Friday, July 28, 2006
Volta
Volta film/movie review (2004)
Directed byWenn V. Deramas
Written by Artemio Abad and Mel Mendoza-Del Rosario
Genre: Action / Adventure / Comedy / Fantasy / Romance
CAST:
Ai-Ai de las Alas .... Perla/Volta
Jean Garcia .... Kelly/Celphora
Diether Ocampo .... Atty. Lloyd Ventura
Bobby Andrews .... OH-Vlading
Onemig Bondoc .... OH-Blah-Blah
Justin Cuyugan .... Percy Magtoto
Boy Abunda .... Ama
Hero Angeles .... Himself
Dang Cruz
Eugene Domingo
Laurenti Dyogi
Joross Gamboa .... Himself
Roxanne Guinoo
Pauleen Luna .... Penny
Magtoto Mura .... Nine Volts
Sandara Park .... Herself
Melissa Ricks
Tsokoleit
Oh my gulay! Sorry dear fans at ngayon lang ako nakapag-review muli. Marami kasing mga pangyayari na nangyari kamakailan lamang. Siempre, tao lang naman ako na marunong din malungkot, tumawa, umiyak (hindi sabay-sabay no? ano ako, bale?). Siempre, ayoko namang idamay kayo. May kanya-kanya tayong problema at hindi peyr (fair) na isali ko pa kayo di ba?
PLOT: Volta is the story of a female heroine who acquired her "electric" powers thru lightning. Although it's a great advantage to mankind, she is considered cursed by her loved ones.
So ito nga, si Ai-ai ay si Volta. Nakuha nya ang powers nya in 3 lighthing strikes. In one of those strikes, nadamay ang kapatid nyang totoy by accident. Tapos all their lives, minaltrato na sya ng ungas at parating sinisisi.
In fairness, ok naman ang special effects ng movie. I'm not saying na pede na syang isabak sa international scenes, pero passable ang effects. Mas maganda naman ang effects compare mo sa Mulawin or sa Enteng Kabisote.
The script was good. Meron mga scenes na talaga namang mapapatawa ka, tsaka siempre, ang ganda ng delivery ng mga punchlines ni Ai-ai.
Meron ding mga drama scenes na passable. Hindi ka mapapaiyak, pero siguro, maaantig naman ang damdamin mo maski katiting. Hindi kasi magaling si Justin, yung gumanap ng Percy eh. Oo nga't galit ang papel nya, pero yung mukha nya, parang tinurukan ng sangkatutak na botox. Hindi gumagalaw eh.
Walang chemistry si Ai-ai at Diether. Hindi sila bagay na magka-loveteam.
Yun namang villains, hindi masyadong creative. Feeling mo, nanonood ka ng film nung 70s kasi ganun ang style nung villains. Yun bang parang kalaban ni Ate Vi sa Darna and the Planet women. Yung character ni Jean, halatang ginaya kay "Storm" ng x-men.
I mean, ok lang sana kung ang mga kalaban nya eh mga normal na tao lang, pero gawing creative naman ang mga villaneous tricks di ba?
All in all, nag-enjoy pa rin ako sa movie. Halos lahat naman ng ginagawang movie ni Ai-ai eh entertaining. Mag-eenjoy dito ang mga kiddies. So I give this film 4 Utots.