Wednesday, November 29, 2006

Dear Willow: Love is Blind

Dear Willow,

Bakit ganun? Antagal mong nawala? Don't you care about us anymore? Matagal ng may bumabagabag sa aking damdamin. Antagal kitang hinintay, Willow. Kala ko hindi ka na magbabalik sa online world.

Katulad ng iba, may problema ako sa pag-ibig. Pero hindi sa hindi ako mahal ng aking mahal.
Kundi dahil lahat ng tao ay tumututol sa pagpili ko ng minamahal.


Hindi ko maintindihan kung bakit sila tutol. Ang ngalan ng aking gelpren eh Virginia. O di ba sa pangalan na lang parang ang bait bait nya di ba? Wala na akong mahihiling pa Willow. Napakasarap nyang magmahal, napakabait, napakagalang, mahinhin, matalino, at napaganda nya.

Siguro kung makikita sya ni Tito Robbie Tan eh baka alukin na syang mag-star as a leading lady sa kanyang mga ST films.

Sabi nila hindi raw ok ang pamilya nya. Hindi ko maintindihan ang ibig nilang sabihin.

Tuwing pupunta naman ako sa bahay nila eh parati silang may bisitang pulis, at pinapaligiran ang bahay nila. "Boy Aso, alyas masakit kung kumagat, sumuko ka na!!!" Oh di ba? Ambait ng tatay nyang si Tito Boy, parating dinadalaw ng mga kabarkada nyang pulis.

Ang lola naman nya ay mahilig sa manyika. Parati kong nakikita na gumagawa sya ng manyika at tinutusok nya ng mga karayom. Napakagaling nya sa sining di ba?

Ang nanay naman nya, parating mabango at parating maganda at maigsi ang suot. Shift work yata siya, Willow, kasi parating sa gabi umaalis at umaga na kung dumating.

Willow, hindi ko makita ang rason ng aking pamilya at mga kaibigan kumbait gusto nilang layuan ko si Virginia, mahal na mahal ko sya Willow, anong gagawin ko?


Nagmamahal,

Mahal Ako Ng Haking Iniirog na Dilag


Dear MANHID,

Bangag ka ba? Sino naman ang gugusto sa isang dilag na kriminal ang ama, kalapating mababa
ang lipad na ina, at mangkukulam na lola? Pero sabi nga nila, hindi naman ang pamilya nya ang papakasalan mo, tsaka mukhang bulag ka na at tanga ka dahil sa pag-ibig. So kung ok lang sayo na mabiyuda agad si Viriginia pagkatapos kayong pakasal, eh di hige, bahala ka sa buhay mo.


Love,

Willow

Thursday, November 16, 2006

Dear Willow: Set Her Free

Dear Willow,

Maraming salamat sa pagkakaroon mo ng blog na ganito. Sometimes, pag ako malungkot, read ko lang ang blog mo at ayun, medyo nakangiti nako.

Hindi ko alam kung masasabing problema nga o hindi ang ilalahad ko sayo, kasi nakagawa na ako ng desisyon. Ang gusto ko lamang sana eh maparating sa kanya ang mensahe ng sulat na ito. Bagama't hindi ko ko ilalahad ang tunay ko or tunay nyang pangalan, sana ay matunton nya na galing sa akin ang sulat na ito.

Pasensya ka na at english. Ingglesera kasi sya eh.

"So you told me that you hafta go. This is an opportunity of a lifetime. This means fame, fortune and prestige... but if I asked you to stay, you'd stay in a heartbeat. I looked at you and said, 'Are you out of your mind? You'd be a fool to give this up, and for what? Please don't. Somewhere down the road, you'd be thinking about this missed opportunity, feeling regretful. No. You hafta go.' You answered that you don't care about the money nor the prestige. It's never about that. You just want to be happy, and being happy means being here. I looked down, and slowly walked away. You called to me and begged for me to make you stay, but my ears have gone deaf. Maybe it's because of the sound of my heart shattering into a million pieces. Although each step is becoming heavier, I managed to walk away from you. My eyes were welling up with tears, my body has been overcome with feebleness, but still... I walked away..."

