Monday, January 08, 2007

Spirit Of The Glass

Spirit of the Glass Film/ Movie Review
(2004)
Directed by: Jose Javier Reyes

Written by: Jose Javier Reyes

Genre: Horror / Fantasy

CAST:

Rica Peralejo
Marvin Agustin
Dingdong Dantes
Alessandra de Rossi
Paolo Contis
Ciara Sotto
Drew Arellano
Ana Capri
Mark Gil
Jay Aquitania
Jake Cuenca

Hello dear fans!!! Siguro naghuhuramentado most of you ano, kasi tapos na ang Pasko vacation nyo. Balik na naman sa iskul o sa opis para mag-aral/kumayod. Di bale, o malapit na ang balentong day. Hindi pa huli ang lahat para kumuha kayo ng ka-deyt. Maski hindi nyo jowa, ok lang, di ba?

One of my readers is nagsabi na partial daw ako sa mga ABS-CBN movies (Star Cinema). Hindi naman sa ganon, iho/iha, nagkakataon lang na ang mga nagugustuhan kong pelikula eh gawa ng Star Cinema. Kung babasahin mo ang buo kong blog, makikita mo na meron din akong nagustuhan na mga pelikula na gawa ng ibang outfits, namely Viva, Unitel (Crying Ladies) and yes, Regal Films (Aishite imasu) among others. Pero sa ngayon, alam ko na parati kong binabatikos si Mother Lily, it's because I really had high respects for her film noon, pero ngayon, parang ang first priority nila ay maging blockbuster ang pelikula (namely, the kilig factor) at hindi ang magandang directing at storyline. Pwede naman gawing pre-preho silang priorities di ba?

Tsaka, bakit ko naman kakampihan ang ABS-CBN eh hindi naman nila ako binabayaran? Eh di sana 5 Utots lahat ng pelikula nila. Tsaka I buy DVDs from my own bulsa no? So talagang galit ang lola nyo pag nasasayang ang pera ko sa pangit na pelikula.

Anywho, open naman ang ears ng lola nyo. Kung meron kayong mga movies na talagang nagandahan kayo na hindi ko pa na-review, eh send lang kayo ng list.

PLOT:

Spirit of the Glass is your typical calling of the dead spirits gone horribly wrong. A group of friends who had nothing better to do during their lenten holidays, decided to have a spirit of the glass session. In doing so, they have summoned a spirit who wouldn't leave them alone.

Mahilig ako sa horror/suspense movies, pero sa totoo lang, pag si Joey Reyes ang sumulat ng story, asahan mong alam mo na ang ending at napaka-predictable ng film. Stick ka na lang sa romantic comedies Direk Joey.

Sa una pa lang, pinakita na ang character ni Marvin na ginugulpe. Tapos pag nag-fast forward na sa present, maski hindi pa sila nag SOTG (Spirit of the glass) session, lammo na na ang multo eh si Marvin, at lammo na na si Rica eh kamukha ng jowa nya noon.

Ewan ko ba kung bakit kelangan ipakita ito sa first reel pa lang ng movie. Hello??? Suspense nga eh, bakit ibibigay mo agad ang sagot?

Pero wagka, yung mga pag-appear ni Marvin, medyo may halong katatakutan pa rin. Yung nga lang, mas nakakatakot sana kung hindi nila pinakita ang character nya sa first part ng film.

Maganda rin ang interactions ng mga cast dito. Cute ng pag-arte ni Alessandra. For me, she's the highlight of the movie.

Pero siempre, nagustuhan ko rin yung cinematography ng probinsya. Nostalgic kasi eh.

All in all, I had high expectations for this film. Kaya lang I was bitterly disappointed. They shouldn't allow Joey Reyes to write/direct another horror/suspense film. They should leave this to Chito Rono and Yam Laranas. Two of my favorite horror directors so far.

So ano pa nga ba, eh di I give this film 1 Utot. Kung ito ang first time nyo na nakapanood ng pinoy horror movie, baka passable sa inyo. Pero kung familiar na kayo sa same old formula for Pinoy horror, matulog ka na lang ng patay ang ilaw at nakatingin sa bintana, mas nakakatakot pa yun.

Comments: Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?