Wednesday, August 31, 2005

Ang Mamang Tumatakbo (The Running Man)

O isa na namang kwento ko sa bus. Kahapon eh sumakay ako sa bus. Umuusad na paalis ang bus, tapos may mamang humabol sa bus para sumakay. Eh kaso bawal tumigil ang bus pag hindi bus stop. So, takbo yung mama. Talagang hinabol nya yung bus. Eh isang kilometro pa ang layo nung isang hintuan ng bus. Tawa ako ng tawa kasi nagkandahulog yung mama sa mga kanal, sa balon, sa hukay, kasi ginagawa yung daan eh. Sa isip-isip ko na lang, "Sumuko ka na, gago. Hindi mo mahahabol ito ano?" Tapos biglang nawala na yung mama, naiwan na yata nung bus, hindi ko na makita eh. Tapos nung huminto na yung bus, aba, nagulat ako, heto na yung mama, hingal na hingal. Hingal-aso at halos manghimatay na sa pagod. Napangiti ako at hangang-hanga ako dun sa mama. Naisip ko, kung ang lahat ng tao ay may tibay ng dibdib tulad nya, lahat ng naisin natin ay ating makakamit, basta wag ka lang susuko.

English:

Yesterday, I was on the bus. The bus slowly drives away when I saw this man ran after it. That's too bad, I say, because the bus can only stop at disignated stops. The next stop is a kilometer away.

So I looked at the man, and I was laughing my ass out coz he fell in wells, dugged up holes, gutters (there's a road construction). I thought, "Surrender you moron, you'll never catch the bus." So I lose sight of the man.

So the bus stops at the disignated stop, all of a sudden there's the running man. He pants and he almost fainted, but he caught the bus. I thought, a lesson can be learned from this. If all people have the same perseverance as him, we can all achieve our goals in life.

Comments:
tatandaan ko ito.
 
Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?