Thursday, September 01, 2005

Ang Bibingkang Itlog,Bow (The Egg Bibingka, Bow)

Ako'y talagang namamangha at konti lang ang taong may alam kung ano ito. Sayang na sayang dahil ito ang isa sa pinakamasarap na pagkain na nakain ko.

Por yer impermesyen, ang bibingkang itlog eh delicacy sa Lumban, Laguna. Nakapunta na ba kayo sa Lumban, Laguna? Kung nakapunta na kayo sa Pagsanjan eh isang sakay na lang, nasa Lumban na kayo. Kung hindi ako nagkakamali eh para syang isang malaking omelet na mula sa penoy (yung bibingkang itlog hindi Lumban, Laguna). Kaya naman super-sarap.

Maliit na bayan lang ang Lumban, katunayan, kaya kong lakarin yun mula simula hanggang dulo kung hindi ako nagkakamali. Kung tamad ka naman eh magtraysikel ka na lang.

Pero kung kayo's kyurius (o walang magawa sa buhay), bisitahin nyo ang Lumban, Laguna at tikman nyo ang bibingkang itlog. Ipagtanong nyo lang kung saan kayo makakabili ng "purong" bibingkang itlog. Wag nyong kakalimutan ang salitang "puro" kung kayo'y maghahanap nito.

Habang nandun kayo sa Lumban eh bumili na rin kayo ng barong tela o barong tagalog dahil ito ang pinaka-export ng mga tagadito. Makakatipid pa kayo ng malaki, siempre, walang gitnang mama (middle-man) eh.

English.

It really amazes me that only a few people know what the egg bibingka is. It's sad because it's one of the most delicious food that I have ever tasted.


For your information, the egg bibingka is a delicacy in Lumban, Laguna. If you have ever been to Pagsanjan, then it's only a jeepney ride away.

Lumban is a small town. I think I can walk from beginning to the end of the town, if I'm not mistaken. But if you're a lazy-ass then ride a tricycle.

If you're curious (or you have nothing else better to do), visit Lumban, Laguna and taste the egg bibingka. When you're there, just ask anyone where you can buy "Pure" egg bibingka. Do not forget to mention "pure". Pure is the best kind.

While you're there in Lumban, go ahead and buy barong tagalog. It's Lumban's main export. Of course, you'll save a lot because there's no middle-man.


Comments: Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?