Wednesday, August 31, 2005
Ang Mamang Tumatakbo (The Running Man)
English:
Yesterday, I was on the bus. The bus slowly drives away when I saw this man ran after it. That's too bad, I say, because the bus can only stop at disignated stops. The next stop is a kilometer away.
So I looked at the man, and I was laughing my ass out coz he fell in wells, dugged up holes, gutters (there's a road construction). I thought, "Surrender you moron, you'll never catch the bus." So I lose sight of the man.
So the bus stops at the disignated stop, all of a sudden there's the running man. He pants and he almost fainted, but he caught the bus. I thought, a lesson can be learned from this. If all people have the same perseverance as him, we can all achieve our goals in life.
Monday, August 29, 2005
Ang Bago Kong DBD (My New DVD)
Kabibili ko lang ng bagong DBD player. Hindot, katakot-takot na hirap ang inabot ko. Kasi naman sumakay lang ako ng bus 'no? Ang mahal kasi ng gasolina, ayoko ng magmaneho pa. Ang init-init pa naman. Pero siempre, nag-research muna ako bago pumunta ng tindahan para tipid sa oras di ba? Pagdating ko sa tindahan, hablot agad ng DBD at bayad agad. Tapos naghintay na ako ng bus.
Medyo stressful ang pagsakay kasi pers taym kung sumakay dito sa bus na ito eh. Muntik ko pang maiwasan (ma-miss) ang parahan ko.
So ayun, ni-test ko ang DBD player ko. Pero parang may diperensya ng konti. Pero magandang tatak ang JVC di ba? Ay ewan ko, hindi ko na papapalitan at napakahirap mag-bus no?
English Version:
I just bought my new DVD player. I suffered so much buying this DVD. I rode a bus for that route for the first time. I didn't wanna drive coz the prices of gasoline is so fu**ing expensive.
It was so hot. Of course, I researched first before I went to the store. I knew what I wanted and I bought it right away, then waited for the bus.
It was a bit stressful, I almost missed my stop.
Anyway, so I tested the player and I think it has a glitch. But you know what, no way I am going back to the store, man it was so hard carrying a big box riding the bus.
Wednesday, August 24, 2005
Isang Tsuper-Interview kay Jerald (A Tsuper Interview with Jerald)
Nagkaroon ako ng pagkakataon na mainterbyu ang isa sa mga hinahangaan (at crush) na Pinoy comic artist. Siya si Jerald Dorado, manlilikha ng Tsuper-man.
W:
Bago ang lahat, kwik kwestyon, maganda ba ang gisingmo ngayon? Hindi ka naman bugnutin sa araw na ito?
J:
oo. hinde.
W:Galing ka pala sa Rizal, Laguna, ako rin eh. Taga-Laguna rin ako. Taga-Lumban. Nakatikim ka na bang bibingkang itlog?
J:bibingkang itlog? hmm... bastos ata yang tanong na iyan ah. bibingka tapos itlog? hehe... dati nagtitinda yung nanay nung kaibigan ko ng bibingka sa probinsya. da best yun kahit di ganun kafancy katulad ng mga bibingka na nakikita ko dito sa maynila. itlog na maalat lang at niyog ang halo pero walang sinabi ang ibang bibingkang nakikita ko. at ang da best pa 5 pesos lang iyon! eh dito singkwenta isang bibingka, hindi pa masarap.
W:
O heto na ang totoong kwestyon, Kailan mo nadiskubreang talento mo sa pag-drowing?
J:
hmm... nagsimula akong gumuhit siguro nung mga 2 or 3 years old ako. tanda ko kasi nung nag-4 na ako e, may nagsasabi na sakin na magaling daw akong magdrawing. ang isang teyorya ko diyan ay una, walang katale-talento sa pagguhit ang pumuna sa akin na iyon kaya ganun na lang ang paghanga niya sa mga drawing ko. di ba isipin mo, 3 years old. malamang panay gure-gure lang ang kaya kong iguhit nun pero bilib na siya. ang pangalawa ay inuuto lang ako ng dyaskeng mama. well, mabuti na lang kamo siguro at nagpauto ako.
