Wednesday, November 30, 2005

LUMAKI KA NGA (Oh Grow up!), 3rd Edition:


[Kung ganyan kaganda (siempre dapat mas magaling)ang magiging bagong bokalista ng band nila Marco eh, siguradong talbog si Kitchie. Yung nasa pix eh si Jordana Brewster. Artistang banyaga.]

"It's Kitchie Nadal the solo artist, not the Kitchie Nadal Band or the Kitchie Nadal Experience!"

Abah, matagal-tagal na rin pala akong walang entry dito sa blog ko. Busy kasi ang lola nyo eh. Kenailangan kong mag-aral para sa final exam ko. Pero tapos na yun, kaya heto muli. Ipagpatawad nyo ang aking absence dear audience.

Natawag ang aking pansin sa recent quarrel ng management ni Kitchie Nadal at ng kanyang ex-bandmates na sila Jeff, Marco and Aaron. They were promised daw na they are going to be Kitchie's "permanent band", take you mga tita, in a verbal promise. Pero ng mag-hit ng platinum sales ang album eh they were dropped like hot kamote.

Sabi naman ng management ni Kitchie eh session band lang daw sila at they had to drop them because of incompatibility. Kitchie Nadal is a solo artist not a band. Wala naman daw contract.

Ang masasabi ko lang sa ex-bandmates ni Kitchie eh LUMAKI NGA KAYO (Oh grow up, dumbasses!)!!! At this day and age ba naman eh ang pinang-hahawakan nyong kontrata eh verbal contract? Helloooo??? Hindi na uso yan 'no? At this day and age eh a written contract is the one that binds. Kung hindi kayo in-offeran ng contract eh dapat nagtaas na yan ng pulang bandila (red flag) at na-warningan na kayo. Maski man lang sana email eh meron kayong pinang-hahawakan, pero meron ba? Wala yata eh! So magsisi kayo 'no? Sa music business walang kaibi-kaibigan, trabaho lang. Hangga't walang kontrata eh wag kayong mag-expect na ang ipinangako sa inyo verbally eh matutupad. Maski nga may kontrata minsan eh napupurnada pa eh.

Tsaka I agree sa management ni Kitchie na she's a solo artist. It's not the Kitchie Nadal band or Kitchie Nadal experience. Kung walang kontrata sila Marco eh, session artists lang talaga sila.


So ang masasabi ko lang kila Marco eh, I feel sorry for you guys for being dropped, but you deserve it coz you guys are idiots. Hindi kayo dapat kaawaan ano? Natatawa lang ako sa inyo kasi hindi ako makapaniwala na hindi kayo nag-ask ng contract noon, and now it's too late. Pero goodluck pa rin sa inyo, I hope this serves an important lesson to you. Sa showbizness walang personalan, trabaho lang. Kaya next time, ask for a written contract. Mag-inuman na lang kayo! Or better yet, form a new band with a hotter and mas magaling na version ni Kitchie, o di ba? Pag sumikat kayo eh di nakaganti pa kayo ng lubus-lubusan!



Wednesday, November 23, 2005

VOX POPULI, 1st Edition

(Pix from vilmasantos.net)
"Most will agree, that the best Darna ever is Ate Vi!"
Gusto kong magpasalamat kay Mamaru dahil sa masugid nyang pagsubaybay sa blog na ito. Maraming salamat dahil sa machagang mong pag-iwan ng comments, mamaru.

Dahil sa mga mambabasang katulad nya, eh may bago akong column, ito ang Vox Populi. Ito ay aking comment sa inyong comment (tama ba?). Ang mga nagugustuhan kong comments eh i-pu-publish ko ulit dito sa main blog at ako'y sasagot. Dialogue kumbaga (because I care a lot about my audience, o di ba?), pero siempre, gusto ko mabasa nyong lahat para may audience participation, o di ba? (may iba kasi jan na antamad magbasa ng comments column eh!)

Heto ang some comments ni Mamaru regarding the Darna topic. Mahirap mag-comment ng specific sa mga characters ng show ng Darna dahil wala pa akong napapanood maski isang episode nito, so mag-comment na lang ang lola nyo in a general sense, okay ba?:

"...Okey na sana ang paglipad ni Darna sa TV screens, pero madami pa ding palpak. Una sa visual effect, sa flying scenes, na akala mo ay naka-hanger si Angel Locsin.

