Thursday, March 16, 2006
Rustom Padilla: I'm Gay
Natutuwa ako sa comment ng one (and only) reader ko na si Grace about the who's the best Darna:
Nakaktomboy ba talaga kagandahan nya? He, he, he... Isa lang ang napapanood kong movie ni Angel, yung Sigaw nga. Okey nga ang katawan nya. Mas sexy pa nga sya kay J-lo eh (para sakin ha?). Agree ako na sexy talaga sya. Actually, she's the sexiest young actress that I have watched so far. Pero, kay Ate Vi pa rin ako. Iba kasi ang appeal ni Ate Vi talaga.
Anywho, I'm sure walang tao sa Pinas na hindi nakakaalam sa ginawang revelation ni Rustom sa tv. Hahanga sana ako sa kanya, kaya lang, hindi. Bakit? Years ago, before his revelation, I have read numerous articles about his divorce with Carmina Villaroel. Parati nyang sinisisi si Carmina about the divorce. From what I gathered reading those articles, lumabas that Carmina is the bad one. Hindi lang yan, nung mag-open sya ng cosmetic store sa US, maraming tao ang nag-speculate about his sexuality tapos ang sagot nya pa eh something to the effect na, hindi komo't nagtayo sya ng cosmetic store eh bakla na sya.
Yknow, kung hindi tigas ang kade-deny nya noon at kasisisi kay carmina,baka humanga pa ako sa kanya. Pero, not really.
Tsaka, hello? Ginawa nya on national tv (Kaching!!! $$$).
Why did Carmina divorce Rustom (joke lang ito ha?).
1. Hinahanap ni Carmina ang paborito nyang thongs. Suot pala ni Rustom!
Carmina: bakit ba parati na lang mainit ang ulo mo lately?
Anywho. Whatever.
Wednesday, March 15, 2006
Things I Hate, Part 1
Kayo ba ay mga mga bagay na talaga namang nakakapanginig ng tumbong nyo? Ako, ay marami. Napakapasyente (patient) kong tao, pero ngayong umaga, ay, anak ng putakte, gusto ko ng sementuhan ang bibig ng isang ka-opisina ko.
Tang-ina, ganito yan, pag may isang tanong yan dun sa isa naming subject matter expert (SME), ay iha, at least isang oras ang tagal ng conversation. Magda-daldal na yan ng tungkol sa buhay nya at mga hinagpis nya sa trabaho. Ok lang sana kung sya lang ang kliyente nung SME namin, pero hinde! May tanong din ako pero hindi ako makasingit-singit dahil itong tilapyang ito ay panay pa rin ang hinaing. Kung buhay pa si Ate Helen eh susuko sa kumag na ito.
Kelan kaya magkaka-sore-throat ang bwiset na ito?
Tuesday, March 14, 2006
Ang Tanging Ina Film/Movie Review
"Ang babaing tatlo ang suso."
CAST: Ai Ai delas Alas, Marvin Agustin, Heart Evangelista, Nikki Valdez, Shaina Magdayao, Serena Dalrymple, Jiro Manio, Alwyn Uytingco, Tonton Gutierrez, Jestoni Alascon, Edu Manzano, Dennis Padilla, John Prats, Kaye Abad, Angelica Panganiban, & Introducing: Marc Acueza, Yuki Kadooka
KABADUYAN'S Audience has Increased by 100%!!! Opo from 1 audience to 2! It's time for a celebration! Mababaw lang naman ang kaligayahan ko eh. Maski isa lang ang nagbabasa ng mga rebyu ko, masaya na ako. Pero bonus, kasi dalawa na sila. He, he, he... In all seriousness, maraming salamat sa pagtangkilik mo, at mo, sa website na ito. Ito ang produkto ng sanga-sangang isipan ng isang tao, na walang magawa sa buhay kundi magtiis manood ng Pinoy movie. Para masabing Pinoy pa rin sya. Minsan siniswerte dahil maganda ang napapanood, minsan ay minamalas dahil walang kwenta ang napapanood. Pero nagtitiis pa rin para sa mga mambabasa na katulad mo at mo.
Tanging Ina's story as we see on tv, is the struggle of a mother trying to feed and raise her pups whatever it takes. Funny ang movie. Maski ano namang movie ang gawin ni Ai-ai eh funny. Impecabble ang timing nya.