*Hikbi* Tama ba ang ginawa ko, Willow? Talagang gusto nyang maging artista at sumali sa "Busog na Dibdib." Grupong mala-sexbomb girls, pero international. Baka ang unang stop nila ay sa Yemen o kaya sa Iceland. Pero kung gusto ko raw sya na mag-istay, istay sya. Hindi ko na sya makikita, Willow. *Hikbi* Pero gusto ko syang maging matagumpay. Ayoko syang hadlangan.

Nagmamahal,

Letting Ashley Yonder Away Somewhere



Dear LAYAS,

Tangina ka LAYAS, pinaiyak mo naman ako. Hindi umiiyak si Willow! Hinde!!! Bwiset ka!

Anywho, I congratulate you for being so selfless and brave, LAYAS. Isa kang bayani. Inisip mo ang kapakanan nya una, bago ang sarili mo. Bagama't gusto nya talagang mag-istay.

Sabi nga nila LAYAS, if you really care about somebody, you must be willing to set them free and let them find their own path. We have to let people go, our family, our friends, our lovers etc. so they can grow individually.

Remember LAYAS, we don't own people. People are not possessions. We always want what's best for them. For that LAYAS, I applaud you.

Sige, tahan na. Kayang-kaya mo yan, LAYAS. Teka, wala ka bang picture ni Ashley na pedeng ipadala sakin? Preferably yung kasama nya ang buong tropa ng "Busog na Dibdib."

Love,

Willow

Tuesday, November 14, 2006

Dear Willow: Friend to Lover?

Dear Willow:

First of sa lahat. I wanna let you know, na I really mahal your blog, 'no? It's so nakakatawa and so vonggah. I always basa it whenever I'm like at the bahay or at the office 'no (sa oras ng lunch naman).

Anyway, may problem ako Willow. Meron kasi akong matalik na friend for a very mahabang panahon now. Noon, no pansin sya with me. Pero sa ngayon, parang like, different na ang feel ko sa kanya 'no? Parang he's more of a muy gwapo now. He's so, how should i say this? So sexy and so hot!

By this time, I think you know na what my problema is. Paano ko sasabihin sa kanya na gusto kong syang maging jowa? Ayokong, like masira ang friend samahan namin. Kasi since Kindergarten eh friends kami. Ewan ko ba kumbakit isang araw eh biglang naging gwapo sya sa aking paningin. Gusto ko syang ikama at, you know, mag-make love kami and stuff.

Anong gagawin ko, Willow?

Like, lovingly yours,

How Ako Yari On Kaibigan


Dear HAYOK,

Saan ka ba nag-aral ng inggles ha? Like, pwede ba, humingi ka ng refund, kasi like your English is so, like, how should I put this? Atrocious!!! Kahiya! Like, ewwww!

Anywho, HAYOK, wag kang mabahala kasi napa-tipikal ng problema mo. Madaling sabihin ang pwedeng gawin, pero you have to take a very big risk. Kasi I'm sure, like, sure na sa everyday na nakikita mo sya eh baka isang araw hindi na mapigilan at bigla mo na lamang syang
pagsamantalahan o kaya eh parati kang naglalaway habang kinakausap mo sya or something.

Ganito ang gawin mo, mag-set ka ng appointment or date or whatever with him. Yung sa lugar na very private, yung tipong kung magwala ka man or maghuramentado sa sagot nya eh hindi ka naman madedemanda ng public disturbance. Doon mo sabihin ang nararamdaman mo sa kanya. Pero bago mo gawin yun, magmuni-muni ka muna. ARe you willing to accept the consequences, na maaring yun na ang last day ng pagkakaibigan nyo.

Ihanda mo ang sarili mo sa rejection, HAYOK. Siguro, bago mo sabihin sa kanya, make that day a very, very special day para sa inyong dalawa. Like, gawin nyo ang lahat ng bagay na preho nyong enjoy as friends, kasi as I said, maaring last day nyo na as friends yun.

Also, kung halimbawang ma-reject ka man nya, i-ask mo rin sya kung pwede pa rin kayong maging friends after what you told him. Kung kaya mo pa rin syang maging kaibigan after all that, then good for you. Kasi siempre, everything will be very different.

Good luck, HAYOK. Just be ready to have your heart broken, to be rejected, and to have a very different relationship from him after all this. Pero ok lang yun, kasi in rejection and heart break, that's where we learn. I don't see any other way how you're gonna let him know unless you tell him, di ba? (Unless reypin mo sya one night, pero respect him kasi friend mo nga sya eh).

