Friday, December 23, 2005

MERI KURISMAS AT MALIGONG BAGONG TAON!


Oh, mga chong and chang, Pasko na naman. Ako muna ay magbabakasyon at pupuntahan ko ang aking mga kadugo. Wala muna akong magiging blog entry for more than a week. So maging pasyente (patient) muna kayo ok? Ako'y magbabalik maka-bagong taon na.


Meri Kurismas sa inyong lahat jan. Sana ay magmahalan kayo. Kung may tampuhan ay magplastikan muna at mag-chikahan. Kung may galit ay magtimpi muna at maghalikan. We have the other 364 days of the year to be jerks and bitches. So magbait-baitan muna kayo sa Pasko ok?

Sana ay matanggap nyo ang gusto nyong mga regalo. Kung hindi naman eh hingin ang receipt para ipagpalit, o kaya'y pakiusapan natin na perahin na lang.

Kung kayo naman'y nag-iisa sa Pasko, eh wag malungkot. At least walang problema. Isang araw lang naman ang Pasko eh. wag masyadong isipin ang pag-iisa. Magsaya kayo sa bahay or sa bars. Maghubo at maglakad-lakad sa bahay. Magpick-up ng chicks/ papa.

Alam kong ang mga kababayan natin na nasa abroad eh Pasko ang pinakamalungkot na araw nila dahil wala ang mga pamilya nila. Kaya kayo na nasa Pinas eh magtext naman sa kanila, or tumawag or mag-email or mag-chat. Pasayahin nyo naman sila dahil sila'y kumakayod with matching dugo at pawis para mapabuti ang buhay nyo.

O yun lang, dear audience. MERI KURISMAS AT MALIGONG BAGONG TAON!!!


Tuesday, December 20, 2005

My Top 5 Gwapas and Gwapos 2005, Part 5:



O, heto na ang pinakahihintay nating lahat, ang aking #1 gwapa and gwapo for 2005. very deserving ang aking #1 Gwapa and Gwapo. Not only do they showcase their uber-good looking faces, but they have the true essence of Gwapo and Gwapa-ness. That is their overflowing sex appeal, talent, and persona. So here we are folks, my #1's:


GWAPO NUMBER 1: PIOLO PASCUAL

Una kong napanood itong si Piolo sa MILAN. Ay, tita, sya lang ang Pinoy na artista, I mean, SYA lang ha, ang nakapagpaluha sakin. Alam nyo naman ako, tough ako eh. Hindi ako umiiyak kung pelikula lang ang pag-uusapan, pero napaiyak ako nitong si Piolo. Grabe.

Heto pa, andaming rumours akong naririnig na kesyo bading daw itong si Piolo. Ang sagot ko naman eh, OH, EH ANO NGAYON??? I don't care kung totoo man o hindi ang rumours na iyan. Kung halimbawa ngang bading si Piolo eh, will it change anything? So kung bading nga siya eh, hindi na sya gwapo? Hindi na sya magaling umarte? Will it make him less of an actor? Ang sagot ko jan eh, "GO FUCK YOURSELVES!" Mga wala kayong magawa sa buhay at pati personal na buhay ni Piolo eh pinakikialaman nyo. Galit ako sa mga mga taong nakikialam sa personal na buhay ng mga artista eh.

Heto ang reasons kung bakit sya ang #1 ko.

BAKKEETT???

1. Uber-expressive eyes. Hay josko, natutunaw akong parang kandila pag nagsimula ng mag-expres thru his eyes itong si Piolo. Talagang ito ang kanyang greatest asset.
2. For me, sya ang the best Pinoy actor of the 21st century. Wala ng gagaling pa sa kanya. Hellooo??? Naka-grand slam na sya ano?
3. Ang sexy ng beywang nya!
4. Actor, singer, model... what's next?
5. Ang jaws nya day, machong-macho! His face is meant to grace magazines and print-ads!
6. He has that boyish charm. Gusto mo syang ipaghele!

7. He has that clean, innocent look.

GWAPA NUMBER 1: JOYCE JIMENEZ

BAKKEETT???

