Wednesday, September 13, 2006

Lab En Kisses

Lab En Kisses Film/ Movie Review (1997)

CAST:

Vina Morales - Kisses
Vic Sotto - Lab
Yoyong Martirez
Don Pepot
Beth Tamayo
Rez Cortez

PLOT:

Lab is a woman-hater who by chance crossed path with Kisses, a woman who's running away from the man who wishes to marry her by force.

So si Vina, taga-Cebu. On her wedding day, tumakas sya kay Rez, kasi ni-fo-force syang pakasal dahil sa utang ng Uncle nya. With her tsimoy, napadpad sila sa Manila at na-meet nya si Lab, a woman-hater.

Mga Like Ko sa Movie:
  • The main reason nagtiis ako na panoorin itong movie eh si Vina. Fan ako ng muscles ni vina eh. Maskulada sya pero fit na fit sya ha?
  • Of all the movies where Vic is concerned, dito lang yata sya hindi masyadong sexist at chauvanistic pig (Himala!)
  • Nabili ko sya for P99!!! Oh di ba? Sino ba namang hindi matutuwa nyan?


Mga Hate Ko sa Movie:

  • I hate the fact that a monster like Rez is forcing to marry a woman who doesn't love him. Kadiring isipin di ba? Kung ikaw yung pinipilit pakasal sa lalaking hindi mo mahal, eh di sa honeymoon nyo, rape ang tawag dun di ba? Diyos na mahabagin!!! Helllooo? It's the new milleniuem na no? Kayo dear fans na mga babae, wag kayong papakasal sa hindi nyo mahal ha?
  • Ang corny ng mga jokes. Yung tipo bang nanonood ka, tapos ngingiti ka ng konti, tapos bitin! Walang super-funny scene dito.
  • Ang pangit ng story at predictable. Lammo, ngayon ko lang na-realize na ang mga movies ni Vic eh parating involved ang mga goons at ang mga bidang babae eh nagtatago. Ayaw nyong maniwala? Sige, mag-re-review pa ako ng non-fantasy na movie ni Vic at tingnan nyo, iisa ang plot ng story.

Main message of the movie (which hindi nyo dapat sundin, kundi, sa next life eh bumalik ka bilang almoranas):

  • Pag ikaw nabaon sa utang, isanla mo ang anak/ kamag-anak mong babae

My verdict? 1 Utot. zero sana, pero like ko si Vina o eh di sige.


Comments:
himala. . . nakabalik na po pala kayo. kala namin e tuluyan mo nang iniwan ang sayberspeys. welcum bak po.
 
Ano, pede ko ba naman ikaw iwan? Eh labs na labs ko ang mga fans ko eh!!! Sa Pinas ka ba, sayang, hindi tayo nagkita nung nandun ako. Di sana nabigyan kita ng kiss.
 
di ba naman kiss of death yan WILLOW? kasi ang lupet mo mag-review. sayang wala rin po ako sa 'pinas. nasa singapore po ako at tuwing may maganda kang rebyu bumibili ako ng VCD/DVD. ganyan ka kalakas. . . ambangiisss mo talaga!
 
Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?