kung tomboy sya (first time ko kasing nakita si Hero) or babae. His dimples remind me of Aga Muhlach.
Ang wish ko lang sana, sana dinagdagan pa ng konting explanation ang cultural Korean background ng character ni Sandara dito. That would've been very interesting.
Gusto ko rin dito yung scene na hindi pumayag si Sandara na bumalik sa Korea nung malaman ng dad nya na jowa nya eh Pinoy. It's nice to see women as a strong and brave character (which is very rare in Philippine cinema). Yung lalaki pa ang unang sumuko sa relationship.
Gusto ko rin dito yung character ni Kuya Pip as boss ni Hero. Gusto ko yung scene dito na he was trying to pacify Sandara at his printing shop. Ilang taon na ba sya? Parang hindi sya tumatanda.
I love this film. I think this is one of the best Pinoy teenage films that I have seen. Star Cinema is way ahead of Regal films when they do produce this kind of film. At least nag-iisip ang mga writers ng Star Cinema.
Pati ako eh fan na ni Sandara ngayon. Si Hero? Hmm... cute sya pero parang wala sya masyadong sex appeal.
Ang rating ko sa film na ito? 5 Utots. Kung gusto mong medyo sumaya ang buhay mo eh watch this film. Kudos to Star Cinema!
Comments:
<< Home
Wow! Meron ka ring nagustuhan na Pinoy movie. Nagandahan ako sa trailer ng movie na ito. Pero hintayin ko nalang sa cable or local tv.
Unang-una, I agree sa iba mong sinabi. Naaliw ako sa kuwento ng Can This Be Love, compare sa una nilang tambalan sa Bcoz OF U. Kasi sa Bcoz of U, medyo kulang ang story but I enjoyed so much, gusto ko kasi ang karisma at ang chemistry ni Hero Angeles at Sandara Park.
Sa acting ni Hero Angeles, walang duda na magaling siya,kaya karapat-dapat siyang tanghaling Grand Questor ng Naunang Star Circle Quest.
Sa acting ni Sandara, I admit na medyo nahihirapan pa siya, pero she show her best. Naiyak ako sa mga eksena kung saan inaapi api siya ng mga classmate niya. At ang pag-alis niya patungong Koreans.
Simple ang story pero malakas ang dating. Compared sa movie ni Angel Locsin at Richard Guttierez na Let The Love Begin, mas maniniwala ako sa istorya ng Can This Be Love. Bakit, mahihirapan ako na maniwala sa movie na Let The Love Begin? First, ang isang guwapo na maputi ay isang mahirap na estudyante at nagpa-part time bilang janitor sa eskuwelahan na pinapasukan. Ek-ek nila. Wala pa akong nakitang ganoon, kahit noong ako ay nasa college. Hindi bagay gumanap si Richard bilang isang mahirap. Kahit nga sa Sugo na ginaganapan niya bilang Miguel, hindi ako mapaniwalang isa siyang bulag.
I loved this movie very much. At nanghihinayang ako na hindi na masusundan pa ang movie nila Sandara at Hero. This is the last movie na pagtatambalan nila. Masasabi kong, natalo nila ang movie ng mga Star Struck Actors, compare sa LOVE STRUCK na isinama pa si Jolina.

Maan:
Siempre naman, I give credit when credit is due.
Rodel:
Curious tuloy ako sa mga binanggit mong pelikula, being ouf of Pinas at the moment, it's hard for me to procure Pinoy dvd/vcd. Pero I will try my best to get/borrow them.
Sige, basta sabihin mo lang kung anong Pinoy movies ang pinapanood ng mga tao jan at titingnan ko kung ma-a-avail ko sila.
Thank you for the comments. It will help me a lot.
Regarding "Let the Love Begin," eh Regal Films ang nag-produce eh. Kung hindi dahil lang sa mga reviews na gagawin ko eh hindi ako mag-aaksayang manood ng mga pelikulang ginagawa nila.
Pag Regal films ang nag-produce, lower your expectations na lang, kung hindi mababaliw ka sa panonood ng mga teeny-bopper films nila . Ang IQ requirement yata nila sa audience eh 25 and below. Kaya i-shutdown mo na lang ang utak mo pag manonood ka, kung hindi mababaliw ka. Or better yet, watch films that are produced by STAR CINEMA. So far, sila ang paborito kong production company. Magaling ang writers at directors nila.
Post a Comment