Naalala ko tuloy ang nabasa ko about the First Darna movie ever made. The actress was hung from a helicopter para masimulate ang flying scene. Now that's dedication!!! At this day and age eh madali na itong gawin dahil sa advancement sa computers and special effects. Ano kayang ginamit sa Darna tv show?

"And the costumes ng mga kalaban, akala mo ay hiniram sa nagkakarnabal. Groshh! Ang mga characters, hiniram sa Marvel at DC Comics.

Regarding the evil characters being copy cats of north american comics, eh wag na tayong magtaka dahil staple na yan ng most Pinoy shows/movies. Maski comedy, drama, action, fantasy... asahan mong kinopya ito. Ang sabi ko ay "most" ha? Hindi naman lahat. Hindi ko nga maubos maisip kung bakit kelangan pang manggaya ang mga Pinoy. Lack of self-confidence? O katamaran lang talagang mag-isip ng original story. Hindi naman sa pagyayabang, pero matatalino naman ang mga Pinoy, eh kumbakit hindi tayo maka-isip ng original ideas most of the time? Is it because of colonial mentality na komo't ginagawa ng ibang bansa eh gagayahin na natin?

"Pinatay pa nila si Ding na important character ng Darna. Eh ang Lola, hindi mamatay-matay eh siya na ang pinakamatandang character doon."

Oh my gawd!!! Pinatay nila si Ding? That is unacceptable! Si Ding ang sidekick ni Darna. Eventhough hindi ko napanood ang series, eh I know that it's wrong!

"Basta, OK sana ang Darna eh, pumalya lang sa mga costumes at fighting scenes. At ang headgear ni Darna, ang laki ng wings...akala mo kapag nasuwag ka, mamamatay ka!

Yan din siguro ang magiging comment ko. Mataas kasi ang expectations ko pagdating sa action at fight scenes eh. Ang Lola Willow nyo eh die-hard kung-fu fan. Anything less than that is nothing to me. Kung action scenes ng mga babae ang pag-uusapan, ang paborito ko jan eh ang "Buffy the Vampire Slayer." I know, I know, hindi Pinoy iyan, pero talaga namang mapapahanga ka sa tv show na ito. Ang galing ng mga fighting scenes.

Ang isa pang comment ko regarding this eh yung show na SUGO. Sabi nila ang galing daw ng fighting scenes. Eh nung makita ko naman ang clips ng show, ang tanong ko eh, anong ikinagaling nito? Wala pa rin sya maski sa utot ng mga Kung-fu movies ng China. Siguro mataas lang talaga ang expectations ko. Tsaka ayoko kay Richard Gutierez eh. I know, super-gwapo sya pero isa lang ang alam nyang expression sa mukha. Para syang si Tom Cruise (which I hate with all my guts) na parating galit ang expression, yun lang.

"Pero para sa akin, si Vilma Santos ang magandang Darna, lalo na iyong Darna and the Planet Women. Gustong-gusto ko iyon. Sana i-revive iyon, at huwag si Angel Locsin ang bida."

Eh agree ako sayo jan. Iba talaga ang appeal ng Darna movies ni Ate Vi. Considering almost 30 year-old movies na iyon pero ang galing-galing pa rin. Iba talaga ang appeal ni Ate Vi. She's the most gorgeous Darna ever, tsaka ang galing nyang umarte. Pag si Darna sya eh ma-hi-hypnotize ka talaga. She's so commanding when she's on-screen. Sana i-remaster lahat ng Darna movies nya at ilagay sa DVD.

Actually, yung Darna and the Planet Women ang tandang-tanda ko. Kaya lang hindi ko na masyadong maalala ang story kasi musmos pa lang ako noong pinapalabas sya as reruns sa tv eh. I dunno, if I'd agree na i-remake ang mga pelikulang Darna ni Ate Vi. It'll be very hard to copy the success. Tsaka right now, I don't see anyone being able to play Darna. Kung ako ang magdi-direct ng Darna eh it has to be a bit modern na. Ala-Trinity (The Matrix) ang moves at dapat cool na cool ang dating.

Monday, November 21, 2005

LUMAKI KA NGA! (OH GROW UP), 2ND EDITION


"Hindi lang because of a 3rd party, may fourth and fifth parties pa!"

Buong bansa na lang yata eh pinag-uusapan ang Mark Herras and Jennylyn Mercado break-up. Kesyo nahuli raw na may nag-la-lap-dance na babae kay Mark, na kesyo andami daw nililigawan ng aswang na ito.