W:
Ano ang una mong naging inspirasyon?
J:
nung una, tulad ng lahat ng bata ng panahong iyon, mga robot katulad ng voltes v at daimos ang paborito kong iguhit. pati na rin yung mga g.i. joe at mga tauhan ng batibot. nung medyo tumanda na ng konti, superheroes naman ang umubos ng mga pahina sa likod ng notebook ko nung elementary at highschool. ngayon, irony, tragedy, at mga pangyayari sa araw-araw na buhay ang mga paksang trip ko. basically mga sarili kong mga obserbasyon sa paligid-ligid.
W:
May alter-ego ba si tsuper-man sa totoong buhay?
J:
si tsuper-man, alter-ego ni pinoy passenger. si pinoy passenger ang alter-ego ko sa komiks at ako naman ang alter-ego ni pinoy passenger sa tunay na buhay at saka si evil twin para sa mas eccentric na side ng aking pagkatao.
W:
Magkakaroon ba ng tsuper-woman sa future?
J:walang plano para sa tsuper-woman in the near future but there will be other female characters coming up. una na si nurse anne, si binibining ayco at ang super villain na si annie batobalani! abangan n'yo yun. matindi ang mga fight scenes na naiisip ko between her and tsuper-man.
W:
Ano ba ang iba mong hobbies?
J:
mahilig din akong kumanta at magsulat ng kanta. yun yung iba ko pang talento na hindi ko gaanong nagagamit sa mga panahong ito. babalikan ko din sila sa mga susunod na kabanata ng buhay ko. as for other hobbies, hmm... wala masyado ngayon e. mahilig lang akong magkwento at mangulet pag kasama ang tropa.
W:
Boxer or briefs (or commando)?
J:
either will do. pero pag natutulog na, mas gusto ko yung brief. yung bacon na ang garter.
W:
Base sa mga nabasa ko na sa blog mo, ikaw aypositibong tao (hindi katulad ng ibang pinoy jan napuro negatibo ang sinasabi sa Pinas, sarap tadyakan sab**ag), anong sikreto mo at mayroon kang magandangpananaw sa buhay?
J:
hmm... pagiging positibo, iyan ang paborito kong katangian ko. hindi ko alam kung bakit ako ganun at ewan ko nga ba kung bakit minsan ang tingin ko sa buhay ay parang chicken na chicken lang. siguro dahil confident ako sa sarili ko at sa mga kaya kong gawin tsaka tanggap ko kung ano ang meron ako at kung hanggang saan lang ang aking limitasyon. napahamak na rin ako ng kung ilang ulit dahil sa ugali kong ito kaya sasabihin kong hindi rin ito maganda pag nasosobrahan. siguro din ay dahil pag may nangyayaring hindi maganda sa buhay ko, hindi ko agad isinisisi sa ibang tao ang kapalpakan na naganap. bagkus ay sinusuri ko muna ang aking sarili kung saan ako nagkulang. kapag nakita ko na iyon, hinahanapan ko ng solusyon ang problema. at isa pa. napakapasensyoso ko at matiyaga sa paghanap ng kasagutan. mapulot ko naman iyon sa pagiging, ahem! artist.
W:
Meron ka bang mga tsuper-man stuff na pwedeng bilhinng mga fans mo?
J:
wala e, sa ngayon. pero may mga plano akong gumawa ng mga sarili kong design ng mga t-shirts. at least for myself to wear. hehe...
W:
Saan ka pwedeng sulatan (at humingi ng sexy mongpicture) ng sangkatutak mong tagahanga?
J:
atse-tse! sangkatutak na tagahanga? meron ba ako nun? heheh... pero kung gusto n'yo eh jerald_dorado@yahoo.com ang email address ko at maari din kayong magpost sa tag board ng blog-website ko na http://warchildstudios.blogspot.com .
W:
Kung may tagahanga na gustong makipag-EB sayo,anong pasalubong na dapat nilang dalhin?
J:
kevlar vest, helmet, at yung shield na gamit ng riot police. proteksyon mula kay anne.
