Thursday, November 17, 2005

Being Positive

O mga bastos, hindi positive sa pregnancy test ang sinasabi ko ha? Being positive in life ang ibig kong sabihin.

Maiba muna tayo ng topic today. Meron kasi akong kaibigan (LC ang abbrev. ng name nya). Lahat na yata ng biyaya ng Dyos (talents, looks, intelligence) eh nasa kanya na yata. Kaya lang wala syang bilib sa sarili nya. Kaya dedicated itong blog entry na ito sa kanya. Yung mga quotes eh mga bagay na sinasabi nya sa sarili nya na nagpapabagsak ng self-confidence nya. Eh ang lola Willow nyo eh ganito ang sagot:

"Hindi yata ako matatanggap sa trabahong gusto ko, kasi mahina ako sa Inggles"

Willow: Eh sampalin kaya kita? Mula pagkabata eh Inggles ang second language mo eh. Ang galing-galing mong mag-inggles ano? Hindi ka lang bilingual, trilingual pa, at soon to be four-lingual.

"Masyado yata akong payat"

Willow: Pwede bang sakin na lang yang problema mo?

"Baka hindi ko kaya"

Willow: Yan ang nagiging problema natin pag tumatanda na tayo eh. Masyado tayong nagiging maingat or careful. Kung itutulad natin ang ating sarili sa mga bata, kaya nating gawin maski ano. Tingnan mo ang mga bata, madalang silang magsabi ng "hindi ko kaya." Sa ating buhay, kelangan naman tayong mag-take ng risk. Wag tayong matakot to make mistakes. Mistakes are the foundation of learning. Kung i-expect natin na maging tama lahat ang gagawin natin, eh baka maging santa/santo na tayo nyan. Kung ang mga computer programs nga na pilit na ginagawang perfect ng mga programmers, maski ilang versions na eh may mali pa rin eh. Nothing's perfect, nobody's perfect, pero ang mahalaga dapat nating mag-try and to believe in ourselves.

And lastly, kung parati nating sinasabi sa ating sarili ang mga negative thoughts, (hindi ako magaling, hindi ko kaya) darating ang araw na kung ano yung iniisip natin, yun ang magiging pagkatao natin. For example, kung iisipin natin na hindi tayo magaling mag-Inggles, maski magaling tayo, eh dahil sa mga negative thoughts mag-proproject yun sa labas. Pero kung iisipin natin na magaling tayo sa isang bagay, asahan mo na mag-proproject ang positive outlook na yun sa pagkatao natin.


Comments: Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?