Oh bago ang lahat, AYOKO kay Mark! Hindi sya gwapo. Maputi lang, otherwise, no, walang appeal. Tuwing makikita ko ang pagmumukha nya sa magazines eh naasar ako. Oo nga maamo ang mukha nya pero parang there's a very mischivous person lurking behind that face.

At ito pa, inaaway daw ng Mark-Jennylyn loveteam ang mga nali-link sa lalaking aswang na ito. Ang masasabi ko lang sa fans ng loveteam na ito eh LUMAKI NGA KAYO! (oh grow up people!) Hind nyo hawak ang isip at puso ng mga idolo nyo. Ang loveteam eh pampelikula lang. Tsaka hello??? Eh may uhog pa yang dalawang iyan para matali pamhabambuhay sa isa't-isa. What is about Pinoy fans and loveteams? Bakit masyadong nyong dinidbdib ang mga nagyayaring personal sa mga loveteams nyo?

Ang masasabi ko lang kay Jennylyn eh, ganyan talaga ang buhay. Mark is at the age of his hormone peaks. Ganyan talaga ang mga lalaki at that age, makakita lang ng nakapalda eh papatol na maski pa may girlfriend sya. Para syang asong naglalaway pag nakakakita ng babae. That goes for most men, este, boys his age, kaya wag kang magtaka na hindi lang ikaw ang niligawan nya. Ang masasabi ko lang sayo Jennylyn eh, wag mong masyadong dibdibin ang break-up nyo. YOu deserve someone who's better than him. Tsaka bata ka pa naman, saka na yung boyfriend, magpayaman ka muna with your career.

Ang masasabi ko naman kay Mark eh, oh, hinay-hinay lang. Wala akong pakialam sayo maski maka-ilang girlfriends ka, I don't give a flying f*ck coz I don't like you. Pero sana wag ka munang mambubuntis. Magpayaman ka muna rin.



DARNA: Ba-ba-bye Na!


"Ang bato, Ding! Ang bato!"

Marami ang nalulungkot dahil last episode na raw ng top-rated tv show na Darna sa Biernes.

Although, never kong napanood ang show na ito (wala kasing TFC ang lola nyo), mukhang maganda naman based on hearsays, reviews and news. Pag ipinalabas ito sa DVD eh, asahan nyong lalanguyin ko ang pinakamalalim na batya para lamang makabili ng DVD nito.


Tutal Darna ang pinag-uusapan, noong batang paslit pa lamang ako eh panay ang palabas ng mga reruns ng Darna sa tv. Ang Darna noon eh si Ate Vi pa. Talagang patay na patay ako sa Darna noong bata pa ako. Hanggang ngayon eh para sakin, si Ate Vi pa rin ang #1 na Darna (no offense to Angel Locsin). Ang ganda-ganda nya at ang seksi-seksi pa.

Recently eh I had the chance to procure Darna at Ding VCD, starring Ate Vi and Niño Muhlach. Grabe! Ang cute ni Niño!!! As in!!! Sya na yata ang pinaka-cute na child star na nakita ko. Nandun din si Tito Panchito (sumalangit nawa). Maganda ang interaction ni Tito Panchito at ni Niño dito. Talaga namang mapapaihi ka sa katatawa (kung ikaw eh mga 95 years old na).

Marami-rami rin kalaban si Darna dito, pero ang main ones eh ang mga Maranghid (zombies) at ang isa pang Darna (self). Kung iisipin eh napakagaling ng effects ng pelikulang ito, considering that this movie was made more than 20 years ago, lalung-lalo na nung kinakalaban ni Darna ang kanyang sarili (isa pang Darna).

Nandito rin si Celia Rodriguez at si Marissa Delgado as Darna's enemies. Grabe! Ang gaganda nila!!! Ako nga eh nagtataka, bakit mas magaganda ang mga artista noon, considering na totally wala naman liposuction at mga plastic surgeries noon.

Kaya lang eh, hindi masyadong maganda ang picture quality ng movie. Siguro kung nire-master pa ito eh mas magandang panoorin. Tsaka halatang kulang ng film reel ng pelikula. Nag-ju-jump ang film ng pabigla-bigla sa ibang eksena. Kaya nakakalito ang storya minsan dahil nawawala ang ibang parte.