W:
Tanong mula sa mga binibining may paghanga sayo, maynagmamay-ari na ba sa iyong puso?
J:
si anne nga.
W:
Para sa mga bagong kartunista na nagiidolo sayo,anongmaipapayo mo?
J:
hmm... sa totoo lang isa rin akong baguhan na kartunista ngunit kung meron mang ibang mga komikero na nai-inspire sa mga likha ko, maraming salamat na lang sa inyo. ako ay isa ring masugid na tagahanga ng mga pambihirang alagad ng sining lalo na ng komiks. cliche pero kailangan lang talaga na mahalin mo ang ginagawa mo at lagyan mo ng puso ang bawat guhit na malilikha ng iyong kamay.
hindi mo kailangang lokohin ang iyong sarili at sumulat ng mga kwento na sa tingin mo ay magpapaligaya ang ibang tao. kailangan una sa lahat, ikaw mismo ang unang magalak sa mga larawan na mabubuo sa iyong pinagtatrabahuhang papel. ang isang tunay na obra ay hindi sinusukat sa halaga. ito ay humihipo ng puso at tumatatak sa isipan ng bumabasa.
W:
At lastly, O komersyal naman, may gusto ka bangisuksok (i-plug)?
J:
ang aking website-website-tan: http://warchildstudios.blogspot.com
maraming salamat!
English Version:
I had the chance to interview one of my respected and favorite Pinoy comic artists (and have a crush on). Here's Jerald Dorado, creator of Tsuper-man.
W:
First of all, quick question, did you wake up on the right side of the bed today? You're not fussy today, are you?
J:
Yes. No.
W:
Hmmm... You're from Rizal, Laguna, I see. I'm from there too. I mean, from Laguna. Lumban, Laguna to be exact. Have you tasted bibingkang itlog (Lumban's famous dish)
J:
Bibingkang itlog? Hmmm... That question sounds kinky. Bibingkang Itlog? Hehe... In the past, my friend's mother sells bibingka in the country. It's the best, eventhough it's not as fancy as the bibingkas that are being sold here in the city. It has salted egg and coconut strings, that's it, but it's the best compared to the bibingka sold here in Manila. And one thing more, it's only 5 pesos! Wherein here in the city, it costs about 50 pesos, and it doesn't taste quite as good.
(For people's information, bibingka is a euphemish for a woman's pu**y, and an egg is a euphemism for a man's ba**s - Willow)
W:
Okay, so here is the real question, when did you discover your drawing talents?
J:
Hmm.. I started drawing maybe when I was 2 or 3 years old. That's because when I was 4 years old, someone told me that I was very good at it. My first theory was, the person who praised me didn't know anything about drawing, that's why he admired me like that. Coz really, imagine that, at 3 years old, I probably have minimal drawing talents if any, but he admired me so much. And secondly, maybe that guy was only toying with me. Well, good for me that I believed him.
W:
Who was your first inspiration?
J:
At first, like most kids my age, robots like Voltes V and Daimos were my favorite drawing subjects. Also G.I. Joe and the cast of Batibot. When I grew up, super heroes were the ones that consumed most of the back pages of my notebook when I was in elementary and highschool. Now, irony, tragedy and everyday life are my favorite themes. Basically, I have my own observations about the things around me. (Batibot is the Pinoy version of Sesame Street - Willow)
W:
Does Tsuper-man have an alter-ego in real life?
J:
Tsuper-man's alter-ego is the Pinoy passenger. The Pinoy passenger is my alter-ego in comics. Me, my alter-ego in real life is the Pinoy passenger, and also the Evil Twin for my more eccentric side.
W:
Will there be a Tsuper-woman in the future?
J:
There's no plan for Tsuper-woman in the near future, but there will be other female characters coming up. First, there's Nurse Anne, Mademoiselle Ayco and the super villain Annie Batobalani. Wait for them. The fight scene between her and Tsuper-man will be extraordinary.
W:
Do you have any other hobbies?
J:
I like singing and writing songs. Those are my other talents that I haven't been using at the
moment. I will get back to them on the next chapter of my life. As for other hobbies, hmmm... None at the moment. I like telling stories and bugging my friends.
