Thursday, August 31, 2006

EXODUS

Oh my god! I'm sorry dear fans for being away too long. Wala eh, nagtae ako ng ilang linggo. May kinain akong pizza sa greenbelt (Dimarks ba yun or something), tapos hayun, nagsimula na ang kalbaryo ko. Hindi ako makakain mabuti at nag-ye-yes-yo ang aking tyan.
Anywho as promised, balik tayo sa ating reviews:


EXODUS Film/Movie Review (2005)

Directed byErik Matti
Written by: Dwight Gaston
Genre: Action / Fantasy


CAST:

Ramon 'Bong' Revilla Jr. .... Exodus
Benjie Paras .... Tayho, the Centaur
Iya Villania .... Lin-Ay
B.J. Forbes .... Silab, the Will o' the Wisp (as BJ 'Tolits' Forbes)
Jay-R .... Haring Bagulbol
Aubrey Miles .... Bangkila
Phoemela Baranda (as Phoemela Barranda)
Paolo Bediones .... Haring Bantayan
Mark Gil .... Inventor
Long Mejia .... Alas, the Seer
Bryan Revilla
Jolo Revilla
Ram Revilla
Ramon Revilla

PLOT: Exodus is a bayarang mandirigma. Kung alam nyo ang story ng Lord of the Rings: Fellowship of the Ring, parang yun ang story nito. Kaya hindi ko na lang i-discuss ha?

In a nutshell, shebang ang special effects! Pede na syang ipasa sa foreign category as a B-movie. Uy ha, that's a very good compliment. At least hindi nakakahiya ang pagkakagawa di ba? Tingnan mo naman ang movie na "Mulawin", I mean, yuck ang special effects.

Ito ang mga nagustuhan ko sa movie:

1. Si Aubrey Miles!!! Oh my gulay!!! Ang cool-cool ng character nyang aswang! Nagtititilli ako pag sya na ang nasa screen. Kudos sa nagimbento ng character nya dito. Bangkila should have a SPIN-OFF movie!!! Naku, kung magkakaroon ng Bangkila the movie, uuwi ako ng Pinas at magca-camp out ako sa labas ng sinehan to be the first one to see her movie. I love you Bangkila!!!

2. The special effects were great as I said. A for effort. Ang galing ng mga flying scenes!!!

Mga hate ko sa movie:

1. The story was thin, as in payat. Seriously, I can think of a better story than that.

2. The movie was boring, but the scenes were too fast. Anong ibig kong sabihin? Panoorin nyo na lang. In short, the editing sucked.

3. Ano bang klaseng kampon ng kadiliman yang si Haring Bagulbol? Naligo, nagmaskara, at kumendeng-kendeng lang. Ganun ba ang evil? Hello? Buti pa sumayaw ka na lang sa perya. I dunno if it's Jay-r's fault or not, but this character sucked!

4. Tayho and the Silab character couldv've been better. Seriously, sana naman kumuha sila ng cute na bata for this role no? Kapangit ng batang yun. Or else, sana ginandahan nila yung costume. Ang cheap kasi! Yun namang si Tayho, hello? The scaredy tikbalang? Anlaki-laking tao tapos duwag. Hindi ko gusto ang character nya no? Ang corny!

5. ANo bang klaseng costume yang si Exodus? Bakit kelangan may bra pa sya? May powerful ba sya kung suot nya ang mahiwaga nyang bra?

Nagbayad ako ng P500 for this DVD. Parang hindi worth it. Sana nakabili nakon ng 5 more movies with that money.

I give this film 2 Utots. Kung wala ka talagang magawa eh di panoorin mo.


Comments: Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?