Thursday, August 04, 2005

Adidas at Reebok VS. Nike: O, Eh ano ngayon? Marikina Shoes pa rin ang Tandang Ko.

Kababasa ko lang sa balita ngayon na binili na raw ng adidas ang reebok. Bale ibig sabihin nito eh mas malaking hati na ng market ang makukuha ng adidas kung ikukumpara sa nike. Ang sakin lang eh, o eh anong pakialam ko? Pero sa totoo lang, mas maganda naman talaga ang adidas sa nike eh. Mas komportable. Dito sa ibang bansa, kung rubber shoes ang pag-uusapan, adidas lang ang binibili ko.

Pero kung makakapamili ako, sana mayroong Sapatos Marikina dito. Bago ako umalis patungong bansang banyaga, Marikina shoes ang suot ko. Kasyual na medyo pang-pormal ang istilo. Medyo may kamahalan ito nung bilhin ko. Lampas isang libong piso yata. Maganda naman kasi talaga at komportable. Naku, hindi uubra ang mga sapatos dito kumpara sa Marikina shoes. Bah, mahigit limang taon ko yatang ginamit ang Marikina shoes na yun. Mahal na mahal ko yung sapatos na yun. Maski sa taglamig na maraming yelo eh nagamit ko pa yata yun. Tsaka nung panahon na yun, cool na cool ang dating at istilo nya.

Kaya kayong mga nasa Pilipinas, tangkilin ang sariling atin. Tsaka yung mga binibiling nyong mga banyagang sapatos eh gawa din sa Pilipinas, yun nga lang mas mahal kung bibilhin kasi may banyagang pangalan eh. Paloloko ba kayo? Eh di bumili na lang kayo ng sapatos Marikina.

Comments: Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?