W:
Boxer or briefs (or commando)?
J:
Either will do. But when I go to sleep, I prefer briefs, the one with bacon-like garters. (Yum! - Willow)
W:
Based from what I have read in your blog, you're a positive person (unlike other Pinoys there that they see nothing but negative things about the Philippines. I'd like to bash their balls with a round-house flying kick). What is your secret for having a very positive outlook in life?
J:
Hmmm.. Being positive, that's my favorite trait about myself. I don't know why I'm like that, and I don't know why I view life as a piece of cake. Maybe because I'm confident about myself and my talents. I accept my capabilities and I know where my limitations are. I have been into deep shits before because of over-confidence, so it's not good when it's too much.
Maybe because when something happens in my life that are not so pleasant, I don't blame other people for it, instead, I search myself for the reasons why it happened. When I find the reason why, I search for the solution. I am very patient and I have great perseverance in searching for answers. I think I'm like that because I'm, ahem! an artist.
W:
Do you have tsuper-man stuff that your fans can avail of?
J:
None for now, but I have plans to create my own t-shirt designs. At least for myself to wear.
W:
Where can your legions of fans write you (and to ask for your sexy pictures)
J:
Atse-tse. Legions of fans? Do I have those? Heheh... But if you want, you can write me at jerald_dorado@yahoo.com and you can also post on my blog's tag board at http://warchildstudios.blogspot.com
W:
If a fan wants to meet you in person, what can they bring to appease your holiness?
J:
Kevlar vest, helmet, and the shield that a riot police uses. Protection from Anne.
W:
A question from your female admirers, has someone captured your heart?
J:
As I said before, it's Anne.
W:
For other new aspiring artists who admire you, what's your advice?
J:
Hmm... I'm still one of them, but if there are other comic artists who are inspired by my work, thanks to all of you. I am a great admirer of the wonderful art of comics. It's a cliche, but you have to love what you do and to put your heart in whatever your hands create.
You don't have to kid yourself and write stories that you think other people will like. First of all, you have to be happy for your own creations that are being laid upon that piece of paper. A work of art is not measured by it's monetary value, but by its impact to the heart and mind of anyone who sees and read it.
W:
Lastly, time for a commercial, is there anything that you'd like to plug?
J:
Visit my website at http://warchildstudios.blogspot.com
Merci Beaucoup!
Tuesday, August 23, 2005
Takot ka bang mag-isa? (Are You Afraid to Be Alone?)
English:
I have a friend. She gave her heart and soul to someone in the past. Of course, that relationship has ended for a number of years now. She had a number of relationships after that, but all of them were temporary and were so short lived, but there never was a time where she was alone. My question is, if you were my friend, will you continue to enter relationships with people whom you don't love just to avoid being alone?
Monday, August 22, 2005
Andito na ang Araw (Here Comes the Sun)
Buti pa sa Pinas parati mong nakikita ang araw. Iba talaga ang nagagawa ng araw sa pananaw mo sa buhay. Kaya kayo jan sa Pinas, wag magreklamo sa init. Mas pipiliin ko pa ang init kaysa sa sangkatutak na yelo o ipu-ipo. Kaya ngiti kayo parati maski mainit.
English:
Wow, I didn't notice that it has been awhile since the last time I posted something on this blog. That's because I have been a bit lethargic and sad because of the upcoming winter. Last Sunday, I saw a glimpse of the sun again and I couldn't help but sang "Here Comes the Sun." The thing is, the only lyrics that I knew how to sing were "doo-doo-doo-doo-doo".
It's really much better in the Philippines coz you get to see the sun a lot. Seeing the sun has a great positive impact on how you view life as general. So to those of you who live in the Philippines, don't curse the sun. I'd take the heat anytime compared to avalanches and tornadoes. So smile even when it's hot.
Tuesday, August 09, 2005
Zhang at Vilma, Magkamukha ba? (Zhang and Vilma, do they look alike?)
Sabi nila kahawig daw ng batang Vilma Santos si Zhang Ziyi. Ano sa palagay nyo?