Very epektib ang acting dito ni Heart as a spoiled bitch. Grabe, hangang-hanga ako. Parang totoong-totoo ang pag-arte nya as a suwail at swapang na anak. Biro mo, wala na nga silang pera eh gusto pang mag-debut. Talagang nagngit-ngit ako sa karakter nya dito. Gusto kong balatan ng buhay ang karakter nya at ihawin, ilubog sa itlog at gawing torta, para ipakain sa mga dinosaurs. Acting nga ba or for real? Hmmm... Pero ang pinakapaborit ko ditong scene eh nung Sampalin at kaladkarin ni Nikki Valdez si Heart. yehey! Sige pa Nikki, gulpihin mo ang mahaderang yan! Si Nikki ang pinakagusto kong ta-artits sa mga anak ni Ai-ai dito sa movie. Simple lang ang byuti nya at para syang mabait.
Funny ang movie, pero wag ka, makikita mo talaga kung paano magmahal ang isang ina. Gagawin nya talaga ang lahat para maitaguyod ang kanyang mga anak. Kaya kayo jan, mahalin nyo ang mga nanay nyo. Maski hindi mader's day eh ipakita nyong mahal nyo sya. Ako nga, maski sawang-sawa na ang nanay ko na marinig ang boses ko, sige pa rin ang pagtawag ko sa kanya. Pag nga gusto ko syang i-treat sa labas at ayaw sumama, aba eh pinapaamoy ko lang ng choloroform yan, tapos paggising eh nakaupo na sya sa sinehan o kaya nasa restaurant na. Ayaw pang sumama pero nag-eenjoy naman. He, he, he...
Ang rating ko dito sa movie? 4 Utots.
Thursday, March 09, 2006
MILAN Film/Movie Review
Cast: Piolo Pascual, Claudine Barretto
Ito ang unang-unang movie ni Piolo na napanood na ko. Hayyy, tita, makalag-lag thongs itong kagwapuhan ni Piolo. Napaka-innocent ng tsura nya at parang ang bait-bait. I think my guardian Cupid itong si Piolo dahil mababae or malalake eh talagang ma-iinlab sa kagwapuhan nya.
Milan is a story of a man who is left by her wife to go to Italy. He then sold all his possessions to go to Milan and find his wife. He met Claudine by accident. She helped him find her, but as time passes by, eh nagka-inlaban ang dalawang gwapa na ito and the rest is history.
Gusto ko ang story ng Milan. It's a common but not so common story. Pero the thing that sold me to this movie is Mr. Piolo Pascual. Ang galing nyang umarte! Grabe! He's so natural. Pag lumuha sya, asahan mong luluha ka (with matching uhog). Pag ngumiti, ay tita, mapapangiti ka rin. Sya na yata ang pinakamagaling na Pinoy actor na napanood ko. Ang galing nya, lalong-lalo na dun sa interview scene. Wala ng mas natural pa sa kanya.
Hindi lang yan, ayy, ang seksi ni Piolo. Ang liit ng bewang nya. Ang galing nyang magsuot ng damit. Mapapagkamalan mo syang Italiano eh. O di ba? Magaling syang mag-italian, mukha pang italian.
Hindi lang yan, kudos to him and Claudine for being so fluent in Italian. Believable ang mga italian dialogs nila. Siempre, kahanga-hanga di ba?
Bonus pa ang sights ng Italy. Kung hindi pa kayo nakakapunta ng Italy, at napanood mo ang movie na ito, ay asahan mo. Siguro nakaimpake ka na kinabukasan para pumunta sa Italy.
Ang isang bagay na hindi ko gusto dito sa film na ito eh yung pag nag-uusap si Claudine at mga housemates nya, eh panay ang sigawan. Hindi naman siguro bingi silang lahat di ba? I mean, bakit kelangan pang sumigaw. Kaya habang nanonood kayo nito, itago nyo lahat ng kristal nyo sa bahay dahil baka mabasag. Tsaka kelangan parati mong hawak ang remote control ng tv para macontrol mo agad ang volume pag nagsisigawan na sila.
I give this film 5 Utots. It's a must-see movie. I say, ito ang paborit kong Piolo movie so far.
