Wednesday, October 11, 2006
Platinum Hits, Piolo Pascual
PLATINUM HITS, PIOLO PASCUAL
Sa Piling Mo
Don't Give Up On Us
Kailangan Kita
The Gift
Kung Ako Ba Siya
Sana Ikaw
I Need You Back
Sa May Bintana
Till There Was You
Together Forever
Muntik Nang Maabot Ang Langit
Bakit Hindi Na Lang Ikaw
Through The Years
Ikaw Ang Buhay Ko
Sana'y Malaman Mo
Mangarap Ka
Kahit Isang Saglit (Live)
Naku, siguradong miss na miss nyo na ako no? "Asan na si Willow? Miss na miss ka namin!!!"
Sorry dear fans. Bisi kasi sa pagaararo sa bukid ang lola nyo.
O mag-review muna tayo ng mga kanta ha?
Mga gusto ko sa album:
Ayyyyy!!! Ang ganda ng boses ni Papa Piolo! Boses anghel sya at ipaghehele ka talaga ng kanyang oh-so-lambing na boses. Papa Piolo, pede bang gawin mo akong jowa mo maski isang araw lang? Kantahan mo naman ako ng lullaby!
Kung Ako Ba Sya. Paborito kong kanta sa album. Baket? Eh kasi ang ganda ng lyrics eh. Heto:
KUNG AKO BA SIYA
Mga ngiti sa munti kong puso
Batid kong alam mo nang umiibig sa 'yo.
Bakit hindi mo pansin itong aking pagtingin
Ba't di mo ramdam ang tibok nitong dibdib
Kaibigan lang pala ang tingin mo sa akin.
Kung ako ba siya, mapapansin mo?
Kung ako ba siya, mamahalin mo?
Ano bang mayro'n siya na wala ako?
Kung ako ba siya, iibigin mo?
Hmmmm....
Masakit ko mang isipin
Mahirap mang tanggapin sa damdamin
Pag-ibig mo pala'y hindi sa akin.
Ngunit anong gagawin ng puso
Sa 'yo lang ibinigay ang pangako
Patuloy nga namang aasa sa 'yo, sinta..
Kung ako ba siya, mapapansin mo?
Kung ako ba siya, mamahalin mo?
Ano bang mayro'n siya na wala ako?
Kung ako ba siya, iibigin mo?
Ikaw lamang ang inibig nang ganito
Sabihin mo kung paano lalayo sa 'yo.
Kung ako ba siya, ooohhh
Kung ako ba siya, mamahalin mo?
Ano bang mayro'n siya na wala ako?
Kung ako ba siya, kung ako ba siya...
oohhhhh ooooohhhh
iibigin mo....
Oh di ba makabagbag damdamin ang mga kataga? Kung ikaw ba may minamahal ka, na alam mong sya na nga ang taong gusto mong makasama sa buhay, tapos hindi naman nya nararamdaman ang nararamdaman mo, di ba imbyerna ang byuti mo? Hindi lang yan, may pag-ka R&B ang style ng boses ni Papa dito, kaya type na type ko itong kanta.
MGA HINDI KO MASYADONG TRIP SA ALBUM:
Puro remakes ang kanta. Although maganda ang rendition nya, parang nakakasawa, kasi parati naman nating naririnig yung mga kantang yun eh. Sana man lang nag-hire sila ng mga songwriters para magsulat ng mga kanta nya, para mga bago di ba?
Ang production and arrangements. Sobrang simple ng arangements ng kanta. Siempre sometimes, ok ang gitara lang, pero sa klase ng mga kinakanta nya, dapat may orchestra. Yun bagang parang production sa mga albums ni Ate Shawee noon.