Wednesday, August 03, 2005
Magnolia Ice Cream
Mauna na ang lahat, hindi ako in any way whatsoever nagpro-promote ng produkto (pero kung gusto ng mga kumpanya na padalhan ako ng free samples, eh very welcome kayo :o)) kung nagbabanggit ko dito. Ito'y mga kwento lamang ng buhay ko.
Minsan umuwi ako sa atin, kasama ko ang mga kaibigan ko sa malaking tindahan (mall). Gusto kong kumain ng ice cream, eh di gusto nilang kumain sa Baskin Robbins or kung saan may ice cream na banyaga. Hindot eh isang scoop lang eh ilang daang piso na yata ang halaga. Eh kaso ako ang bida, kasi ako ang balikbayan eh, ang sabi ko, gusto ko ng magnolia ice cream. Napilitan man ang mga kaibigan ko, wala silang nagawa at pinagbigyan nila ako.
Naaalala nyo pa ba ang magnolia ice cream? Noong bata pa ako, parati akong dinadala ng ate ko sa magnolia ice cream house. Talaga namang ang sasarap ng ice cream doon. Iba-ibang kulay at may cherry pa sa ibabaw. Tapos minsan ay kinakain namin ng may barkilyos. Naalala ko noon, sabi ko sa waitress eh gusto ko ng grape flavor, naku pinagtawanan ako ng kuya ko.
Alam nyo, andami ko ng natikman na ice cream dito sa ibang bansa, pero walang tatalo sa ice cream ng pinoy. Ang ice cream dito sa ibang bansa ay sobrang tamis o hindi masyadong madulas (smooth). Hindi talaga masarap. Pero ang ice cream ng pinoy ay swabe at tamang-tama sa panlasa.