Monday, November 21, 2005
DARNA: Ba-ba-bye Na!
"Ang bato, Ding! Ang bato!"
Marami ang nalulungkot dahil last episode na raw ng top-rated tv show na Darna sa Biernes.
Although, never kong napanood ang show na ito (wala kasing TFC ang lola nyo), mukhang maganda naman based on hearsays, reviews and news. Pag ipinalabas ito sa DVD eh, asahan nyong lalanguyin ko ang pinakamalalim na batya para lamang makabili ng DVD nito.
Tutal Darna ang pinag-uusapan, noong batang paslit pa lamang ako eh panay ang palabas ng mga reruns ng Darna sa tv. Ang Darna noon eh si Ate Vi pa. Talagang patay na patay ako sa Darna noong bata pa ako. Hanggang ngayon eh para sakin, si Ate Vi pa rin ang #1 na Darna (no offense to Angel Locsin). Ang ganda-ganda nya at ang seksi-seksi pa.
Recently eh I had the chance to procure Darna at Ding VCD, starring Ate Vi and Niño Muhlach. Grabe! Ang cute ni Niño!!! As in!!! Sya na yata ang pinaka-cute na child star na nakita ko. Nandun din si Tito Panchito (sumalangit nawa). Maganda ang interaction ni Tito Panchito at ni Niño dito. Talaga namang mapapaihi ka sa katatawa (kung ikaw eh mga 95 years old na).
Marami-rami rin kalaban si Darna dito, pero ang main ones eh ang mga Maranghid (zombies) at ang isa pang Darna (self). Kung iisipin eh napakagaling ng effects ng pelikulang ito, considering that this movie was made more than 20 years ago, lalung-lalo na nung kinakalaban ni Darna ang kanyang sarili (isa pang Darna).
Nandito rin si Celia Rodriguez at si Marissa Delgado as Darna's enemies. Grabe! Ang gaganda nila!!! Ako nga eh nagtataka, bakit mas magaganda ang mga artista noon, considering na totally wala naman liposuction at mga plastic surgeries noon.
Kaya lang eh, hindi masyadong maganda ang picture quality ng movie. Siguro kung nire-master pa ito eh mas magandang panoorin. Tsaka halatang kulang ng film reel ng pelikula. Nag-ju-jump ang film ng pabigla-bigla sa ibang eksena. Kaya nakakalito ang storya minsan dahil nawawala ang ibang parte.
Other than that, collectible ang film na ito. Must-add ito sa Pinoy collection nyo. Kung ikaw eh nostalgic, siguro maiiyak ka kasi ipinakita rito kung anong hitsura ng Maynila noon, particularly ang China town.
Kung die-hard Darna fan ka eh, kelangan mong i-collect lahat ng Darna films ni Ate Vi dahil she's the best Darna ever.
Anong rate ko sa Darna at Ding? 4 Utots. Kung maganda sana ang quality ng film eh 5 utots, kaya lang hindi eh.
And to Angel, good luck sayo! Although never kitang napanood eh I trust na binigyan binigyan mo ng justice ang Darna role (Kung Darna costume ang pag-uusapan eh you wore it well!). Sana ay ilabas na sa DVD ang Darna tv show mo.
Comments:
<< Home
Nang una itong ibalita na gagawin ang DARNA TV Series. Hindi pumasok sa utak ko na ang gaganap ay si Angel Locsin. Based na din sa mga stories, hindi nag-audition si Angel Locsin sa role. Basta ibinigay na lang yata ang role na Darna. Well, bawing bawi ang GMA 7 ke Angel Locsin dahil TOP RATED Teleserye ito sa gabi. Sino nga bang hindi manonood nito. Very sexy ang costume ni Angel. Bentahe dito ay ang magandang hubog ng boobs ni Angel na natatakpan lang ng kaunting saplot na may stars.
Okey na sana ang paglipad ni Darna sa TV screens, pero madami pa ding palpak. Una sa visual effect, sa flying scenes, na akala mo ay naka-hanger si Angel Locsin. And the tummy...see, ang laki ng tiyan ni Angel Locsin. And the costumes ng mga kalaban, akala mo ay hiniram sa nagkakarnabal. Groshh! Ang mga characters, hiniram sa Marvel at DC Comics. See, Dr. Zombie, pinagsamang Green Goblin at Dr. Octopus ng Spider Man ni Toby Mcguire. Hayyyy kakatamad na panoorin. Pinatay pa nila si Ding na important character ng Darna. Eh ang Lola, hindi mamatay-matay eh siya na ang pinakamatandang character doon.
Meron pang Dyesebel Characters na si Ara Mina ang gumanap. Take note, nagmukhang lola si Dyesebel. Mas maganda pa din kung si Dyesebel ay si Alice Dixon, (Actually si Alice ang Dyangga sa Darna TV Series.) Maganda pa din si Alice. Basta, OK sana ang Darna eh, pumalya lang sa mga costumes at fighting scenes. At ang headgear ni Darna, ang laki ng wings...akala mo kapag nasuwag ka, mamamatay ka! Hayyy! Grabeh..pero Ok ang kuwento niya nang medyo patapos na. Doon lang ako na-enjoy, pero minsan napapanood ko na siya kahit katapat siya ng Kampanerang Kuba. Pero para sa akin, si Vilma Santos ang magandang Darna, lalo na iyong Darna and the Planet Women. Gustong-gusto ko iyon. Sana i-revive iyon, at huwag si Angel Locsin ang bida.
Post a Comment