Friday, November 18, 2005

LUMAKI KA NGA! (OH GROW UP!) 1st Edition





















Oh mga kapatid, meron akong bagong column ngayon. Naisip ko, siguro kelangan ko ng sumanga (to branch out) ang aking mga opinyon. Hindi lang sa mga pelikula o musika, kung hindi sa mga kagaguhan/kagagahan ng mga artista/manganganta ngayon. Minsan eh nakakapanginig ng laman (at taba) ang mga pinaggagawa nila.

Sa kasalukuyan eh andami kong nababasa tungkol sa away ni Hero at Sandara. Kesyo, sinisisi raw ni Hero si Sandara sa pagbasak ng career ng lalaking ito (kasi pumunta si Sandara sa Korea). Kesyo si Sandara daw eh walang pakialam sa loveteam nila, blah, blah, blah.

O, bago ninyo ako husgahan na may kinakampihan ako, binasa ko muna ang mga stories ng both parties ha? I always listen to both sides bago ako kumampi.

Ang masasabi ko kay Hero eh LUMAKI KA NGA (Oh, grow up!) Tigilan mo na yang kapuputak mo. Para kang inahin na nangingitlog. Alam mo, Hero, inaamin ko na hanga ako sayo dahil magaling na artista ka. At dahil magaling ka, dapat i-prove mo sa mga tao na kaya mong mag-isa o kaya mong sumikat ng walang permanent love team. Iyang mga paninisi mo sa ibang tao eh walang kahihinatnan. Lalo lang babaho ang pangalan mo. It won't do you any good.

Para naman sa mga fans ng Hero-Sandara loveteam, LUMAKI NGA KAYO (Oh, grow up, people!)!!! Masyado kayong na-iinvolve sa buhay ng mga iniidolo ninyo. Kung mag-iba sila ng loveteam eh pabayaan nyo, hindi yung nakikiaalam kayo at pinipilit nyo ang inyong gusto. Ang loveteam ay pampelikula lamang at hindi totoong buhay. Manood na lang kayo ng pelikula at wag makialam sa personal na buhay ng mga idolo.

Another thing, Hero, ganyan talaga ang buhay ng isang sumikat dahil sa contest. Biglang-sikat, tapos kung minamalas ka eh madali kang pagsawaan ng mga tao. Kasi ang mga tao, nababaling ang interes sa mga baguhang nananalo ng contest. Proven na yan. Tingnan mo ang American Idol. Biglang sikat ang mga nananalo, pero pag may bago ng panalo, biglang bagsak na ang ex-winner. Kung gusto mo talagang sumikat ka eh, maghirap ka gaya ng mga batikang artista noon na talaga namang dugo ang puhunan para gumaling sila sa kanilang sining. Tingnan mo si Tito Dolphy, si Tita Gloria... Hanggang ngayon eh in-demand pa rin at mas sikat sila ngayon kesa noon.

So ang verdict ko. Si Hero ang Evil at si Sandara ang Angel. Trabaho lang ito. Walang personalan.


Comments: Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?