Thursday, March 16, 2006

Rustom Padilla: I'm Gay

(Photo taken from http://celeb1.pinoybigbrother.com)

Natutuwa ako sa comment ng one (and only) reader ko na si Grace about the who's the best Darna:

"bsta,bagay talga pra kay angel ang maging darna!perfect talga!pambenta ung katawan..especially d boobs...and d butt..hehe...and also her very perfect beauty!ung sa voice...ok lng...i lyk gel's voice talga!very unique...ang cute talga!typ ko talga xa..."

Nakaktomboy ba talaga kagandahan nya? He, he, he... Isa lang ang napapanood kong movie ni Angel, yung Sigaw nga. Okey nga ang katawan nya. Mas sexy pa nga sya kay J-lo eh (para sakin ha?). Agree ako na sexy talaga sya. Actually, she's the sexiest young actress that I have watched so far. Pero, kay Ate Vi pa rin ako. Iba kasi ang appeal ni Ate Vi talaga.

Anywho, I'm sure walang tao sa Pinas na hindi nakakaalam sa ginawang revelation ni Rustom sa tv. Hahanga sana ako sa kanya, kaya lang, hindi. Bakit? Years ago, before his revelation, I have read numerous articles about his divorce with Carmina Villaroel. Parati nyang sinisisi si Carmina about the divorce. From what I gathered reading those articles, lumabas that Carmina is the bad one. Hindi lang yan, nung mag-open sya ng cosmetic store sa US, maraming tao ang nag-speculate about his sexuality tapos ang sagot nya pa eh something to the effect na, hindi komo't nagtayo sya ng cosmetic store eh bakla na sya.

Yknow, kung hindi tigas ang kade-deny nya noon at kasisisi kay carmina,baka humanga pa ako sa kanya. Pero, not really.

Tsaka, hello? Ginawa nya on national tv (Kaching!!! $$$).

Why did Carmina divorce Rustom (joke lang ito ha?).

1. Hinahanap ni Carmina ang paborito nyang thongs. Suot pala ni Rustom!
2. Gumising si Carmina isang umaga, tapos nung i-ki-kiss nya si Rustom, may eyeliner pa!
3. Isang araw, nakita ni Rustom na kalat-kalat ang lisptick ni Carmina, sinita nya ito. "Carmina, ang lipstick mo kalat-kalat, ganito ang gawin mo..." Kinuha nya ang listick ni Carmina, inaapply sa sarili nya at he kissed the mirror. "O, na-gets mo na kung paano mag-apply ng listick?"
4. Tigang na tigang na si Carmina. Pag ina-aya nyang mag-yes-yes-yoh si Rustom sabi nya, "masakit ang ulo ko."
5. Minsan nag-aaway yung dalawa:

Carmina: bakit ba parati na lang mainit ang ulo mo lately?
Rustom: Pwede ba? May PMS ako!

Anywho. Whatever.
Mas malaki ang respeto ko sa mga baklang nakikita natin sa araw-araw. Sila talaga ang matatapang at malalakas ang loob. They want to show the world that there's nothing wrong with who they are. For that, my respect and kudos to them.

Comments: Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?