Tuesday, September 13, 2005

Welcome Moira Yna Grace A. Cruz!!!

Congratulations kay Mr. and Mrs. Jermaine and Anna Cruz for the birth of their first baby, Moira Yna Grace A. Cruz!!!

Anna and Moira are doing fine. Bale Sept. 13 ang birthday ni Moira. She started coming out of her mother's womb at 1:30 pm, Australian time. Kaya lang, kelangan pa rin ng ceasarian eh.

Wow! Full-pledged Aussie si Moira! Yay, mate!

Best wishes to the Cruise, este, Cruz family!

Wednesday, September 07, 2005

Luha ng Pasko (Tears of Christmas)

Aba, ber na pala. Ang simoy ng hangin ay bumubulong na naman ng Pasko.

Huwag nyong kalilimutang alalahanin ang mga mahal nyo sa buhay na nagkakakuba-kuba na sa pagtratrabaho sa ibang bansa. Ang Pasko na yata ang pinakamalungkot na araw sa buhay nila dahil malayo sila sa lupang sinilangan at mga mahal sa buhay.


Kung sila'y inyong aalalahanin, huwag namang puro regalo ang hingin. Hindi sila bangko 'no? Magkwentuhan at magchikahan, yan ang gawin. Kung kayo'y kuripot at hindi makatawag sa kanila, mag-email or mag-text, o kaya'y mag-voice chat sa yahoo.

Kailangan nila ng kalinga at pansin paminsan-minsan, lalo na ngayong magpa-pasko. Ano pang hinihintay nyo? Magpadala na ng krismas kard!!!

English:

Hmmm... It's ber months again. It's almost Christmas.

Don't forget to remember your loved ones who break their backs working abroad. Christmas is the lonesliest times for them because they're away from their loved ones and country.


When you remember them, don't ask for gifts and such. They're not a bank, yknow. Catch up with each other's lives, that should be the motto. Or if you're a cheapskate to call them on the phone, use email, texting or yahoo voice chat.

They need your attention and love, especially this Christmas time. What are you waiting for? Write them Christmas cards now!!!


Thursday, September 01, 2005

Ang Bibingkang Itlog,Bow (The Egg Bibingka, Bow)

Ako'y talagang namamangha at konti lang ang taong may alam kung ano ito. Sayang na sayang dahil ito ang isa sa pinakamasarap na pagkain na nakain ko.

Por yer impermesyen, ang bibingkang itlog eh delicacy sa Lumban, Laguna. Nakapunta na ba kayo sa Lumban, Laguna? Kung nakapunta na kayo sa Pagsanjan eh isang sakay na lang, nasa Lumban na kayo. Kung hindi ako nagkakamali eh para syang isang malaking omelet na mula sa penoy (yung bibingkang itlog hindi Lumban, Laguna). Kaya naman super-sarap.

Maliit na bayan lang ang Lumban, katunayan, kaya kong lakarin yun mula simula hanggang dulo kung hindi ako nagkakamali. Kung tamad ka naman eh magtraysikel ka na lang.

Pero kung kayo's kyurius (o walang magawa sa buhay), bisitahin nyo ang Lumban, Laguna at tikman nyo ang bibingkang itlog. Ipagtanong nyo lang kung saan kayo makakabili ng "purong" bibingkang itlog. Wag nyong kakalimutan ang salitang "puro" kung kayo'y maghahanap nito.

Habang nandun kayo sa Lumban eh bumili na rin kayo ng barong tela o barong tagalog dahil ito ang pinaka-export ng mga tagadito. Makakatipid pa kayo ng malaki, siempre, walang gitnang mama (middle-man) eh.

English.

It really amazes me that only a few people know what the egg bibingka is. It's sad because it's one of the most delicious food that I have ever tasted.


For your information, the egg bibingka is a delicacy in Lumban, Laguna. If you have ever been to Pagsanjan, then it's only a jeepney ride away.

Lumban is a small town. I think I can walk from beginning to the end of the town, if I'm not mistaken. But if you're a lazy-ass then ride a tricycle.

If you're curious (or you have nothing else better to do), visit Lumban, Laguna and taste the egg bibingka. When you're there, just ask anyone where you can buy "Pure" egg bibingka. Do not forget to mention "pure". Pure is the best kind.

While you're there in Lumban, go ahead and buy barong tagalog. It's Lumban's main export. Of course, you'll save a lot because there's no middle-man.


This page is powered by Blogger. Isn't yours?