Thursday, May 24, 2007

Honey Nasa Langit Na Ba Ako


Honey, Nasa Langit Na Ba Ako? Film/Movie Review
1998
Directed by: Jose Carreon
Genre:Romance / Drama / Fantasy / Comedy

CAST:
Janno Gibbs
Regine Velasquez
Mickey Ferriols
Bea Bueno
Michael Flores
Candy Pangilinan
Raven Villanueva

GAWD! Halos isang buwan na pala akong walang rebyu! Pasensya na dear fans. Ang hirap kasing kumuha ng internet connection dito sa aming isla. Isa lang ang internet cafe dito, dial-up pa. Meron pa yatang party-line. Kelangan na talagang i-upgrade itong isla namin. Dapat talaga eh updated na kami sa information super-hiway ano? Bwiset kasi ang mga manyakis dito, sila parati ang umookupado sa mga computers dito sa cafe. Sinabi ng bumili na lang sila ng Penthouse or Playboy eh, hindi na nila kelangan maghintay mag-download.

PLOT:

HNLNBA is a copy-cat (sorta) rip-off story from GHOST. Regine died on her way to her wedding rehearsal. Siemperds, mala-Ghost, yung kaluluwa nya eh nag-istay sa lupa para bantayan ang kanyang lovey-dovey husband to be na si Janno.

Pers op ol kung mag-ri-rip off na rin lang sila ng story, sana ginandahan nila ang pagkaka-rip off. Maraming inconsistencies sa pelikulang ito. Una, Regine, is a fucking bitch. Isa syang nagger, control-freak, na kala nya parati syang tama. Janno is a pussy. Whipped kumbaga. Ang hindi ko maintindihan sa hunghang na ito, eh halata naman na hindi sila magiging maligaya sa future marriage nila, pero bakit pa sila magpapakasal. I didn't see the love, man. Buti na lang namatay ang bruha.

Anywho, so itong kaluluwa ni Regine eh nag-istay sa lupa para hanapan ng bagong jowa itong si Janno. I dunno, I don't like the concept. Hello? Bakit kelangan pang tulungan ni Regine si Janno na humanap ng jowa? Sobra bang incapable ang gagong ito at kelangan pa nya ng multo so he can get a jowa?

Hay naku, isang banig yata ng Biogesic ang ininom ko para lang masikmura ang pelikulang ito. It's a dull, stupid movie and should not be viewed by anyone. The only saving-grace of this film is Mickey Ferriols. Basta ang masasabi ko lang "buti na lang namatay si Regine. Bruha kasi!"
I give this film, 0 Utot.

Comments:
Hi Willow... welcome back... been checking your site everyday for the past month and im glad na nakapagpost ka na finally... :)

I agree with you... Naumpisahan ko to sa Cinema one and i think na walang kakwenta kwenta ang istorya ng movie na to... either that o bias ako dahil i really don't like regine at all! (sorry sa mga regine fans... just my personal opinion)...

I hope that your next review will be bakit di totohanin or till there was you... i really love both films and i can't wait to see what you think...
 
Thank you anonymous. I tried talaga na mag-post numerous times pero ayaw mag-upload at that time.

Thank you sa pagtangkilik. Wag kang mag-alala, coming soon ang mga binanggit mong pelikula.
 
i think kaylangan nyo na nga ng fast connection dyan sa isla nyo for real update... duh? 2011 topic mo medyo stone age pa yta....
 
Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?