Tuesday, August 02, 2005

Unang Post


Simula nang mapunta ako sa ibang bansa, naging "baduy" na raw ako. Kasi, ng malayo ako sa Pinas, noon ko lang nasimulang tangkilin muli ang sariling atin. Maniwala ka, pag sinasabi ko na ang paborito kong artista ay si Tito Dolphy, pinagtatawanan ako ng ibang Pinoy. Hindi lang yan, sa sobrang pagmamahal ko sa Pinas, pati ba naman t-shirts na "Baguio", "Pagsanjan Falls", "Philippines", ay talaga namang pinagyayabang ko. Pag umuuwi ang mga magulang ko sa Pinas, ang gusto kong pasalubong ay mga artista magazines, songhits at komics. Ganun ako kabaduy.

Kaya heto ako, kung baduy eh di baduy. Heto ang mga kwento ko...

Comments:
Willow,

Ipagpatuloy mo ang pagkabaduy mo dahil kung wala ang katulad mo, walang pelikulang pilipino. Pero, kung pangit ang pelikula, wag atubiling laitin para gumanda ang ating mga produkto.
 
Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?