Monday, August 08, 2005
Rosanna Roces, nasaan ka na? (Rosanna Roces, Where are you?)
Kapapanood ko ulit ng "Basta Ikaw, Nanginginig pa" ni Rosanna Roces. Maski medyo matagal na ang pelikulang ito, natatawa pa rin ako. Sa totoo lang, magaling na artista si Rosanna. Dati-rati ay iniisnab ko ang pangalan nya kasi hindi naman ako mahilig manood ng bold movies.
May napanood rin akong pelikula nya dati sa sinehan dati nung bumisita ako sa atin, aksyon at drama ang tema. Mas lalo akong humanga sa kanya. Magaling sya magpaiyak o magpatawa.
Para sakin, isa sya sa mga pinakamagaling na artistang babae sa Pilipinas.
Nakakalungkot nga lamang at puro negatibong intrega ang nababasa ko sa kanya ngayon at wala na syang pelikula. Sana ay gumawa ulit sya ng mga pelikula dahil sayang ang talento nya. Mayroon pa naman syang tagahanga na katulad ko na walang pakialam sa personal na buhay nya at gusto lamang na makita syang muli sa pelikula
English Translation:
I just saw "Basta Ikaw, Nanginginig pa" with Rosanna Roces. Eventhough this movie is a bit old, I still find it funny. To tell you the truth, Rosanna is a great actress. Before, I didn't care much for her because I thought she only did bold movies.
I also saw a movie of hers when I visited the Philippines. It was an action and drama movie. My admiration grew for her. She's great at making people cry or making them laugh.
It's so sad that the recent news that I have read about her were all negative publicities, and she doesn't do movies nowadays. I hope she'd do movies again because I hate to see talent like hers go to waste. I hope she knows that she has admirers who doesn't give a f**k about her personal life and just want to see her make movies again.