1. When you look at "sex appeal" in my dictionary, it's synonymous to Joyce Jimenez
2. She has that vixen, seductress look
3. She's more than a pretty face, she has her own line of lingerie, and she goes to school in Australia to further her business career
4. Kung lalaki kang may asawa eh tyak na mangangaliwa ka with your first look at her
5. Kung babae eh, magkakaroon ka ng identiy crisis dahil sa sobrang crush mo sa kanya
6. Kayumangging kaligatan! Filipinang-filipina!
7. She has that aura around her that draws you in
8. Parang magnet ang personality nya!


Friday, December 16, 2005

My Top 5 Gwapas and Gwapos 2005, Part 4:


Hay naku, medyo nahirapan akong magdecide kung sino ang aking #2 and #1. Eh pano naman, kung sa gandang lalaki/babae ang pag-uusapan eh halos equal ang aking #2 at #1. So ini-magine ko na lang kung sino ang mas gusto kong makita sa pelikula/big screen, at yon ang aking pinagbasehan, tie-breaker kumbaga para sa king #2's at #'1s.


GWAPA NUMBER 2: KC CONCEPCION

Hay naku, lammo nyo ba, nung batang-bata pa lamang si KC at nakikita ko sya, sabi ko "sayang, hindi nagmana kay Gabby or Sharon. Hindi sya cute." Tapos a few years ago, tanong ko sa mga tao sa Pinas, "Sino ba ang pinakasikat na young star ngayon?" Sagot nila "Hay naku, si KC Concepcion. Grabe! Ang ganda nya! Parang babaeng version ni Gabby!" Kala ko niloloko lang nila ako, tapos nakita ko yung mga magazines na ang cover ay si KC. Talagang namangha ako! Heto ang dahilan:

BAKKEETT???

1. Si embodies the true meaning of gwapa! Talaga namang ang gwapa nya!
2. Minana nya sa Daddy nya ang kanyang close-up smile! (model kasi si Gabby ng close-up noon eh!)
3. Sa totoo lang, talagang ang transformation nya eh parang duckling to a very, gorgeous swan!
4. Ang ganda ng katawan nya, day! Mula taas hanggang baba!
5. Pag nginitian ka nya at makita mo ang kanyang uber-lovely dimples eh matutunaw ka!
6. Punk, true lady, casual, rocker, name it, at kayang-kayang dalhin ni KC ang titles na ganyan! Ganyan sya ka-versatile!
7. Elle parle francais! French-speaking sya 'no? Maski hindi ko pa nadidinig sya mag-french eh I'm sure, very romantic ang magiging dating ng boses nya!
8. When you look at the word "class" in my dictionary, the synonym is KC Concepcion


GWAPO NUMBER 2: Richard Gutierrez

Nagulat din ako sa transformation nitong si Richard. OO, ang cute nya noog bata pa sya pero hindi ko ni-expect na paglaki nya eh nag-uumapaw sex-appeal nya. Dapat eh #1 sya sa list ko, kaya lang, hindi ko sya type umarte. He reminds me of Tom Cruise. Iisa ang expression ng mukha. Puro galit. Maski hindi dapat galit ang face sa eksena, galit pa rin ang expression ng mukha.

BAKKEETT???

1. Bulag ka ba? Hindi na tinatanong yan. Tingnan mo na lang si Richard. Makalaglag-thongs ang kagwapuhan nya!
2. Mapera!
3. Ang ganda ng body nya! Parang ang sarap haplusin! (Kelan ba sya magbo-bold?)
4. Sobrang lakas ng sex-appeal nya! Kung sinaing sya eh talagang awas!
5. Nakakakilig pag nakikita mo sya!
6. Talagang matinee idol ang dating nya!
7. Tall, rich and handsome!
8. Ang itim at ang kapal ng hair nya (sa taas! mga bastos!)! Pwede syag model ng pomada (o gel, o mousse, whatever)


Wednesday, December 14, 2005

My Top 5 Gwapas and Gwapos 2005, Part 3:



GWAPA NUMBER 3: NANCY CASTIGLIONE


Una kong nakita si Nancy sa pelikulang "AGIMAT" where she plays a monster villain. Take note, maski monster sya sa film na ito eh nakita ko ang kagandahan nya. Unang kita ko pa lang sa kanyang uber-sexy eyes, I knew right away that she's a very beautiful woman.