English:
They say that Zhang Ziyi looks like a young Vilma Santos. What do you think?
Monday, August 08, 2005
Rosanna Roces, nasaan ka na? (Rosanna Roces, Where are you?)
Kapapanood ko ulit ng "Basta Ikaw, Nanginginig pa" ni Rosanna Roces. Maski medyo matagal na ang pelikulang ito, natatawa pa rin ako. Sa totoo lang, magaling na artista si Rosanna. Dati-rati ay iniisnab ko ang pangalan nya kasi hindi naman ako mahilig manood ng bold movies.
May napanood rin akong pelikula nya dati sa sinehan dati nung bumisita ako sa atin, aksyon at drama ang tema. Mas lalo akong humanga sa kanya. Magaling sya magpaiyak o magpatawa.
Para sakin, isa sya sa mga pinakamagaling na artistang babae sa Pilipinas.
Nakakalungkot nga lamang at puro negatibong intrega ang nababasa ko sa kanya ngayon at wala na syang pelikula. Sana ay gumawa ulit sya ng mga pelikula dahil sayang ang talento nya. Mayroon pa naman syang tagahanga na katulad ko na walang pakialam sa personal na buhay nya at gusto lamang na makita syang muli sa pelikula
English Translation:
I just saw "Basta Ikaw, Nanginginig pa" with Rosanna Roces. Eventhough this movie is a bit old, I still find it funny. To tell you the truth, Rosanna is a great actress. Before, I didn't care much for her because I thought she only did bold movies.
I also saw a movie of hers when I visited the Philippines. It was an action and drama movie. My admiration grew for her. She's great at making people cry or making them laugh.
It's so sad that the recent news that I have read about her were all negative publicities, and she doesn't do movies nowadays. I hope she'd do movies again because I hate to see talent like hers go to waste. I hope she knows that she has admirers who doesn't give a f**k about her personal life and just want to see her make movies again.
Mga Manggagawa laban sa mga Politiko: Ish Unpeyr! (Laborer/General Workers versus Politicians: It's Unfair)
Heto ang isang halimbawa ng anunsyo sa paghahanap ng trabaho sa Pinas. Biro mo, ang taas ng katangian na hinahanap nila para sa simpleng trabaho: ang maghain ng pagkain. Biro mo, kailangan ganito ka kataas, kailangan nasa kolehiyo ka, dapat may karanasan ka na.
Wala namang masama dito, ang hindi ko lang maintindihan sa Pinas, sa simpleng mga trabaho, ang taas ng kwalipikasyo na hinanahap nila. Maski mga nagtapos ng kolehiyo eh nahihirapan kumuha ng trabaho. Ang hindi ko maintindihan dito, ang mga matataas na posisyon sa gobyerno eh wala mga hinahanap na kwalipikasyon na katulad nito. Dapat nga pag kakandidato ka, dapat nagtapos ka na ng kolehiyo at may master's. Dapat, kung gaano kahirap ang trabaho, ganun din kataas ang kwalipikasyon na kailangan.
Dapat merong gawing batas na ang mga posisyon sa gobyerno, ang mga kwalipikado ay may mga tinapos na partikular na karera na kaugnay ng posisyon. Yung mga nakaupo na, para hindi sila matanggal, bigyan sila ng panahon para mag-aral at kumuha ng diploma, kung hindi, dapat pababain na sila sa posisyon.
Dahil ganito ang nangyayari sa mga nagtratrabaho, patuloy silang nag-aaral dahil kailangan eh. Ang pag-aaral eh habambuhay. Anong pinagkaiba nito sa politika?
English Tranlation:
Food Server/Dining Staff Qualifications: >Male 5'4", Female 5'2" >Has good communication skills and pleasing personality >college level >experience in related field is an advantage
Above is an example of a job advertisement in the Philippines. Can you believe it? A simple job requires such high qualifications. You have to be this tall, you have to be in college, you have to have experience.