Other than that, collectible ang film na ito. Must-add ito sa Pinoy collection nyo. Kung ikaw eh nostalgic, siguro maiiyak ka kasi ipinakita rito kung anong hitsura ng Maynila noon, particularly ang China town.

Kung die-hard Darna fan ka eh, kelangan mong i-collect lahat ng Darna films ni Ate Vi dahil she's the best Darna ever.

Anong rate ko sa Darna at Ding? 4 Utots. Kung maganda sana ang quality ng film eh 5 utots, kaya lang hindi eh.

And to Angel, good luck sayo! Although never kitang napanood eh I trust na binigyan binigyan mo ng justice ang Darna role (Kung Darna costume ang pag-uusapan eh you wore it well!). Sana ay ilabas na sa DVD ang Darna tv show mo.


Friday, November 18, 2005

LUMAKI KA NGA! (OH GROW UP!) 1st Edition





















Oh mga kapatid, meron akong bagong column ngayon. Naisip ko, siguro kelangan ko ng sumanga (to branch out) ang aking mga opinyon. Hindi lang sa mga pelikula o musika, kung hindi sa mga kagaguhan/kagagahan ng mga artista/manganganta ngayon. Minsan eh nakakapanginig ng laman (at taba) ang mga pinaggagawa nila.

Sa kasalukuyan eh andami kong nababasa tungkol sa away ni Hero at Sandara. Kesyo, sinisisi raw ni Hero si Sandara sa pagbasak ng career ng lalaking ito (kasi pumunta si Sandara sa Korea). Kesyo si Sandara daw eh walang pakialam sa loveteam nila, blah, blah, blah.

O, bago ninyo ako husgahan na may kinakampihan ako, binasa ko muna ang mga stories ng both parties ha? I always listen to both sides bago ako kumampi.

Ang masasabi ko kay Hero eh LUMAKI KA NGA (Oh, grow up!) Tigilan mo na yang kapuputak mo. Para kang inahin na nangingitlog. Alam mo, Hero, inaamin ko na hanga ako sayo dahil magaling na artista ka. At dahil magaling ka, dapat i-prove mo sa mga tao na kaya mong mag-isa o kaya mong sumikat ng walang permanent love team. Iyang mga paninisi mo sa ibang tao eh walang kahihinatnan. Lalo lang babaho ang pangalan mo. It won't do you any good.

Para naman sa mga fans ng Hero-Sandara loveteam, LUMAKI NGA KAYO (Oh, grow up, people!)!!! Masyado kayong na-iinvolve sa buhay ng mga iniidolo ninyo. Kung mag-iba sila ng loveteam eh pabayaan nyo, hindi yung nakikiaalam kayo at pinipilit nyo ang inyong gusto. Ang loveteam ay pampelikula lamang at hindi totoong buhay. Manood na lang kayo ng pelikula at wag makialam sa personal na buhay ng mga idolo.

Another thing, Hero, ganyan talaga ang buhay ng isang sumikat dahil sa contest. Biglang-sikat, tapos kung minamalas ka eh madali kang pagsawaan ng mga tao. Kasi ang mga tao, nababaling ang interes sa mga baguhang nananalo ng contest. Proven na yan. Tingnan mo ang American Idol. Biglang sikat ang mga nananalo, pero pag may bago ng panalo, biglang bagsak na ang ex-winner. Kung gusto mo talagang sumikat ka eh, maghirap ka gaya ng mga batikang artista noon na talaga namang dugo ang puhunan para gumaling sila sa kanilang sining. Tingnan mo si Tito Dolphy, si Tita Gloria... Hanggang ngayon eh in-demand pa rin at mas sikat sila ngayon kesa noon.

So ang verdict ko. Si Hero ang Evil at si Sandara ang Angel. Trabaho lang ito. Walang personalan.


Thursday, November 17, 2005

Being Positive

O mga bastos, hindi positive sa pregnancy test ang sinasabi ko ha? Being positive in life ang ibig kong sabihin.

Maiba muna tayo ng topic today. Meron kasi akong kaibigan (LC ang abbrev. ng name nya). Lahat na yata ng biyaya ng Dyos (talents, looks, intelligence) eh nasa kanya na yata. Kaya lang wala syang bilib sa sarili nya. Kaya dedicated itong blog entry na ito sa kanya. Yung mga quotes eh mga bagay na sinasabi nya sa sarili nya na nagpapabagsak ng self-confidence nya. Eh ang lola Willow nyo eh ganito ang sagot:

"Hindi yata ako matatanggap sa trabahong gusto ko, kasi mahina ako sa Inggles"

Willow: Eh sampalin kaya kita? Mula pagkabata eh Inggles ang second language mo eh. Ang galing-galing mong mag-inggles ano? Hindi ka lang bilingual, trilingual pa, at soon to be four-lingual.

