Monday, October 31, 2005

Happily Ever After, Review 2

“PLAYBOY KUBA” starring John Prats & Maxene Magalona

So ito yung second story sa film trilogy. When John made takas from one of her girl victims (playboy kasi ang ungas), pumunta sya sa probinsya where met the character of Maxene na tumakas din dahil pinipilit syang pakasal ng nanay nya sa isang taong hindi nya gusto. Maxene fell inlove with John, pero niloko lang pala sya ni John, so kinulam ng nanay ni Maxene si John at naging kapangit-pangit na kuba.

Una ang lahat, predictable ang story. Isang kita ko pa lang alam ko na ang ending. Pero I like this more than Multong Bakla kasi cute si Maxene at okay ang pag-arte nya as a lonely probinsyana. Ang morphing sequence dito ni John from a guy to an ugly kuba is good. Magaling ang effects (compared to other Pinoy films, anyway).

Ang ayoko lang dito ay siempre yung pagiging unrealistic ng flow ng story. Like yung tumakas si Maxene from her nanay tapos in a span of what, (days, weeks?), hindi man lang sya nakita eh ang liit lang naman ng probinsya nila. Tapos she fell inlove right away kay john. In short, magulo ang pacing ng story. Tapos nung pinalaya na si Maxene ng groom to be nya, eh bakit sa wedding day pa sinabi nung guy eh pwede namang noon pa para ligtas sila sa gastos at kahihiyan.

Anyway, as usual, what can you expect from Mother Lily's films? The usual na puro bobo ang mga characters sa film.

On the plus side, this is the best story in the Happily Ever After trilogy. For me, Maxene really pulls this story up.

My rating? 0.5 Utot.

“I LOVE YOU BABE” starring Rainier Castillo & Yasmien Kurdi

This is a story about a Romeo - Juliet type lovers. Ang iba nga lang dito pareho silang may jowa sa una, in the end sila rin.

Hay naku, buti kamo at wala akong baril sa bahay dahil habang nanonood ako nito eh gusto ko ng magpakamatay. Two words that describe this movie: Sigawan and Sayawan (ng wala sa lugar).

Akala ko makakatakas na ang film na ito sa usual formula ng Regal films na parating may sayawan at kantahan, pero HINDE! Grabe! Super-bakya ang film na ito. Andaming sayawan na hindi naman kelangan sa story, and in real life, sumasayaw ka ba ng wala sa disco bar?

Ang masasabi ko dito eh this has gotta be one of the WORST films that I have ever seen. Kung retarded ka at medyo maluwag ang turnilyo mo eh maeenjoy mo ang film na ito. Otherwise kung normal na tao ka naman eh, be strong dahil you'll either have this urge to shoot the tv or to shoot yourself. Buti pa, to save yourself the trouble, wag mong bibilhin ang DVD/VCD na ito (maski sobrang mura) dahil baka umiyak ka lang sa frustration. Maski rent, wag ka ng mag-abala, dahil sayang ang pera mo. Maski hiramin mo sa kebigan, wag na rin, dahil baka pagtawanan ka lang nya.

Ang rating ko? Pwede ba? It's not worth anything maski isang mahina at pilit na utot!


Tuesday, October 25, 2005

HAPPILY EVER AFTER, Review 1: Multong Bakla (Ay Papa, papatayin kita!)


Dapat sana ang papanoorin kong DVD ay "Bahay ni Lola 2" pero medyo nakakatakot (kasi gabi na) kaya "Happily Ever After" muna daw ang panoorin namin.


Pagkakita ko pa lamang kung anong film company ang nag-produce (Regal Films), naisip-isip ko, ano kaya ito? Meron na namang song and dance number sa beach? O sa piknikan?

Ang story ng Multong Bakla is about a pair of Romeo and Juliet-type lovers (parents do not approve) who had an encounter with a couple of ghosts who didn't know that they're already dead (Sixth sense, gaya-gaya, hohum...).

