Wednesday, November 30, 2005

LUMAKI KA NGA (Oh Grow up!), 3rd Edition:


[Kung ganyan kaganda (siempre dapat mas magaling)ang magiging bagong bokalista ng band nila Marco eh, siguradong talbog si Kitchie. Yung nasa pix eh si Jordana Brewster. Artistang banyaga.]

"It's Kitchie Nadal the solo artist, not the Kitchie Nadal Band or the Kitchie Nadal Experience!"

Abah, matagal-tagal na rin pala akong walang entry dito sa blog ko. Busy kasi ang lola nyo eh. Kenailangan kong mag-aral para sa final exam ko. Pero tapos na yun, kaya heto muli. Ipagpatawad nyo ang aking absence dear audience.

Natawag ang aking pansin sa recent quarrel ng management ni Kitchie Nadal at ng kanyang ex-bandmates na sila Jeff, Marco and Aaron. They were promised daw na they are going to be Kitchie's "permanent band", take you mga tita, in a verbal promise. Pero ng mag-hit ng platinum sales ang album eh they were dropped like hot kamote.

Sabi naman ng management ni Kitchie eh session band lang daw sila at they had to drop them because of incompatibility. Kitchie Nadal is a solo artist not a band. Wala naman daw contract.

Ang masasabi ko lang sa ex-bandmates ni Kitchie eh LUMAKI NGA KAYO (Oh grow up, dumbasses!)!!! At this day and age ba naman eh ang pinang-hahawakan nyong kontrata eh verbal contract? Helloooo??? Hindi na uso yan 'no? At this day and age eh a written contract is the one that binds. Kung hindi kayo in-offeran ng contract eh dapat nagtaas na yan ng pulang bandila (red flag) at na-warningan na kayo. Maski man lang sana email eh meron kayong pinang-hahawakan, pero meron ba? Wala yata eh! So magsisi kayo 'no? Sa music business walang kaibi-kaibigan, trabaho lang. Hangga't walang kontrata eh wag kayong mag-expect na ang ipinangako sa inyo verbally eh matutupad. Maski nga may kontrata minsan eh napupurnada pa eh.

Tsaka I agree sa management ni Kitchie na she's a solo artist. It's not the Kitchie Nadal band or Kitchie Nadal experience. Kung walang kontrata sila Marco eh, session artists lang talaga sila.


So ang masasabi ko lang kila Marco eh, I feel sorry for you guys for being dropped, but you deserve it coz you guys are idiots. Hindi kayo dapat kaawaan ano? Natatawa lang ako sa inyo kasi hindi ako makapaniwala na hindi kayo nag-ask ng contract noon, and now it's too late. Pero goodluck pa rin sa inyo, I hope this serves an important lesson to you. Sa showbizness walang personalan, trabaho lang. Kaya next time, ask for a written contract. Mag-inuman na lang kayo! Or better yet, form a new band with a hotter and mas magaling na version ni Kitchie, o di ba? Pag sumikat kayo eh di nakaganti pa kayo ng lubus-lubusan!



Comments:
Some really useful content here. I've been looking for something like this to help with a research piece I've been working on.
us postal address change

 
Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?