Tuesday, July 04, 2006

Home Along Da Riber


Home Along da Riber (2002) Film/Movie Review

Directed by: Eric Quizon
Written by: Ben Feleo

Genre: Comedy / Drama / Musical

CAST: Dolphy .... Upoy
Jolina Magdangal .... Melody
Zsa Zsa Padilla .... Sandra
Vandolph .... Mark Anthony
Eddie Gutierrez
Long Mejia
James Blanco
Palito
Boy2 Quizon
Jeffrey Quizon

Oh, kumusta na kayo dear fans? Ako'y nagpapaumanhin dahil matagal na akong hindi nagpo-post ng mga rebyu. Hindi po ako ang may kasalanan kundi ang blogspot. Bakit kanyo? Aba, eh ilang araw ng nagloloko, ambagal pang mag-load. Alam nyo naman ako, hindi ako pasyente (patient). Naiinis ako pag mabagal mag-load.

Kawawa ka naman Ano (Nymus), ilang araw ng nag-uumalsa ang sandata mo. Siguro suki ka ni Ka Pepeng pilay jan sa may divisoria ano? Siguro ikaw ang unang-unang pumapakyaw ng Abante nya tsaka Tiktik (meron pa ba nito?). 'Tol, magpasubsribe ka na lang para hindi masyadong obvious na manyak ka, he, he, he...

PLOT: Home Along Da Riber is the story of Upoy who was incarcerated for 15 years for a crime he didn't commit. When he tasted freedom, and went back to his family, everything has changed. His kids didn't know him, and his wife is about to get married to a rich man.

Pers op ol, ang unang-unang nabigyan ko ng pansin dito eh ang mukha ni Jolina. Bakit ganun ang fez nya? Mukhang tinadyakan ng kabayong mola? Hindi ako nagbibiro. Medyo concave ang mukha nya. Mukha naman syang tao, pero meron syang appeal na pag nakita mo mukha nya, eh gusto mong takpan mga mata mo.

Okay naman ang pelikulang ito, meron syang mga funny moments na original talaga at sobrang nakakatawa. Siyempre, si tito Dolphy ba naman eh. More specifically, gustung-gusto ko rito yung scene na tumakas sya sa kulungan, tapos naki-hitch sya sa isang delivery truck, tapos yun pala, papunta rin yung truck dun sa bilibid na tinakasan nya. Funny rin dito yung scene na naghahanap sila ng matitirhan, tapos yung landlord nila ey may kapansanan. Hindi ko na lang sasabihin sa inyo kung ano, pero I'm sure yung mga manyak na katulad ni Ano eh mage-gets agad.

Siempre, may mga dramatic moments din. Ganun ang pelikula ni Tito Dolphy eh, halo-halo. Meron silang formula talaga. Kaya lang, hello??? Sana tanggalin na nila yung mga musical numbers. Ang corny!!! Seriously, sa totoong buhay ba kumakanta ka sa public place? Hinde!!!

Isa pa, naiinis ako kay Vandolph. Ewan ko ba. Siguro effective lang ang portrayal nya as a mayabang at asshole na teenager, kasi talaga namang asar na asar ako sa pagmumukha nya.

Pero grabe, ang mga extra dito, panay anak or apo ni Dolhphy! Oh, my gawd!!! PAg binasa na nyo ang cast sa ending ng film, ay day, puro Quizon!!! Ang hirap sigurong mag-arrange ng family reunion nitong mga ito ano? Aba eh, siguro sa Araneta Coliseum sila dapat mag-party.

All in all, pambata ang pelikula (aside from the dirty/green jokes), kasi hindi masyadong tinalakay ang mga bagay-bagay (e.g., ang pagbabalikan ni Dolphy at Zsa, at ang naudlot na kasal ni Zsa with Eddie).

My verdict? 4 Utots. Although corny ang movie, it balances out kasi talaga namang yung ibang jokes sobrang nakakatawa.


Comments:
Willow, Bossing,

Tuwang-tuwa ako. Kumpleto na araw ko. Meron ka nang rebyu. Kung babae ka parang gusto kitang anakan. . . nyahahaha!

Neway, thanks, 'tol!
 
TARAGIS ka talaga WILLOW. . . naibuga ko sa 'pyuter skrin 'yong mamahaling kapeng iniinom ko nang i-describe mo 'yong mukha ni Jolens. BWAHAHAHA. . . hansama mo, 'tol!

Kita mo naman bawat sentence tumitigil ako para namnamin ang mga linya mo. Ganyan ako ka-devoted sa 'yo.

CGE, uubusin ko muna 'tong kape ko bago ituloy ang pagbabasa ng rebyu mo.
 
mahal ko itong pelikulang ito dahil shot ito sa laguna, lalo na sa sta. cruz laguna. prov. jail, laguna lake. yun lang po.
 
Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?