Wednesday, September 20, 2006

Sharon Cuneta, The Greatest Hits


Sharon Cuneta The Greatest Hits, Sharon at 20

Mga Kanta:

1. P.S. I Love You
2. Bituing Walang Ningning
3. Pangarap Na Bituin
4. Sana'y Maghintay Nang Walang Hanggan
5. Kahit Wala Ka Na
6. Bakit Ikaw Pa Rin
7. Kailangan Kita
8. Sana'y Wala Ng Wakas
9. Kapantay Ay Langit
10. Maging Sino Ka Man
11. Ikaw Lang At Ako
12. One Last Time
13. Now That You're Gone
14. Sa Kabila Ng Lahat
15. Kumusta Ka
16. Ikaw
17. Minsan Pa
18. Nang Iniwan Mo Ako

Mga Like Ko Sa Album:


  • Sharon Cuneta's Singing Voice. Ate Shawee for me is the greatest singer of all time of Tagalog songs. Grabe!!! Ang ganda-ganda ng boses nya. Kayang-kaya nyang maging alto then suprano in all one song. Hindi lang yan, punum-puno ng damdamin ang pagkanta nya. Talagang nanggagaling sa puso. Kung Makikinig ka sa mga kanta nya, talagang mararamdaman mo ang damdamin ng nagsulat ng kanta. There is no better singer than Ate Shawee!!! I love you Ate Shawee!!!

  • The Songs. Panay magaganda ang mga songs dito. Ang pinaka-notable ay kay Willy Cruz. The lyrics, the melody, the arrangements, the instruments... Perfecto ang mga kanta. Hayyy... Ilang araw ko na silang pinapakinggan

Mga Hate Ko sa Album:

  • Wala. Pero sana nilagyan nila ng lyric sheet ang cd. Hindi tuloy ako makasabay kay Ate Shawee.

My verdict? 5 Utots. Wala ng gaganda pa sa boses at arrangements sa mga songs dito. Hayyyy... Talagang maaantig ang damdadamin mo. Maski pusong-bato ka, magiging pusong mamon ka.


Monday, September 18, 2006

D'Lucky Ones


D'Lucky Ones Film/ Movie Review (2006)
Directed by: Wenn V. Deramas
Written by: Theodore Boborol and Rose Colindres (screenplay)

Genre: Comedy

CAST:

Sandara Park .... Lucky Girl
Joseph Bitangcol .... Lucky Boy
Eugene Domingo .... Tina
Pokwang .... Lea
Candy Pangilinan
Janus del Prado
Franzen Fajardo .... Jose
Carla Loren (as Carla Humphries)
John Vladimir Manalo .... Young Lucky Boy
Eliza Pineda .... Young Lucky Girl
Racquel Reyes
Jon Santos
Vilma Santos .... Herself
Nikki Valdez
J.R. Valentin

Allo dear fans!!! Kumusta ang weekend nyo? Siguro kung anu-ano na namang kabulastugan ang mga pinaggagawa nyo ano? Oo na, alam ko naman na ang mga nagbabasa ng blog na ito ay mga pervert, manyakis etc.

PLOT:

D'Lucky Ones is an Ode to Vilma Santos movie. Pokwang and Eugene are two die-hard fans of vilma who's lives and loves have been influenced by the star for all seasons.

Kung napanood nyo lahat ng mga movie ni Ate Vi, ay tyak na super-super enjoy kayo sa movie na ito. Hindi ako masyadong maka-relate sa ibang jokes kasi hindi ko naman napanood ang mga movie ni Ate Vi, pero this movie is one hell of funny!!! Dahil sa movie na ito, pinakyaw ko ang mga classics ni Ate vi! Wait for the following review to include some of 'em.

Mga Like Ko sa Movie:


  • The chemistry between Pokwang and Eugene. These two ladies complement each other. Para talaga silang mag-bff (best friends forever)! Lammo yun, walang nagpapatalbugan. Ang galing ng mga punchlines at mga jones dito!

