Wednesday, January 03, 2007
SANTA SANTITA
Santa Santita Film/Movie Review
2004
Directed by: Laurice Guillen
Written by: Johnny Delgado and Jerry Gracio
Genre: Drama
CAST:
Angelica Panganiban .... Malen
Jericho Rosales .... Mike
Hilda Koronel .... Chayong
Johnny Delgado .... Fr. Tony
Cherry Pie Picache .... Sister Dolor
Ricky Davao
Pinky de Leon .... Mrs. Hoffman
Hello dear fans! Siguro iniisip nyo na, "Abah, himala, may post na naman si Willow!" In the spirit of the himalas, I'm reviewing a movie about himala. Enjoy dear fans!
PLOT:
Santa Santita is a story of a young girl, who is very far from perfect. She's a troubled teen in short. After her mom died, she took over their business of "padasal". Lo and behold! All of the prayers that she did for the other people came true.
So eto nga yung storya, si Angge (Angelica) eh pasaway na babaye. Kirengkeng ang loka. Biro mo nagtitinda sya ng eskapolaryo sa harap ng tindahan eh kumikerengkeng kay Echo na isang lalaking pokpok.
Eh di siempre, dahil naman talaga makalaglag salawal ang mga dimples ni Echo eh sumama si Angge sa kanya isang araw, dun na nagsimula ang away ng Nanay nya (na by the way ang trabaho eh nagdadasal sa simbahan for other pipol), so lumayas ang pasaway. Nung bumalik sya eh patay na ang Nanay nya. Nag-took over sya sa padasal business nila, tapos lahat ng dasalin nya eh nagkakatotoo.
First of all, yung sinasabi sa ibang reviews na "Modern Mary Magdelene" story itong SS (Santa Santita), eh nagkakamali sila. First, hindi pokpok si Angge, hindi rin sya makasalan in my view. She's s teenager, raging hormones, hello??? Second, hindi ko matatawag na stigmata ito, dahil ang stigmata eh nangyari lang sa dreams nya, not in her waking life. 3rd, although talagang himala ang mga dinadasal nya, in the end, hindi nya nabuhay yung anak ni Echo, which doesn't make sense, kasi parang na-invalidate lahat ng dinasal nya before.
Although this movie is watchable, muntik nakong mapatae sa ending nito. Lammo yun, kala ko malapit na ang climax nung namatay yung anak ni Echo, pero ang mga sumunod na pangyayari eh nakapagtataka. Iisipin mo tuloy tinamad na ang mga writers na gumawa ng ending. Minadali baga. Walang closure. Hindi ko na lang sasabihin ang ending, coz there's no point. The ending should be rewritten.
The pacing of the story was slow, although I wasn't that bored, na-bore pa rin ako.
Ay naku tita, sayang, may potential pa naman ang movie na ito. Someday, i-re-rewrite ko ang story nito "Santa Santita Revisited" with alternate endings of course.
The highlight of the movie was the procession of the Nazareno. Enjoy ako sa mga kulturang Pinoy eh. Tsaka hindi pa ako nakakaranas nun, kaya fascinated ang lola nyo nung makita ko yun.
Other than that, my verdict? 3 Utots. Passable naman ang acting ng mga artista. Tsaka tawa ako ng tawa nung hindi bayaran si Echo nung customer nya after makipagkantutan sa kanya. Beh buti nga!
Comments:
<< Home
nagandahan ako sa movie na ito... pero like you i would have preferred a 'nicer' ending. however, maybe that ending made the film more thought provoking. kahit "makasalanan" si angelica, siya ang napili para magpagaling ng madaming tao. ironically, and anak ng bf niya hindi niya napagaling. is this not the nature of God and the way that faith works. maniniwala lang ba tayo habang mabubuti ang nangyayari, o maging sa gitna ng matinding hinagpis? "The Lord giveth, and the Lord taketh away; Blessed be the Name of the Lord."
I know bakit hindi nabuhay yung bata! kasi yung tatay nya mahuhuli nung oras din na yon, isipin mo kung bubuhayin yung bata eh di walang katwiran sa likod nun, binuhay syang muli pero wala din yung tatay nya? di ba?
Post a Comment
<< Home