Wednesday, November 16, 2005
TAYO TAYO RIN SA 2015
Aba, medyo matagal-tagal din akong walang entry sa blog ko ah. Pasensya na kayo dear readers, busy ang lola nyo eh. Tsaka kelangan ko ulit panoorin yung mga ibang DVD na napanood ko na, kasi yung iba, sa pangit ng pelikula eh nasa selective amnesia file ko na. Eh dahil mahal ko kayo, eh magtitiis akong panoorin sila para you wouldn't suffer the same fate that I did.
Maiba naman tayo ngayon. Alam nyo naman si Lola Willow nyo, hindi lang puro kabaduyan ang alam ko. Marunong din akong magpahalaga sa ibang nilikha ng Diyos. Marunong akong magmahal ng kapwa, ng ating kapaligiran... Ang gusto ko nga in the near future eh maging missionary. Gusto kong pumunta sa 3rd world countries at tumulong. Hindi lang ako ang may gusto nyan, ang ibang mga sikat na alagad ng sining sa Pinas ay nag-donate ng kanilang time and effort para bumuo ng album na nagpapahayag ng ganitong damdamin. Ito ang MDG Alabum: TAYO TAYO RIN SA 2015. Itong album na ito ay punum-puno ng mga kanta na nagpapahag ng Millenium Development Goals ng United Nations. And what's best about this eh libre ang album na ito. You can go to http://www.un.org.ph/MDGdownloadsongs.htm and download the songs for free.
Para sa aking tribute sa Millenium Development Goals ng United Nations, as the day passes, aking ilalagay sa blog na ito ang lyrics ng bawat kanta at ipapahayag ko ang aking damdamin at kung paano ako makakatulong sa pag-achieve ng goal na ito. I'd appreciate it kung mag-co-comment kayo to the same effect. Gusto kong malaman na marami tayong nagpapahalaga sa ating kapwa-tao at sa ating kapaligiran. Siempre, i-re-review ko rin bawat songs in a more technical sense.
O, yun lang muna. O, may assignment kayo ha? Basahin nyo yung MDG goals at download nyo yung mga songs at ating i-review ang mga ito. Okay ba?