So heto nga, ang "Multong Bakla" ang unang film sa trilogy na ito. Ilang minuto pa lamang akong nanonood eh, nasusuka na ako sa kapangitan ng pelikulang ito. Sigawan ng sigawan ang mga characters. Ang pag-arte nila ay halatang nagpapatawa na trying hard at hindi natural. Puro over-actors kumbaga. Hindi rin appealing ang lead actor at actress (Sila Tyron Perez at Nadine Samonte). Walang x-factor. Para lamang pinulot sila jan sa tabi-tabi. Ang medyo nagustuhan ko ng katiting dito ay ang pag-acting na bading ni Keempee de Leon.

Tsaka magkano ba ang budget ng pelikulang ito? Bente Pesos? Namputsa, hindi man lang dinagdagan ng mga ghostly special effects ang multong characters. Ang paglutang ni Keempee sa pelikula ay hatalang may lubid. Ang pagsalaysay ng story eh kapangit-pangit. Saan ba kumuha ng writers at director si Mother Lily for this film? Sa Mental?

Kung may balak kang panoorin ang pelikulang ito eh siguraduhin mong lasing ka o kaya eh inaantok ka. Yun tipo bang siguraduhin mong hindi ka mag-iisip habang pinapanood mo ito, dahil maloloka ka lang.

Mother Lily naman, sa tinagal-tagal mo sa film business eh hanggang ngayon eh gumagawa ka pa ng ganitong pelikula? Maawa ka naman sa mga viewers. Mas malaki naman ang utak nila kesa sa utak ng garapata.

Ang rating ko dito sa Multong Bakla? 0.1 to the negative 12 power, Utot.


Monday, October 17, 2005

M.Y.M.P.: Karaoke ang Dating


So heto, na-curious ako sa grupong M.Y.M.P kasi sikat na sikat sila. Ang taas ng sales ng album nila. So nagpabili ako ng album. Heto nga, yung "Beyond Acoustic" two-disk set ang nabili ng Tita ko. Excited na excited akong pakinggan. Namputsa! Puro remakes lang pala ang mga kanta. In-short, karaoke. Okay lang sana kung mag-remake sila tapos very original ang dating. Yun bang iisipin mong hindi remake yung kanta. Yung naging kanila talaga ang kanta. Pero HINDE!!! The only difference is, acoustic versions ang nasa album nila. Pati boses ni Tracy Chapman eh ginagaya. Wala talagang originality. Pati production ng album eh hindi maganda. Hindi balanced ang sounds ng boses at instrumento.

Eh bakit mataas ang sales ng album nila? Sad to say, maraming bakya sa Pinas. Eh kung ako ngang baduy eh sobrang nababaduyan sa album nila. I'm sure yung bumili ng mga album nila eh yung mga bumili rin ng album ng April Boys. Yung mga super-bakya.

Wala kasi akong respect sa mga "musicians" na nagre-remake ng mga kanta na walang originality. Pumunta ka sa maski saang karaoke bar at mas maganda pang pakinggan kesa sa M.Y.M.P. Ano bang ibig sabihin ng M.Y.M.P? Make Your Maids Proud ba?

On the plus side, mas gugustuhin ko naman makinig sa M.Y.M.P kesa sa makinig kay AShlee Simpson. Lesser of the two evils kumbaga.

Anong rate ko dito sa album nila? 0.001 Utot.


Wednesday, October 12, 2005

Kitchie Nadal: The Rock n' Roll Princess


I didn't know Kitchie Nadal before, but I often saw her name when people talk about music in the Internet. They say nothing but good things on her first solo album. Not just that, they rave about how "cute" and pretty she looks. I also saw that her album has been number one in Manila for the longest time.

So, I got curious. Who is this Kitchie Nadal gal? What's the fuss about? Is she really as good as they say? Maybe she's just one of those singers whose looks overshadows her talents, that's why people buy her album.

So I got her album "Kitchie Nadal." Boy! Am I mistaken. Kitchie is one of the best local musicians/singers I have ever heard. She could sing an English and a Tagalog song without effort. The production and arrangement of the songs in her album "Kitchie Nadal" is one class act. The closest I can get to describing her music is, it's a lil bit Cranberries-esque. But of course, Kitchie has a style all her own.