"Masyado yata akong payat"

Willow: Pwede bang sakin na lang yang problema mo?

"Baka hindi ko kaya"

Willow: Yan ang nagiging problema natin pag tumatanda na tayo eh. Masyado tayong nagiging maingat or careful. Kung itutulad natin ang ating sarili sa mga bata, kaya nating gawin maski ano. Tingnan mo ang mga bata, madalang silang magsabi ng "hindi ko kaya." Sa ating buhay, kelangan naman tayong mag-take ng risk. Wag tayong matakot to make mistakes. Mistakes are the foundation of learning. Kung i-expect natin na maging tama lahat ang gagawin natin, eh baka maging santa/santo na tayo nyan. Kung ang mga computer programs nga na pilit na ginagawang perfect ng mga programmers, maski ilang versions na eh may mali pa rin eh. Nothing's perfect, nobody's perfect, pero ang mahalaga dapat nating mag-try and to believe in ourselves.

And lastly, kung parati nating sinasabi sa ating sarili ang mga negative thoughts, (hindi ako magaling, hindi ko kaya) darating ang araw na kung ano yung iniisip natin, yun ang magiging pagkatao natin. For example, kung iisipin natin na hindi tayo magaling mag-Inggles, maski magaling tayo, eh dahil sa mga negative thoughts mag-proproject yun sa labas. Pero kung iisipin natin na magaling tayo sa isang bagay, asahan mo na mag-proproject ang positive outlook na yun sa pagkatao natin.


Wednesday, November 16, 2005

TAYO TAYO RIN SA 2015


Aba, medyo matagal-tagal din akong walang entry sa blog ko ah. Pasensya na kayo dear readers, busy ang lola nyo eh. Tsaka kelangan ko ulit panoorin yung mga ibang DVD na napanood ko na, kasi yung iba, sa pangit ng pelikula eh nasa selective amnesia file ko na. Eh dahil mahal ko kayo, eh magtitiis akong panoorin sila para you wouldn't suffer the same fate that I did.

Maiba naman tayo ngayon. Alam nyo naman si Lola Willow nyo, hindi lang puro kabaduyan ang alam ko. Marunong din akong magpahalaga sa ibang nilikha ng Diyos. Marunong akong magmahal ng kapwa, ng ating kapaligiran... Ang gusto ko nga in the near future eh maging missionary. Gusto kong pumunta sa 3rd world countries at tumulong. Hindi lang ako ang may gusto nyan, ang ibang mga sikat na alagad ng sining sa Pinas ay nag-donate ng kanilang time and effort para bumuo ng album na nagpapahayag ng ganitong damdamin. Ito ang MDG Alabum: TAYO TAYO RIN SA 2015. Itong album na ito ay punum-puno ng mga kanta na nagpapahag ng Millenium Development Goals ng United Nations. And what's best about this eh libre ang album na ito. You can go to
http://www.un.org.ph/MDGdownloadsongs.htm and download the songs for free.

Para sa aking tribute sa Millenium Development Goals ng United Nations, as the day passes, aking ilalagay sa blog na ito ang lyrics ng bawat kanta at ipapahayag ko ang aking damdamin at kung paano ako makakatulong sa pag-achieve ng goal na ito. I'd appreciate it kung mag-co-comment kayo to the same effect. Gusto kong malaman na marami tayong nagpapahalaga sa ating kapwa-tao at sa ating kapaligiran. Siempre, i-re-review ko rin bawat songs in a more technical sense.

O, yun lang muna. O, may assignment kayo ha? Basahin nyo yung MDG goals at download nyo yung mga songs at ating i-review ang mga ito. Okay ba?


Wednesday, November 09, 2005

Feng-Shui Review


"Feng-Shui, the best Pinoy horror movie yet!"

Hindi ako fan ni Kris Aquino as an actress, pero as a public persona eh hanga ako sa kanya. Hindi ako nanonood ng isang pelikula based solely because starring sya no?