On the other hand, malay mo, pareho pala kayo ng nararamdaman, eh di winner, di ba?

In love (teka, love mo sya di ba? Hindi lang tawag ng laman yan?), there are RISKS involved and you must be willing to take them as well as the consequences.

Good luck, HAYOK.

Like, nagmamahal,

Willow

Monday, November 13, 2006

Dear Willow

Dear Willow,

Ako ay isang treinta anyos na gwaping (sabi ng nanay ko). Kaninang umagang nag-aaplay ako ng pomada at sinusuklay ko ang aking malasutlang buhok, ayyyy, saklolo!!! May nakita akong puting buhok!!! Biglang nagulo ang aking isipan at may layf flashed before my eyes!!! Paano na ako ngayon, Willow? Hindi na ako pedeng magpanggap na college student! Pano nako makikipag-date sa mga taga ateneo at taga-UP? Paano na ang aking 18 anyos na boyfriend? Baka i-break nya ako!

Willow, tulungan mo ako!!!!

Nagmamahal,

Umaasang Babalik Ang Nakaraan


Dear UBAN,

Pers op ol, Bangag ka ba? Treinta anyos na nagpapanggap na tinedyer? Eh maski sa twilight zone hindi ako maniniwala sa sinasabi mo eh. Baka magpanggap kang teacher, pwede pa.

Ngayon, nag-aalala ka na baka iwan ka ng teenager mong jowa? EH ano ngayon? He's not worth it kung ganun. Komo't ba mukha ka ng lolo eh iiwan ka nya? Kapal nya no?

Ngayon, kung gusto mo talaga ng mga college na gwapings, eh ganito ang gawin mo. Bumili ka ng magandang kotse. I find na very attractive ang car accessory. You'll never fail, parati kang may gwaping na passenger, o di ba?

Or, magpanggap kang teacher (tutal mukha ka na rin lang matanda, eh lubus-lubusin mo na). Sabihin mo, ibabagsak mo sila kung hindi ka nila ida-date, o di ba?

Or, the easiest way eh magpakulay ka ng buhok. yung kulay orange, para magmukha ka na ring foreigner (taga Madagascar, hehehe). Tingnan natin kung hindi ka putaktiin ng mga gwapings. Pero sana wala ka pang mga peleges, kasi hindi ka rin lulusot.

Magsuot ka ng pantalon na very, very low waist. Kasi mga teenager lang ang malakas ang loob na magsuot nyan. Kaya kung magsuot ka nyan, siempre, iispin nila na teenager ka, kasi ang kapal naman kung sino mang magsuot nyan na lolo na di ba?

UBAN, sana good luck sayo. At parati silang mag-iingat sayo.

Love,

Willow





Wednesday, November 01, 2006

Chuva Lingo

Hay naku, lammo nyo ba, nung umuwi ako ng Pinas, ay feeling stranger talaga ang lola nyo, kasi hindi ko maintindihan ang bagong chuva lingo doon. Kaya hayan, tinulungan pa ako ng bespren ko na si Sisa para lang maghagilap ng mga bokabularyo.

Kayong nasa ibang bansa, pag-aralan nyo itong mga terminolohiya na ito at para pagdalaw nyo eh, hindi kayo out of place. Ok?

Maraming salamat kay Sisa sa pag-research nya ng mga katagang ito. Kayo ba dear fans, may mga alam ba kayong mga chuva lingo? Ipadala nyo naman sa lola Willow nyo. Promise, may libreng halik ang mga mag-se-send. He, he, he...

chuva/chuva tienes/tienelyn/anik-anik – kung anu-ano; kung anik-anik
chuva choo choo – (dis m not sure pero parang) lovey-dovey
korak /ko-rAAAk!/ - correct
hala /ha-la’/ - manlalake
boylet/fafa – syota
girl lalu – girl
paminta – pa-MEN/bading
pamintang durog – bading na bading
x-men – mga dating lalaki
echos/charot/charing/chika – kunyari lang, charing lang
tommy abuel/tom jones – guTOM na
winnie cordero – panalo/WINner
luz valdez – talo
evita peron – naiba ka
negrita peron – negra
cynthia – sino sya?
ititch – ito as in ‘ano ititch’?
bading garsu – bading

This page is powered by Blogger. Isn't yours?