Friday, December 29, 2006

Metro Manila Film Festival 2006 (32nd MMFF)


Helllooo, dear pipol. Pasensya na at ngayon lang ulit ako sumulpot. Pumanaw kasi ang isa kong pinakamamahal sa buhay noong Pasko time at siempre, na-depress ang lola nyo. Pero dahil mahal na mahal ko ang aking fans, pinilit kong isulat at mag-comment sa results ng nakaraang Film Fest:


1. Best Supporting Actress - Gina Pareno (Kasal, Kasali, Kasalo)

Well deserverd naman si Tita Gina. Hello??? Eh isa sya sa batikang actress no? Ang chekchi ni Tita Gina today, ha? Biro mo, apat na ang apo eh very byutipul pa rin sya. Congrats Tita!!!

2. Best Screen Play, Most Gender Sensitive Film, Best Director, 2nd Best Picture - Jose Javier Reyes, Kasal, KAsali, Kasalo.

Although hindi ko pa napapanood ang movie, tried and tested na ang experience nitong si Tito Joey. Tsaka magaling sya talagang gumawa ng scripts. And Hello??? Star Cinema kaya ang producers, kaya siguradong maganda. Alam nyo naman ang lola nyo, malaki ang tiwala ko sa Star Cinema.

Noong tanggapin ng Star Cinema ang 2nd Best Picture, para yatang masama ang loob ni Tita, kasi ba naman, tumabo sila ng maraming awards, pati Best Director tapos 2nd best picture lang sila? Parang may milagro di vah?

3. Best Picture - Enteng Kabisote 3

Ayyyy tita, parang gusto kong pumatay ng banggitin ang best picture. Helloooo? Eh, napanood ko ang Enteng Kabisote 1 and 2 at talaga namang gusto ko ng mag-suicide habang nanonood ako kasi dahil sa senseless plot, stupid acting at pathetic special effects. I'm sure that EK3 doesn't differ, tapos Best Picture???

Ni-explain naman ni Tito Edu Manzano na ang 40% ng Best Picture criteria eh Box Office Returns. Kung totoo nga ito, eh expect Enteng Kabisote to win the Best Picture award year after year. Dapat i-donate nila ang proceedings the film to orphanages or something kasi kaya sila box-office winner eh dahil sa mga bata no?

So in short, the Best Picture award really means nothing. Yung criteria na yan, I think it's the most stupid and ill-thought of criteria in the history of best picture. Gumawa na lang sila ng People's Choice Awards no?

4. Best Actor - Cesar Montano (Ligalig)

Grabe naman si Kuya Cesar, sa kanyang acceptance speech, panay ang pasalamat sa mga endorsers nya. Hindi ko tuloy maintindihan kung nanonood ako ng MMFF or commercial.
PEro really, nanalo sya by default kasi wala naman magaling na actors sa list eh.

5. Best Actress - Judy-Ann Santos (Kasal, Kasali, Kasalo)

Here again, nanalo sya by default, josko eh sino-sino ba naman ang mga nominee, biro mo, apat na actress from Shake, Rattle and Roll 8 ang nominees? It's a fucking joke. Bakit sa Oscars ba eh by default nominated lahat ng actress sa lahat ng films na kasali? Siempre, dapat piling-pili di ba?

In conclusion, the MMFF was katawa-tawa. GOne are the days when "just being nominated is an honor itself." Wala, hindi honor. This award show is a joke. The only consolation that we get from this is that we get to watch a lot of Pinoy films. Dapat i-change na nila ang MMFF. Dapat ang mga nominees ay piliin from all the films that were shown that year, hindi kung sino lang yung nag-submit. Kasi imagine, 4 Regal Film movies were kasali? Hellooo? When was the last time that Regal Films did a good film? Hmmm... How about NEVER. Kung i-kukumpara mo ang MMFF sa ibang film award giving body ng ibang bansa, ay josko, nakakahiya talaga. Not the award show itself, but the quality of films that were nominated. Helllloo??? Kung pumili sila ng movies that were shown all thru-out the year, mas ok pa. Remember SUKOB? It's only one of the best horror Pinoy films ever, and it should be included. How about the D'LUCKY ONES? One of the best comedies and well-acted films in Pinoy cinema.


Comments:
Haay. I'm sure my dayaan nanaman jan sa film fest na yan.

JUICE KO! Every year naman eh!

Hi Willow! :)
 
Hi din Bam. Ganda naman ng nickname mo. Mas cute kung Bam-bam. Parang yung sa Flintstones.
 
Judy Ann won kasi she's good! How come they didn't nominate those people from Mano Po? Maybe talagang walang magaling sa kanila. Kasi for sure naman they pick someone na kapansin-pansin ang acting.
 
Anonymous, I agree, Juday is a good actress, kaya lang di ba mas masarap ang victory kung ang kalaban mo ay talagang mga batikang artista? Kasi parang kainsu-insulto sa talent nya ang mga kalaban (most of them) nya eh.
 
Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?