Monday, March 06, 2006
DUBAI FIlm/Movie Review
"Let this be a lesson to you. Ang mga taong nag-iiwan ng video farewell ay either namamatay or naaaksidente."
CAST: Aga Muhlach, John Lloyd Cruz, Claudine Barretto, Pokwang
Excited akong gi-watch this film, kasi I read that it's a blockbuster! Tsaka after seeing Milan the movie, I was excited to see another Pinoy film that's made overseas.
DUBAI is a story about the struggles of two brothers and their desire to make or to not make their childhood dream come true.
So, magkapatid dito si Aga at si John. Na-orphaned sila noong bata pa sila, and they made a pact na by hook or by crook, pupunta sila sa Canada para matupad ang pangarap nila at ng kanilang Nanay. In fairness, bagay silang brothers ha? May hawig si John kay Aga. Pero di ba? Ang babaw ng pangarap nila ano? Gusto nilang pumunta ng Canada. Ayaw ba nilang maging astronauts or maging presidente ng bansa or maging doctor?
Eniwi, si Aga eh naunang pumunta sa Dubai para magtrabaho at mag-ipon ng papuntang Canada. While in Dubai, naging santo siya ng mga Pinoy doon. Para syang boyscout, parating handang tumulong sa mga nangangailangan, wala tuloy naipon ang ungas.
Si Claudine naman eh jowa ni Aga. Eh itong buset na si Aga eh napaka-Pabling. Parati nyang sinasaktan si Claudine (metaphorical sense). In the end, natuto din si Claudine, at binalingan si John na sobrang patay na patay sa kanya. Pinaglaruan nya si John. But the joke's on her kasi nabuntis sya ni John. So hindi makaka-stay si Claudine sa Dubai kasi patay sya (literally), dahil bawal pala ang mabuntis doon ng hindi kasal.
Tapos nalaman ni John na wala na palang balak pumunta sa Canada si Aga dahil masaya na sya sa Dubai, alam nyo ba kung anong ginawa ng walang utang na loob na si John? Pinagalitan nya si Aga at pinili nya ang Canada over him.
O, hindi ko na lang sasabihin ang ending ha?
Kung mahilig kayong manood ng mga films na set sa overseas location, eh this is a nice film to see. Parang gusto ko tuloy pumunta ng Dubai.
The pacing of the film was great. Hindi sya boring. Actually, I really loved Pokwang. Oo, sya ang bago kong paborit na ta-artists. Funny sya ha? Dapat magkaroon na sya ng film na sa kanya lang.
In terms of the story line, eh hindi ko type. Ang gusto ko sa mga films eh yung pagkatapos mong manood, eh mayroon kang inspiration or moral values na makukuha, and Dubai didn't give me a stinking shit. Bakit kanyo? Heto:
1. I can't believe na after Aga's paghihirap sa Dubai, at sa tinagal-tagal ng pagkakahiwalay nila ng brother nila, ipinagpalit sya ni John sa Canada. Napaka-ipokrito ng John na iyan. Granting na pangarap nila noong bata pa sila, pero ganun na lang ba ang pagpapahalaga nya kay Aga? Buti nga at nabangga ng truck ang walang utang na loob na John na yan.
What does it say about the Pinoy? Mas mahalaga ang makapunta sa ibang bansa kaysa makapiling ang kaisa-isang pamilya na sobra-sobrang nagmamahal sa yo. If it's about money, maiintindihan ko pa, pero with the film's scenario eh it's not about the money. Talaga lang baliw yang John na yan.
2. Kung hindi ba naman gaga yang si Claudine, hindi sya gumamit ng birth control noong nakipag-yes-yes-yoh sya kay John. Iha, mura lang ang condom. Para na rin makaiwas sya sa STD.
3. It's unfair na with Claudine and John's baby, parang inalisan ni claudine si John ng right sa bata. Dito natin makikita ang unfairness when it comes to child custody battles. I think John would be a better parent than you, Claudine.
Although gusto ko ang pacing ng movie, I have expected too much already, so parang a little bit disappointed ako sa movie na ito. Buti na lang at nandun si Pokwang to make this movie a little bit worthwhile.
Ang rating ko? 3 Utots. Although hate ko ang story, magaling naman ang mga ta-artits (lalo na si Pokwang) at scenic ang mga shots.