Nagbabasa ako ng Pugad Baboy comics isang araw tapos natatawa ako kasi si Igno eh parating nababanggit na takot sya kay Lady Lotus Feet, yung bang multo sa pelikulang Feng-shui, na-curious tuloy ako. Alam nyo naman ang lola nyo, patay na patay sa Pugad Baboy kaya maski anong mabanggit sa comics na iyon tiyak na susundin ko.

Ibinili ako ng Tita ko ng VCD. Ba, sa packaging pa lang okay na. Parang nakatingin ka talaga sa bagua (see above).

Feng-shui is a story of a woman who finds a bagua. As she enters a new life with her family, bouts of good luck rain upon her since she found the mysterious thing. But those good lucks have such high prices to pay, kasi ang kapalit eh ang death ng sinumang tumingin sa mirror ng bagua.
Sa simula pa lang ng movie, maeengganyo ka ng manood. Magaling ang cinematography at musical scoring ng pelikula. Hindi sya typical chipipay Pinoy movie.

Natutuwa ako sa movie na ito kasi for the first time eh parang ok ang acting ni Kris dito. Medyo natural ang pag-arte nya dito. Malilimutan mong siya si Kris Aquino.

The story is much more of a suspense than a horror movie (para sakin ha?). Pero napaka-creative ng nagsulat ng story nito. For the first time eh ngayon lang ako nakapanood ng horror movie na hindi ginaya sa mga pelikulang banyaga. Ang mga pagkamatay ng mga characters sa film eh based on their birth Chinese sign. Naisip ko, paano kaya ito gagawin? Ang mga ilang Chinese signs na tinalakay sa movie ay Year of the Dog, Rooster, Ox, Rabbit, Snake... O, di ba? Iisipin mo na alam mo na kung paano sila mamamatay based on their signs, pero HINDE! Mali ka. Creative ang pagkamatay ng mga characters dito.

This film will keep you on your toes. The pacing of the movie is great. There is never a dull moment in this film.

Pawang magagaling ang mga artistang gumanap dito, lalung-lalo na si Lotlot De Leon. Noong bata ako'y fan ako nitong si Lotlot. Hanggang ngayon ay napakagaling pa rin nya. Hindi sya kumukupas.

Ang hindi ko ine-expect dito ay yung ending. It was a very good twist and quite a shocker. Hindi sya typical Pinoy movie ending. Hindi ko na lang sasabihin sa inyo. I don't wanna ruin the movie for you.

When the movie ended, it appears na balak nilang mag-sequel pa. Medyo may doubt ako dito. Can Chito Rono follow the footsteps of the best Pinoy horror movie yet? Parang mahirap ng gawan ang sequel ng pelikulang ito dahil tyak na mas mataas ang expectations ng mga viewers. Mas gaganda pa kaya ang sequel kesa sa original? This is a perfect movie as it is.

Hay naku, I watched this movie more than once which is very rare for me. I love this movie. It's one of my favorite movies in general, and my most favorite Pinoy horror movie of all time (so far).

My rating for this movie? Helllooo??? Are you paying attention? This movie deserves every bit of its 5 Utots ratings. It's a must-see and a must-add in your Pinoy movie collection!

Thursday, November 03, 2005

Can This Be Love Review


"Sandara Park, ang babaeng anime"

Mahilig akong magbasa ng mga artista magazines, oo, inaamin ko na. Recently, sa pagbabasa ko, parati kong nakikita ang name na Sandara Park. I had no idea kung ano sya o kung sino sya. Naisip ko, "naku baka yung mga pinoy na tumira sa tate tapos uuwi ng Pinas para mag-artista. Tapos kakagatin ng mga tao kasi magaling mag-ingles. Just shows kung gaano kalakas ang colonial mentality ng mga Pinoy." Yun ang akala ko. Pero may nag-explain naman sakin na Korean ang Sandara na ito. Sabi ko, "Korean? Ang baduy naman ng mga Pinoy. Ang daming magagandang babae sa Pinas tapos pasisikatin nila ang isang Korean."

So heto, may nagpahiram sakin ng "Can This Be Love" dvd, starring Hero Angeles and Sandara Park. I had no idea what this movie was about. Sa title pa lang sabi ko, "hay naku, kabakyaan na naman ito." Pero nabuhayan ako ng loob ng makita kong "Star Cinema" ang nag-produce nito.

"Can This Be Love" is a story of two people who have clashing cultures and a major language barrier, but managed to overcome those obstacles.