BAKKEETT???

1. Uber-sexy, hypnotizing, appealing, lovely light brown eyes!
2. Uber-lakas ng sex appeal nya! Half-italian eh!
3. All-in-all, she has a very beautiful face!
4. Dawn Zulueta + Claudine Baretto = Nancy


GWAPO NUMBER 3: JOMARI YLLANA

Gwaping pa lamang si Jom eh crush ko na sya.

BAKKEETT???

1. Machong-macho! In short, lalaking-lalaki!
2. Ang ganda ng katawan nya, tita! Talagang pang-underwear model sya!
3. Kayumanggi! That's always sexy!
4. Close-up smile! Perfect ang teeth nya!


Monday, December 12, 2005

(MMFF) Mother Monteverde Filmfest 2005: The Final List


(Bong Revilla in Exodus, my #1 must-see film)

Oh, mga chong/chang, when it's close to krismas taym, alam nyo na ang ibig sabihin nyan, METRO MANILA FILM FEST na naman! Yehey!!! Oo, mababaw lang ang kaligayahan ko. Akala naman jan makakapanood ako. HINDEE!!! Kaya swerte kayo at may chance kayong mapanood sa big screen ang sampung pelikulang kasali sa festival na ito. Although hindi ko mapapanood sila, bibigyan ko kayo ng tip kung anong pelikula ang hindi kayo magsasayang ng pera. Siempre, based yan sa mga past pelikulang napanood ko na gawa ng same pipol.

Pero this year, mukhang ang MMFF eh the MOTHER MONTEVERDE FILM FEST. Eh pano naman, out of the 10 entries eh apat ang sa REgal Flms. FAir ba nyan ika nyo? In a parallel world maybe! Mukhang unfair naman yata kasi hindi nabibigyan ng chance yung ibang independent productions na makasama sa MMFF. Ewan ko lang kung anong criteria ang ginagamit nila sa paglipili ng films para sa MMFF. "Oh yung mga films na ang producer eh may word na "mother" pasok na!

Anyways, whatever. Heto na nga ang list at sa bottom eh sabihin ko sa inyo kung ano papanoorin ko kung jan ako nakatira sa Pinas:

Showing Dec 25:

"Terrorist Hunter"
"Enteng Kabisote 2" (Vic Sotto and Kristine Hermosa)"Kutob, (Rica Peralejo, Marvin Agustin, and Alessandra de Rossi)
"Exodus" (Bong Revilla and Aubrey Miles)
"Mulawin" (Richard Gutierrez and Angel Locsin)
"Ako Legal Wife" (Jay Manalo, Zsa Zsa Padilla, Ruffa Mae Quinto, and Cherie Pie Picache)
"Shake, Rattle & Roll" (Ai Ai delas Alas, Ara Mina, Ogie Alcasid, Mark Anthony Fernandez, Ranier Castillo, and Yasmien Kurdi)

Showing Jan 1:

"Mourning Girls" (Dina Bonnevie at Ara Mina)
"Lagot Ka" (Mariz, Nadine Samonte, Angelica Jones)
"Blue Moon" (Eddie Garcia, Christopher de Leon, Boots Anson-Roa, Dennis Trillo, Mark Herras, Jennylyn Mercado, and Pauleen Luna)

My MUST WATCH LIST:

1. EXODUS

Baket kanyo? I saw Imus Production's "Agimat" recently on DVD and I must say that this is the BEST Fantasy Pinoy movie in-terms of special effects. AS IN!! Ang galing-galing. Pwede syang ikumpara sa mga foreign-made fantasy films. Hindi boring ang film na ito. Magaling ang pacing. Maganda ang story. Shebang ang special effects. So, in conclusion, I'm sure na mas maganda ang EXODUS. Ito ang #1 sa MMFF must-watch list ko.

