Monday, December 12, 2005

(MMFF) Mother Monteverde Filmfest 2005: The Final List


(Bong Revilla in Exodus, my #1 must-see film)

Oh, mga chong/chang, when it's close to krismas taym, alam nyo na ang ibig sabihin nyan, METRO MANILA FILM FEST na naman! Yehey!!! Oo, mababaw lang ang kaligayahan ko. Akala naman jan makakapanood ako. HINDEE!!! Kaya swerte kayo at may chance kayong mapanood sa big screen ang sampung pelikulang kasali sa festival na ito. Although hindi ko mapapanood sila, bibigyan ko kayo ng tip kung anong pelikula ang hindi kayo magsasayang ng pera. Siempre, based yan sa mga past pelikulang napanood ko na gawa ng same pipol.

Pero this year, mukhang ang MMFF eh the MOTHER MONTEVERDE FILM FEST. Eh pano naman, out of the 10 entries eh apat ang sa REgal Flms. FAir ba nyan ika nyo? In a parallel world maybe! Mukhang unfair naman yata kasi hindi nabibigyan ng chance yung ibang independent productions na makasama sa MMFF. Ewan ko lang kung anong criteria ang ginagamit nila sa paglipili ng films para sa MMFF. "Oh yung mga films na ang producer eh may word na "mother" pasok na!

Anyways, whatever. Heto na nga ang list at sa bottom eh sabihin ko sa inyo kung ano papanoorin ko kung jan ako nakatira sa Pinas:

Showing Dec 25:

"Terrorist Hunter"
"Enteng Kabisote 2" (Vic Sotto and Kristine Hermosa)"Kutob, (Rica Peralejo, Marvin Agustin, and Alessandra de Rossi)
"Exodus" (Bong Revilla and Aubrey Miles)
"Mulawin" (Richard Gutierrez and Angel Locsin)
"Ako Legal Wife" (Jay Manalo, Zsa Zsa Padilla, Ruffa Mae Quinto, and Cherie Pie Picache)
"Shake, Rattle & Roll" (Ai Ai delas Alas, Ara Mina, Ogie Alcasid, Mark Anthony Fernandez, Ranier Castillo, and Yasmien Kurdi)

Showing Jan 1:

"Mourning Girls" (Dina Bonnevie at Ara Mina)
"Lagot Ka" (Mariz, Nadine Samonte, Angelica Jones)
"Blue Moon" (Eddie Garcia, Christopher de Leon, Boots Anson-Roa, Dennis Trillo, Mark Herras, Jennylyn Mercado, and Pauleen Luna)

My MUST WATCH LIST:

1. EXODUS

Baket kanyo? I saw Imus Production's "Agimat" recently on DVD and I must say that this is the BEST Fantasy Pinoy movie in-terms of special effects. AS IN!! Ang galing-galing. Pwede syang ikumpara sa mga foreign-made fantasy films. Hindi boring ang film na ito. Magaling ang pacing. Maganda ang story. Shebang ang special effects. So, in conclusion, I'm sure na mas maganda ang EXODUS. Ito ang #1 sa MMFF must-watch list ko.

2. KUTOB

Based from what I read in the past, maganda ang predecessors ng film na ito (Malikmata and Spirit of the Glass). Sabi nila more of a suspense-thriller ang Kutob. Ang main reason actually eh kasi nanjan si Alessandra Rossi. She's a great actress, so watch ko film na ito, at siempre, the other reason is hindi ito Regal films (oo, ayoko sa Regal films, monopoly kasi eh. Most of the films na napanood ko na ginawa ng Regal eh kasuka-suka).

3. Enteng Kabisote 2

Gusto ko si Tito Vic eh. Gusto kong matawa. Basta wag lang sigurong mataas ang expectation nyo sa movie na ito eh mag-eenjoy kayo.

4. Ako Legal Wife

For the sole purpose na nanjan si Rufa Mae Quinto. That is reason enough for me. Maski hate na hate ko ang Regal films, watch ko pa rin ito because of Rufa. Ganyan ko siya kamahal, maski magtiis ako sa isang pelikulang gawa ng Regal films, basta susuportahan ko sya.

So yun lang, dear readers. Pero kung may pera naman kayo eh watch nyo lahat ng films, para makatulong tayo sa film industry ng Pinas. Wag ng magkuripot dahil once a year lang naman nangyayari ito. Mas maganda kung watch nyo yung mga pelikulang gawa ng ibang production company (i.e., NOT Regal films). Siempre pag mas maraming Independent films ang maglabas ng films, mas quality ang films. Totoo yan.



Comments: Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?