Sandara is a Korean who studies English in the Philippines. So far, puro panlalait ng mga Pinoy ang nararanasan nya, "Koreans go home!" pag inaasar sya ng mga kaklase nya. When she wrote her composition about Filipinos (siempre puro bad things ang sinulat nya) yung character ni Hero ang naatasang mag-type (typist kasi sya sa isang printing place). Tapos asar na asar si Hero dun sa nagsulat ng essay kasi puro panlalait sa Pinoy ang nakasulat. Dun nagsimula ang story, pero siempre, in the end they were meant to be together despite of the language and culture barriers.

I hate to admit it, pero I love this movie. Realistic sya (compared to other Pinoy teenage love films). Ang maganda dito eh ipinakita na maski mayroon kayong culture and language barriers eh love will overcome them.

Magaling ang script. Witty and funny ang mga dialogs. Halatang pinag-isipan talaga ni Jose Javier Reyes ito.

Very effective ang character ni Sandara dito. She's very innocent and self-effacing in the film. Minsan nga eh medyo naluluha ako pag inaapi-api sya ng mga kaklase nya sa pelikula. Makakarelate ka talaga. Biro mo, we talk about how Pinoys are being descriminated againsts sa Amerika, eh tayo rin pala nag-dedescriminate sa ibang lahi when they are in the Philippine soil.
Nakakatuwa yung interaction ni Hero at Sandara pag hindi sila nagkakaintindihan. "Slowly, slowly!"

I hate to say it too, pero magaling din si Hero as an actor. Yun nga lang, medyo makapal ang lipstick nya sa film. Nung una hindi ako sure kung tomboy sya (first time ko kasing nakita si Hero) or babae. His dimples remind me of Aga Muhlach.

Ang wish ko lang sana, sana dinagdagan pa ng konting explanation ang cultural Korean background ng character ni Sandara dito. That would've been very interesting.

Gusto ko rin dito yung scene na hindi pumayag si Sandara na bumalik sa Korea nung malaman ng dad nya na jowa nya eh Pinoy. It's nice to see women as a strong and brave character (which is very rare in Philippine cinema). Yung lalaki pa ang unang sumuko sa relationship.

Gusto ko rin dito yung character ni Kuya Pip as boss ni Hero. Gusto ko yung scene dito na he was trying to pacify Sandara at his printing shop. Ilang taon na ba sya? Parang hindi sya tumatanda.

I love this film. I think this is one of the best Pinoy teenage films that I have seen. Star Cinema is way ahead of Regal films when they do produce this kind of film. At least nag-iisip ang mga writers ng Star Cinema.

Pati ako eh fan na ni Sandara ngayon. Si Hero? Hmm... cute sya pero parang wala sya masyadong sex appeal.

Ang rating ko sa film na ito? 5 Utots. Kung gusto mong medyo sumaya ang buhay mo eh watch this film. Kudos to Star Cinema!


Tuesday, November 01, 2005

Bahay Ni Lola 2 Review

"Lumipat ka na lang sa bahay ni Lolo, Bwiset!"

Heto nga, pagkatapos kong ipagpaliban na panoorin ang pelikulang ito eh pinanood ko rin. Halloween eh, siempre, para mas feel mo ang movie.

Pinatay ko pa lahat ng ilaw, ha? Kumuha pa ako ng kumot, just in case na matakot talaga ako eh di may pantalukbong ako.

Ang story ng BNL2 (paigsin na lang natin ang Bahay ni Lola, katamad i-type eh) eh isang pamilya ang lumipat sa isang bahay (mura kasi eh, mga barat kasi ang mga engot). Yun pala eh haunted. Madaming nagpapakitang ghosts tapos si Dingdong eh nabaliw dito. Tapos bawat tumitira daw doon eh may idinadagdag na parte ng bahay na bad feng-shui, at ang ika-13 na dagdag eh siempre, magtago ka na sa pinaggalingan mo.

Una ang lahat, sino ba ang nagsulat ng story ng pelikulang ito? Puro gaya-gaya ang tema. Buti sana kung ginalingan ang panggagaya, pero HINDE!!! Gaya dito, gaya doon, tapos ni-mix ang stories sa blender at ayun, ang resulta? EBAK.

Hay naku, lokang-loka ako sa pelikulang ito. Hindi magkakatugma ang mga scenes ng story. Heto ang explanation ko.