There's nothing wrong with that, the one thing that I don't understand about the Philippines is, for simple jobs, they ask for high qualifications. Even college graduates have hard time looking for jobs, but for government positions, they don't ask for qualifications like these. In my opinion, if you want to lead a part of the country, or the whole country even, you have to have a degree and a master's. The qualifications should be inline with how hard a position you're applying for.
There should be a law, wherein government positions should require at least a degree. To those incumbent officials, they should be given time to take further study and finish their degree; otherwise, they should be asked to resign.
Learning is a life-long process. Even typical workers still take further studies because it's a necessity. What makes politics different?
Friday, August 05, 2005
Mga Lumang Pelikula, Isa-DVD na (Classic Black and White Filipino Movies Should Be in DVDs)
Ewan ko ba kung bakit napakaaliwalas na damdamin ang naibibigay nito sa amin. Ang gaganda ng mga lumang pelikula noon. Ang gaganda at ang gwapo ng mga artista, hindi hamak na mas magaganda at makikisig ang mga artista noon. Ang mga pelikula ay talaga namang magaganda ang istorya at iyon talaga ang pokus ng palabas. Hindi ang paghuhubad o madugong paglalaban ang pokus.
Dapat ang mga lumang pelikula ay linisin at i-remaster na. Dapat lamang na magtagal ba ito sa mahabang panahon. Ito'y bahagi ng ating kultura at dapat pangalagaan. Bakit ba ang Hapon? Halos kasabayan ng Pilipinas ang Hapon sa paggawa ng pelikula noon, pero ngayon ang mga lumang pelikula nila ay nasa DVD na (Halimbawa ay ang mga pelikula ni Kurosawa). Mas maganda sana ay kung may organisasyon sa Pinas na mangunguna dito.
Napakayaman ng kulturang Pilipino. Dapat ay pangalagaan at pagyamanin pa. Hindi lang para sa mga susunod pang henerasyon, kung hindi para na rin maipakita sa buong mundo ang bahagi ng ating kultura.
English Translation:
One of the fondest memories I have when I was a kid was to watch re-reruns of old Tagalog black and white films by Sampaguita Pictures and LVN Inc. I spend every summer vacation in Manila with my Dad and older sister. Everyday after lunch, my sister and I sit ourselves in front of the tv and watch the classic black and white Filipino films.
I dunno, but watching these films was like bathing myself in cold, refreshing, fresh water. Those movies were classics. The actors and actresses were amazingly beautiful and handsome (much more good-looking than the actors and actresses today). The movies' focus were the stories, and not taking off clothes or bloody battles.
These classic movies must be cleaned and remastered. They should be kept for posterity. This is a part of our heritage and culture. Look at Japan. Japan and the Philippines were almost equal during the black and white movies era, and look at them now. They have their classic films in DVD (e.g., Kurosawa's films). It would be much better if there's an organization that will spearhead this venture in the Philippines.
The Philippines is rich in culture and heritage. It should be preserved and cultivated, not only for future generation but also to show the world what we're all about.
*Photo courtesy of Kabayancentral.com
Thursday, August 04, 2005
Ako'y Isang Penoy sa Pugad Baboy
Heto ang kwento ko noong una kong masilayan ang Pugad Baboy.
Bumisita ako noon sa Pinas. Kasama ko ang kaibigan ko sa loob ng taxi. Nakalimutan ko na kung gaano katrapik sa Maynila. May dalang Pugad Baboy ang Kaibigan ko. Nakibasa ako. Aba, talaga namang sa sobrang tawa ko sa mga comic strips eh hiyang-hiya ang kaibigan ko sa taxi driver. Eh paano naman, ang galing-galing ng mga dyoks at ang ganda-ganda ng drowing.
Simula noon, tuwing kaarawan ko o Pasko, yun ang hinihingi kong regalo. Nasilayan ko mula Pugad Baboy 1 hanggang 17 kung gaano kalaki ang improvement ng drowing ni Mr. Pol Medina. Minsan, hindi ko maubos maisip kung paano nya napagkakasya ang detalye sa napakaliit na kwadro ng comics nya. Para sa akin, sya ang pinakamagaling na kartunista ng Pilipinas.
