Tuesday, March 06, 2007

All About Love


All About Love Film/Movie Review
2006
Directed by: Joyce E. Bernal and Don Cuaresma
Written by:John Paul Abellera and Arah Badayos
Genre: Romance/ Comedy/ Drama

CAST:

John Lloyd Cruz ... Eric
Bea Alonzo ... Casey
Anne Curtis ... Badong
Luis Manzano ... Wesley
Angelica Panganiban ... Kikay
Jason Abalos ... Kiko
Mico Palanca (as Miko Palanca)
Mikel Campos
Maui David (as Maoui David)
Paw Diaz
Eva Darren
Lito Pimentel
Julius 'Empoy' Marquez (as Empoy Marquez)
Pia Romero
Juddha Paolo

PLOT:

AAL is composed of 3 love stories. Buti na lang 'no? Mas gusto ko yung ganito eh, para hindi masyadong mahaba ang pelikula.

PROMDI

Bale the first story is with Angge and Jason. Angge is nakick-out sa school coz of kumalat na bastos na pictures nya. Kasi naman, gagah. Biro mo, nagpakalasing ang maldita, kaya yun, yung mga grupo ng lalaki eh pinagpistahan na kunan ng pictures ang kanyang hubad na katawan.

Umuwi ang gaga sa probinsya dahil sa kahihiyan. Dito nya na-meet ulit ang kanyang childhood kalaro na may gusto pa rin sa kanya. So the choice is, i-pursue pa kaya nya si Angge despite of her ugly past?

Ang comment ko lang eh, nyeh, pwede ba? Napaka-old fashioned ng story na ito. Totoo pa ba ito? Na may nude pictures ka lang eh kickout ka na sa school? Eh di pano yung mga porn stars? Wala na silang karapatan na pumasok sa iskul? Eniwey, ayoko ng story nito kasi masyadong exaggerated ang reactions ng mga tao, at ito namang si Jason, pano ba naging artista yan? Hindi ko ma-take pag-arte nya. Kelangan nyang kumuha ng workshop. Para syang parating may pigsa sa pwet kung umarte. Tapos may ilang shots pa dito sa film na nakikita brief nya where supposed to be hubo sya. Ay naku, pipol, nasan na ba ang cameramen nito at kukutusan ko lang.

I give this episode 1 Utot.

KALESA

Yun naman 2nd episode is si Anne at si Lucky. Anne is a kuchera, tapos si Lucky mayaman. Comedy itong episode na ito at maraming patutsada kay Vilma Santos. Funny ang mga dialogues at very refreshing ang pag-arte ni Anne dito. Ang galing nya!

Gusto ko rin na pinakita nila na hindi lahat ng mayaman eh matapobre. Oh di ba? Para maiba naman.

This is my favorite episode in all the three. The scripts, the actors, the story, they were all brilliant. Ang gwapo ni Lucky, kaya lang, wala syang sex appeal. Sayang.

I give this epi 5 Utots.

ABOUT ANNA

3rd episode naman is with Bea and Lloyd. Lloyd is a broken-hearted musician who lost his lover. He made a tape recording at nilabas nya lahat ng kalungkutan nya. Natagpuan ni Bea ang tape at nainlove sya sa boses. Hinanap nya ang boses, hindi nya alam na kapitbahay nya lang pala ang boses.

Although this episode is boarding on the "napaka-dramatic naman tita, pwede ba?" Bea is wonderful with her role. Napakanatural nyang umarte. Medyo insane nga lang ang character nya kasi naman, hello??? Sa panahon ngayon, hindi ka mag-aadvertise para i-meet mo ang isang stranger di ba? Rape ang aabutin mo, iha.

I like this epi mainly of Bea, and also their kissing scene is the best I have seen so far, in all films ha? Very natural at hindi conservative. Ganun naman talaga dapat di ba?

I give this film 4 Utots.

Comments: Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?