Monday, January 30, 2006
SO HAPPY TOGETHER Movie Review
"Bakit parating mga bading ang nagsu-suffer?"
So Happy Together stars the box-office queen Kris Aquino and Eric Quizon. It's a story of two best-friends. Mala-Will and Grace kumbaga. Straight si Kris and bading naman si Eric.
Okay naman ang pelikula. Funny ang mga interactions ni Kris at Eric. Lalo na pag medyo nagaasaran sila.
Kris became a very successful business woman, while Eric remained a frustrated writer until he died (Josme! May namatay dito sa pelikula!). Pero maraming pinagdaanan ang friendships nila. Hanggang sa huli, they remained best friends maski nagkalayo sila for most of their lives.
Isa lang naman ang tanong ko tungkol dito sa pelikula, bakit sa pinoy drama, parating ang bading ang nag-su-suffer? Parating silang peneperahan ng mga jowa nila, or niloloko, or nagpapakamatay or namamatay, in short, bakit sila parating sad ending? Bakit sa totoong buhay pa parating malungkot ang buhay ng mga bading? Bakit sa totoong buhay pa parati silang niloloko ng mga jowa nila? Bakit sa totoong buhay ba parating malungkot ang buhay nila? Hindi ah!
Naiinis na kasi ako sa mga stereotypes na ito. Ano ba yan? Ang message ba ng film indsutry sa mga tao eh "To be gay means a life full of suffering." Hellooo? Bakit? Mga tuwid (straight) lang ba ang may karapatang lumigaya? Sila lang ba ang piangpapala ng Diyos?
Sa totoo lang, I've still yet to see a Pinoy film where the survivor at the end is a gay person. Sure, we have taken leaps and bounds dahil we do include gay characters in the movies, pero para ano? Comic Relief? Para may mamamatay sa huli? Para iparating sa mga tao na gayness doesn't exist, na kung gay ka man ngayon eh may pag-asa ka pang maging straight? What the fuck???
Hayyy, ewan ko ba. Pero nonetheless, I give this film 3 Utots. Watchable naman sya. Yun lang!