Dahil sa Pugad Baboy, ako'y natutong magtagalog muli at sa Pugad Baboy ko lang natutuhan kung anong nangyayari sa bansa. Hindi kasi ako nagbabasa ng balita dahil nakapanlalata at nakakalungkot talaga. Pero sa Pugad Baboy, maski anong paksa, medyo may katatawanan pa rin.
Adidas at Reebok VS. Nike: O, Eh ano ngayon? Marikina Shoes pa rin ang Tandang Ko.
Pero kung makakapamili ako, sana mayroong Sapatos Marikina dito. Bago ako umalis patungong bansang banyaga, Marikina shoes ang suot ko. Kasyual na medyo pang-pormal ang istilo. Medyo may kamahalan ito nung bilhin ko. Lampas isang libong piso yata. Maganda naman kasi talaga at komportable. Naku, hindi uubra ang mga sapatos dito kumpara sa Marikina shoes. Bah, mahigit limang taon ko yatang ginamit ang Marikina shoes na yun. Mahal na mahal ko yung sapatos na yun. Maski sa taglamig na maraming yelo eh nagamit ko pa yata yun. Tsaka nung panahon na yun, cool na cool ang dating at istilo nya.
Kaya kayong mga nasa Pilipinas, tangkilin ang sariling atin. Tsaka yung mga binibiling nyong mga banyagang sapatos eh gawa din sa Pilipinas, yun nga lang mas mahal kung bibilhin kasi may banyagang pangalan eh. Paloloko ba kayo? Eh di bumili na lang kayo ng sapatos Marikina.
Wednesday, August 03, 2005
Magnolia Ice Cream
Mauna na ang lahat, hindi ako in any way whatsoever nagpro-promote ng produkto (pero kung gusto ng mga kumpanya na padalhan ako ng free samples, eh very welcome kayo :o)) kung nagbabanggit ko dito. Ito'y mga kwento lamang ng buhay ko.
Minsan umuwi ako sa atin, kasama ko ang mga kaibigan ko sa malaking tindahan (mall). Gusto kong kumain ng ice cream, eh di gusto nilang kumain sa Baskin Robbins or kung saan may ice cream na banyaga. Hindot eh isang scoop lang eh ilang daang piso na yata ang halaga. Eh kaso ako ang bida, kasi ako ang balikbayan eh, ang sabi ko, gusto ko ng magnolia ice cream. Napilitan man ang mga kaibigan ko, wala silang nagawa at pinagbigyan nila ako.
Naaalala nyo pa ba ang magnolia ice cream? Noong bata pa ako, parati akong dinadala ng ate ko sa magnolia ice cream house. Talaga namang ang sasarap ng ice cream doon. Iba-ibang kulay at may cherry pa sa ibabaw. Tapos minsan ay kinakain namin ng may barkilyos. Naalala ko noon, sabi ko sa waitress eh gusto ko ng grape flavor, naku pinagtawanan ako ng kuya ko.
Alam nyo, andami ko ng natikman na ice cream dito sa ibang bansa, pero walang tatalo sa ice cream ng pinoy. Ang ice cream dito sa ibang bansa ay sobrang tamis o hindi masyadong madulas (smooth). Hindi talaga masarap. Pero ang ice cream ng pinoy ay swabe at tamang-tama sa panlasa.
Tuesday, August 02, 2005
Unang Post
Simula nang mapunta ako sa ibang bansa, naging "baduy" na raw ako. Kasi, ng malayo ako sa Pinas, noon ko lang nasimulang tangkilin muli ang sariling atin. Maniwala ka, pag sinasabi ko na ang paborito kong artista ay si Tito Dolphy, pinagtatawanan ako ng ibang Pinoy. Hindi lang yan, sa sobrang pagmamahal ko sa Pinas, pati ba naman t-shirts na "Baguio", "Pagsanjan Falls", "Philippines", ay talaga namang pinagyayabang ko. Pag umuuwi ang mga magulang ko sa Pinas, ang gusto kong pasalubong ay mga artista magazines, songhits at komics. Ganun ako kabaduy.
Kaya heto ako, kung baduy eh di baduy. Heto ang mga kwento ko...