And who could not love a pretty girl who writes her own music and plays her own instruments? A prepackaged product she's not!

The cd that I bought has a bonus VCD with 4 videos. The videos are ok. It's not high-budget but at least you'd know that they really intended to shoot videos not scrap a bunch of home videos to make a music video.

I llloovvveee this album. She has the voice of an angel, a rock n' roll angel. You can almost be hypnotized by her voice.

I give this album "5 Utots". The highest of all my ratings. Kitchie might have a pretty face, but her talent sure does overshadows it, and she is very pretty. Bilhin ko pa rin album nya maski kamukha niya kili-kili ng buntis. Ganyan sya kagaling.


Monday, October 03, 2005

Bamboo: Light Love Peace


So heto, sa wakas, meron na ako ng "Light Love Peace." 2nd album ng Bamboo. Unang dinig ko, siempre wow, ang galing talaga ng boses ni Bamboo. Wala talagang katapat. Kaya lang, habang nakikinig ako sa album nila, nabo-bored din ako. Ewan ko, biased na siguro ako. Nasanay kasi ako sa mga upbeat pop tempo ng RiverMaya noon. In denial pa talaga ako na Bamboo has moved on.

Iisa lang ang Tagalog song, kaya naisip ko, siguro mandatory lang talaga na magkaroon maski iisang Tagalog song, otherwise, puro Inggles ang kanta nila.

Kung mga melodies ang pag-uusapan, so-so lang. Ibig kong sabihin wala namang kantang pag narinig mo sa unang dinig, alam mo talagang mag-hi-hit.

Sa mga kataga naman ng kanta, nakaka-depress. Ito yata ang "madilim" na panahon ng banda. Sa totoo lang, hindi ako maka-relate, hindi kasi typical yung mga istorya ng mga kanta. Sa panahon ngayon, hindi ako masyadong nakikinig pag malungkot ang mga kataga, mas lalo kasi akong nalulungkot. Mas mabuti pang in-denial na lang ako.

Pero kung produksyon naman ang pag-uusapan, maganda naman ang pagkakagawa ng album. Okey ang sound.

Heto nga pala ang rating ko:

5 Utots = Ungas ka ba? Ano pang hinihintay mo? Bilhin mo na!!!
4 Utots = Gago, bilhin mo ito, hindi sayang ang pera mo.
3 Utots = Para sa mga loyalists ito.
2 Utots = Baka magsisi ka.
1 Utot = Ulol! Tanga ka ba? Sana ipinambili mo na lang ng tinapay pera mo.

Ang rating ko ng "Light Love Peace" = 3 Utots

English Version:

At long last, I have the chance to procure the much-anticipated 2nd album of Bamboo. My first observation was, Bamboo's voice is unparalled. He's the best. But as I listened to their album, I got bored quite easily. I dunno, maybe I'm still biased. I still compare them to RiverMaya. I got used to Bamboo singing the upbeat pop tempos songs of RiverMaya. I'm still in denial that Bamboo has moved on.


There was only one Tagalog song, which makes me think that that song was only a mandatory, otherwise, they would've written an all-English Album.

If we are talking about the songs' melodies, there is really nothing that jumps up on you the first time you hear it.

With regards to the lyrics, they are too depressing for my taste. I think this the band's "dark phase." I cannot really relate, for the stories are not typical. At this day and age, I'd rather be in denial than listen to depressing songs, it makes me more depress.

If we are talking about the production values of the album, it's good. The instruments and the voice go hand-in-hand.

Here is my ratings scale:

5 Farts = Are you out of your fucking mind? What are you waiting for? Buy this!
4 Farts = Idiot! Buy this, it's worth your money.
3 Farts = For Loyal fans only.
2 Farts = You'll be sorry
1 Fart = You're fucking crazy man. You should've used your money to buy food.

My rating of "Light Love Peace" = 3 Farts


This page is powered by Blogger. Isn't yours?