Thursday, June 01, 2006

Pinay Pie

Pinay Pie Film/Movie Review
Written and Directed byJose Javier Reyes


CAST:

Joyce Jimenez .... Karen
Assunta de Rossi .... Love
Ai-Ai de las Alas .... Yolly V
hong Navarro .... Butch
Carlos Agassi
Pinky Amador
Onemig Bondoc
Kimberly Diaz
Vangie Labalan
Carlo Maceda
Edward Mendez
Jenny Miller
Dustin Reyes
Rafael Rosell IV
Brad Turvey

PLOT: Pinay Pie is the life story of three girl-friends. One is a loser beauty pageant winner-wannabe, the other one is a not -so-pretty girl but who's very lucky with good looking boys, and the last one is a drop-dead gorgeous ambitious career woman who's unlucky in love.

Ang masasabi ko lang sa pelikulang ito eh, GRABBEEEHHHH!!! Super - funny!!! As in. Ang galing ng mga dialogs nila, lalung-lalo na si Ai-Ai. Magaling din ang dialogs ni Assunta.

Bale si Ai-ai, she has an ukay-ukay business. Tapos na-meet at na-fall inlove sila ng parak na si Carlos. Nung pinakilala na ni Carlos si Ai-ai sa mother nya, eh makalag-lag tumbong ang takot ni Ai-ai dahil napakasungit pala ng Mamay ni Carlos. Hindi lang yun, mama's boy pa ang kumag! So ni-break ni Carlos si Ai kasi ayaw ng Mamay nya. Pero swerte talaga ni Ai, kasi nafall-inlove sa kanya ang 2 gwapo, isa dun si Brad.

Si Assunta naman, parating join sya ng beauty pageant, pero parating talo. Tapos ni-take advantage pa sya nung isang judge, dahil pi-nost ang mga sexy pics nya sa internet. Ang funny ng scene nya dito nung question and answer portion na kasi sa boba nya, kelangan pa nya ng interpreter!

Si Joyce naman, over-achiever na career girl na boss ng isang magazine pero malas sa jowa. Pinagtaksilan sya ng jowa nya. May maid si Joyce dito, tapos inaapi-api sya ng maid nya, nakakatawa ang interactions nila.

Funny dito yung mga pictorials nila, tapos i-add mo ba ang humour ni Vhong, ay winner talaga!

Maganda ang story, at hindi sya yung typical na parating inaapi-api ang mga babae. Dito, mga babae ang bida! Maraming mga babae ang magagandahan sa film na ito.

Pero ang panalo talaga ay ang dialog. Grabe!!! Fagalog na fagalog talaga! Tapos andami pang eye candies! May magaganda, may mga gwapo!

Pero siempre for me, ang higlight ng movie ay ang super-sexy, super pretty na si Joyce. Ang ganda-ganda nya talaga! Tingnan mo lang sya at talaga mahihypnotize ka ng kanyang kagandahan. Ang ganda pa ng role nya dito.

The chemistry between the casts is amazing! It's a great ensemble! They should win an award for the best ensemble cast.

Ilang beses ko ng inuulit-ulit ang movie na ito pero ang funny-funny pa rin. Watch nyo to, siguradong sasaya ang buhay nyo! My rating? Hello? 5 Utots and more siempre! I love Direk Joey! You're the best!


Comments:
watch pinoy tv show replays here CLICK HERE

or download our android application here Philipine TV Replays android app

or download our apple application here Philipine TV Replays ios app

HOW TO INSTALL PHILIPPINES TV ON IPHONE AND IPOD TOUCH? CLICK HERE

or visit Android and Apple APPS

LIKE US : Facebook

 
Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?