Si Tita Gloria daw ang unang may-ari ng bahay (I'm pretty sure na sinabi nyang 1956 nila pinatayo ang bahay). Tapos after them (nagbigti kasi asawa nya), kung anu-ano na raw pinaggagawa ng mga bawat tumitira doon na nagdadagdag ng bad fen-shui. In total eh 12, ika-13 yung kina Dingdong. Hello??? 12 tenants in 49 years? Anong nangyari sa kanila? Bakit hindi man lang nabalita o wala man lang nakakaalam ng nangyari dito.

Tapos yung isang scene dito eh, nasa sariling bahay si Tita Gloria, tapos pinagmultuhan sya ng asawa. Akala ko ba nagbigti asawa nya eh bakit dugo-dugo ang multo nya? Tapos nung wawarningan ni Tita Gloria si Karylle (asawa ni Dingdong dito sa movie), eh imbes na sabihin na nya eh sinulat pa. Ang haba ng sulat nya ha? Eh kung sinabi na ba nya eh di tapos na sana. At bakit sya minumulto ng asawa nya sa sarili nyang bahay? Haunted din ba bahay nya?

Tapos medyo nabaliw-baliw si Dingdong, at gustong magpalagay ng swimming pool sa likod ng bahay (ika-13 bad feng-shui). Yung scene na tatlong linggo ng hindi nagbabayad si Dingdong sa mga taga-hukay bg pool, tapos pinakita yung nagawa nilang hukay. Eh namputsa, eh parang hukay lang na taniman ng okra ang hinukay eh. Tatlong linggo na yung hukay na yun ha? Anong pinanghukay nila? Ang kanilang ilong? Pa konti-konting singkot ng lupa araw-araw? Maski kutsarita ginamit dito eh mas malaki pa ring hukay dapat. Maski ako hindi ko babayaran yung mga naghukay eh (swimming pool ang nakalagay sa kontrata hindi vegetable garden, mga ungas!)
Yung scene naman na pinatay ng multo si Cherry Pie, pagkatapos ng libing nya eh bumalik pa rin sa bahay ang mga ugok nyang kasambahay. HELLO??? Haunted ang bahay at ang isa nyong kasambahay eh pinatay ng mga multo, pero anong ginawa nila, bumalik pa rin.

Andami pang inconsistencies sa pelikula. High siguro yung nagsulat ng story nito kaya ganun kapangit ang pelikula.

Sayang ang talents ng mga artista dito, kung hindi lang gawapo si Dingdong eh hindi ko pagchachagaan panoorin ito. Si Cherry Pie, sayang na sayang sya dito. Pinatay lang sya. May sinabi ang isang character dito sa pelikula na proprotektahan daw sila ng multo ni Tita Cherry Pie, ok sana kung natupad ang concept na ito. Pero HINDE! Decoration lamang sya dito.

Ang ending ng pelikula eh lumipat sila ng bahay pagkatapos mamatay si Cherry Pie tsaka yung bata. Nung ipinakitang umaalis na yung mover truck nila Dingdong eh may nakasabit na multo. Hello??? Sumasabit ba ang multo sa sasakyan? Lumulutang sila ano? Tsaka bakit naman sila susunod, di ba ang multo eh nagsta-stay lang sa isang bahay? Hindi ko alam na nag-co-commute din pala sila.

Lokang-loka ako sa story. Hindi man lang iniexplain kung bakit naging haunted ang bahay at kung sino talaga si Lola. Bakit sya galit na galit sa mga nakatira dito. Tsaka paano nagkakaroon ng physical entity ang mga multo dito? Paano sila nakakapatay ng tao with their bare hands?

Wala sigurong budget ang movie kaya sa mental asylum sila kumuha ng writer at director for this movie.

In short, waste of time ang pelikulang ito. Mabuti pang tumae ka na lang kesa sa panoorin ito. What a big disappointment. It's like buying an Andok's lechon manok for a few hundred pesos tapos ang ibinigay sayo eh yung puwet lang ng manok. O kung wala ka namang magawa eh maglinis ka na lang ng bahay o maglaba by hand ng mga kumot, maski sugat-sugat na mga kamay mo eh mas fulfilled pa rin ang feeling mo kesa panoorin ang movie na ito.

Ang rating ko dito sa BNL2? 0.0003 Utot, just becoz magaling (at gwapo) si Dingdong dito.



This page is powered by Blogger. Isn't yours?