Friday, June 16, 2006

KUTOB


KUTOB Film/Movie Review(2005)
Directed byJose Javier Reyes
Genre: Horror / Thriller

CAST:

Rica Peralejo .... Erica
Marvin Agustin .... Lemuel
Alessandra de Rossi
Ryan Agoncillo .... Carlo
James Blanco
Ana Capri
Andrea Del Rosario
Liza Lorena

Matagal na akong may Kutob, pero hindi ko pa pinapanood dahil ni-sa-save ko. Ganun ako eh, pag may gusto ako, i-sa-save ko muna bago ko panoorin.

PLOT: Kutob's story revolves around the life of a man who was abused and molested by an elder family member. It's a short of a snap shot on how a person develops into a serial killer.

Matae-tae ako sa excitement sa movie na ito. Lammo nyo ba kumbakit? Kasi sya ang nakatalo dun sa pelikula ng Regal films for best director and best actor. Galit ako sa Regal films eh. Wala lang, naiinis kasi ako sa mga swapang. Sinong swapang? Basahin nyo na lang ang entry ko regarding the recent MMFF. Basahin nyo ang blog ko dating Dec. 12, 2005. Sorry dear readers, hindi pa ako marunong mag-insert ng link eh!

Marvin is molested by his aunt since time immemorial. When he grew up, he has problems dealing with people. One day, nagkaroon sya ng crush sa isang babae si Rica nga. Eh ang kaso mo, may boyfriend na si Rica. Nagsimula ang killing spree ni Marvin nung pinatay nya ang boss (BING) ni Rica, kasi masungit kay Rica. Tapos nung binasted ni Rica si Marvin, pinagpapatay niya lahat ng kebigan ni Rica. All the while, parati pa rin syang pinapagalitan at minumura ng tita (LIza) nya (hindi ko sasabihin ang twist ha?).

Unang una, hmm... I think deserving naman ang best actor na trophy ni Marvin. Tamang-tama ang role nya as a socially dysfunctional person. Kaya lang, mas maganda sana ang movie kung pinakita kung pano nya pinagpapatay ang mga tao dito. I mean, gusto ko yung graphic ha? Yun bang mala-ala "Final Destination" ang dating. Although gory, pero entertaining.

Actually, si Marvin lang ang saving grace ng film. Ok, maybe si Alessandra rin. Pero yung iba? They deserve to die. Dapat giniling na lang sila at ginawang corned beef or panghalo sa pansit. Hindi ko gusto si Rica. Hindi bagay ang role nya as a victim. Maybe as a contrabida, but definitely not a victim. Hindi ako naaawa sa kanya ha?

Si Ryan Agoncillo? Nyeh! Bakit ganun ang katawan nya? Mukhang nakasabit na bumbilya. Although cute sya, hindi sya macho. The story wasn't original. Ilang minuto pa lang, alam ko na kung ano yung whole plot. If you have seen Hitchcock's "Pyscho", ganito yun. The difference nga lang eh, yung Pyscho, talagang suspense at hindi mo alam kung sino ang killer, dito sa Kutob alam mo na kaagad. So I don't think deserving ito na category as a suspense. Dahil hindi man lang ako na-suspense.

The ending, I don't get it. I mean yung part na naghihintay ng jeep or taxi si Rica. Baka nagkamali lang sa editing or something kasi nakita ko na yung scene na yun sa first part ng film eh.
The soundtrack was good though. Talang suspense ang soundtrack (maski yung movie hindi). The cinematography was good too.

Paano ito magiging suspense? Heto ang suggestions ko:

1. In the end, yung maid pala ang killer
2. Si Marvin at Liza Lorena pala ay iisa
3. Yung dinadalang bata pala ni Bing ay anak ng diablo
4. Si Bing at Rica ay nagpalit ng personalities

O diba, yannn ang suspense.

Although predictable ang story, I'd rather watch this than watch Regal Films' movies. My rating? 2 Utots.

On an additional note, I recommend that you watch Alfred Hitchcock's PSYCHO. I know, I know, hindi pinoy yan, pero para makita nyo yung similarities ng story.

Comments: Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?