2. KUTOB

Based from what I read in the past, maganda ang predecessors ng film na ito (Malikmata and Spirit of the Glass). Sabi nila more of a suspense-thriller ang Kutob. Ang main reason actually eh kasi nanjan si Alessandra Rossi. She's a great actress, so watch ko film na ito, at siempre, the other reason is hindi ito Regal films (oo, ayoko sa Regal films, monopoly kasi eh. Most of the films na napanood ko na ginawa ng Regal eh kasuka-suka).

3. Enteng Kabisote 2

Gusto ko si Tito Vic eh. Gusto kong matawa. Basta wag lang sigurong mataas ang expectation nyo sa movie na ito eh mag-eenjoy kayo.

4. Ako Legal Wife

For the sole purpose na nanjan si Rufa Mae Quinto. That is reason enough for me. Maski hate na hate ko ang Regal films, watch ko pa rin ito because of Rufa. Ganyan ko siya kamahal, maski magtiis ako sa isang pelikulang gawa ng Regal films, basta susuportahan ko sya.

So yun lang, dear readers. Pero kung may pera naman kayo eh watch nyo lahat ng films, para makatulong tayo sa film industry ng Pinas. Wag ng magkuripot dahil once a year lang naman nangyayari ito. Mas maganda kung watch nyo yung mga pelikulang gawa ng ibang production company (i.e., NOT Regal films). Siempre pag mas maraming Independent films ang maglabas ng films, mas quality ang films. Totoo yan.



Friday, December 09, 2005

My Top 5 Gwapas and Gwapos 2005, Part 2:



Now, continues my Top 5!

GWAPO NUMBER 4: IRA CARA CRUZ

Hay naku! Matagal ko ng minimithi (crush) itong si Ira Cruz!

BAKKEETT???

1. Eh kasi naman uber-cool ang dating nya
2. Magaling gumapang ang mga kamay nya (pag naggigitara, mga bastos!)
3. Ang pungay ng mga mata nya (parang nag byu-byutipul eyes)
4. Perfect ang ilong nya
5. Simpleng magdamit pero rock!

GWAPA NUMBER 4: RUFA MAE QUINTO

BAKKEETT???

1. Has a great sense of humor
2. Ang ganda ng kanyang mga light brown eyes
3. Uber-sexy!!!
4. Ang bait-bait nya (pinapag-aral nya ang mga kamag-anak nya)!
5. Very hard-working
6. Based from intervies, mukha naman syang very down-to-earth and hindi mayabang
7. Magalang sya (loves na loves nya lola nya eh!), and that's always sexy!
8. My most favorite comedienne (sana mabuo ko na collection ko ng mga films nya!)!
9. Business-minded at matalino


Wednesday, December 07, 2005

MY TOP 5 GWAPOS AND GWAPAS OF 2005



Oh mga chong at chang, heto ang aking top 5 gwapos and gwapas of the Philippines cinemas. Ito eh yung mga artistang buhay ha? Kasi siempre, para sakin eh mas maganda at gwapo ang artisita noong nagdaang panahon, eh kaso some of them eh dedbol na, tsaka mahirap humanap ng pictures, so ito na lang. Take note, ang aking Top 5 ay hindi kaanyuan lang, siempre because of their personalities as well. Heto na, MY TOP TEN GWAPAS AND GWAPOS OF THE PINOY CINEMA 2005:


GWAPO NUMBER 5: JAY MANALO

BAKKEETT???

1. Ayy tita, ang ganda ng kilay nya!
2. Magaling syang gumiling day!
3. Helloo? Bulag lang ang magsasabing hindi gwapo si Jay
4. Virile! (siyam na ang anak nya!)5. Macho!
6. Ang galing nyang umarte!
7. Ang lakas ng sex appeal nya!

GWAPA NUMBER 5: Rosanna Roces

BAKKEETT???

1. Need I say more? Tingnan mo na lang picture nya.
2. Palaban!
3. Marunong syang kumanta!
4. Magaling syang aktres
5. Okay syang magpatawa

Oh, sa susunod na lang ang iba ko pang ta-artits sa aking Top 5


This page is powered by Blogger. Isn't yours?