Friday, December 23, 2005

MERI KURISMAS AT MALIGONG BAGONG TAON!


Oh, mga chong and chang, Pasko na naman. Ako muna ay magbabakasyon at pupuntahan ko ang aking mga kadugo. Wala muna akong magiging blog entry for more than a week. So maging pasyente (patient) muna kayo ok? Ako'y magbabalik maka-bagong taon na.


Meri Kurismas sa inyong lahat jan. Sana ay magmahalan kayo. Kung may tampuhan ay magplastikan muna at mag-chikahan. Kung may galit ay magtimpi muna at maghalikan. We have the other 364 days of the year to be jerks and bitches. So magbait-baitan muna kayo sa Pasko ok?

Sana ay matanggap nyo ang gusto nyong mga regalo. Kung hindi naman eh hingin ang receipt para ipagpalit, o kaya'y pakiusapan natin na perahin na lang.

Kung kayo naman'y nag-iisa sa Pasko, eh wag malungkot. At least walang problema. Isang araw lang naman ang Pasko eh. wag masyadong isipin ang pag-iisa. Magsaya kayo sa bahay or sa bars. Maghubo at maglakad-lakad sa bahay. Magpick-up ng chicks/ papa.

Alam kong ang mga kababayan natin na nasa abroad eh Pasko ang pinakamalungkot na araw nila dahil wala ang mga pamilya nila. Kaya kayo na nasa Pinas eh magtext naman sa kanila, or tumawag or mag-email or mag-chat. Pasayahin nyo naman sila dahil sila'y kumakayod with matching dugo at pawis para mapabuti ang buhay nyo.

O yun lang, dear audience. MERI KURISMAS AT MALIGONG BAGONG TAON!!!


Comments: Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?