  • The Concept. Di ba sa totoong buhay, ganun naman talag ang ginagawa natin di ba? Pag may paborito tayong line sa movie, we use it in real life. Dito sa movie na ito, they took it to the extreme!!! Very well done.

  • The Dance-off between Pokwang and Eugene. I think this is the funniest scene in the movie. Grabe!!!

  • The drama scene with Pokwang. This is the first time that I've scene her in a drama scene. Naantig ang damdamin ko no?

  • The direction. This movie is well-directed. The scenes, the shots, the punch-lines, the costumes, great job Kuya Wenn.

Mga Hate ko sa Movie:


  • Joseph Bitangcol. Pede ba, magpagupit sya? Hindi bagay sa kanya ng haircut nya no? Mukha syang bading. Hindi ko tuloy alam kung leading man sya or leading lady. Hindi sya magaling umarte. Parang punung-puno lang ng yabang ang lalaking ito.

  • Sandara Park. Pede ba, gasgas na yung theme nya na Koreana na parating kinakawawa. It was done in "Can This Be Love," tama na ang isa no?
My verdict? 5 Utots, antuk na antok nako ng pinapanood ko ito eh, pero nagising ako sa katatawa!



Friday, September 15, 2006

Sana'y Wala Nang Wakas


Sana'y Wala Nang Wakas Film/Movie Review (1986)

Directed by: Leroy Salvador
Co-written by Emmanuel H. Borlaza
Genre: Drama


CAST:

Sharon Cuneta - Bianca
Dina Bonnevie - Camille
Cherie Gil - Monique
Dindo Fernando
Tonton Gutierrez
Jay Ilagan
Rez Cortez
Zsa Zsa Padilla (extra lang)
Rosemarie Gil
Jeffrey Santos
Manny Castaneda

PLOT:

Sana'y Wala Nang Wakas is a story of a group of friends who when fame has finally come to them, has ripped their friendship apart.

So yun nga, this a story of the Tatlong Penoy, este, "Friends" (ay josko, ambaddduyyy ng pangalan ng singing group nila!!!), na mala-Supremes ang dating. They did everything para maabot ang tuktok, pero nagselosan ang mga bitches (lalo na si Cherie) at nagka-break apart sila.

Mga Hate ko Sa Movie:
  • Dina's singing. Ay, tita Dina, buti pa, gumawa kayo ng album ni Ate Ness (Alma
    Moreno), kasi magkasing-level kayo ng "singing" talent eh. Grabe, bakit si Dina pa ang
    ginawa nilang 3rd member, marami namang pede jan na marunong kumanta ah? Sana si
    Fanny Serrano na lang kinuha nila. O, mas vonggah di ba?
  • Sumikat ang group, pero puro remakes ang kanta. Sino ba naman ang maniniwala jan?
    Hindi realistic di ba? Kung gusto kong marining ang "The Greatest Love of All,"
    bibili ako ng plaka ni Whitney Houston no?
  • The Tonton and Sharon scene collages. So nakapunta sila sa Taal Volcano, sa tagaytay,
    sa antipolo, nag-jetskiing sila etc.. all in few hours??? Ano ba yan? Unless may
    time machine sila na pede nilang i-rewind ang oras, eh posible pa yun no?
  • The cinamatography. Nung una kala ko horror movie ito, eh kasi naman ang dilim ng mga
    shots no? Tapos minsan mukhang masisira pa yung mismong film. Helloo??? Kung lilipat
    nyo sa DVD/VCD ang pelikula, i-remaster nyo muna no? Eh pirated quality eh!!! Sayang
    ang pera ko. Sana hinintay ko na lang ipalabas sa tv.
  • The technical qualities of the film itself. The directing was atrocious. The scenes
    were haphazard and not well-thought of. Kung si Lino ang nag-direct nito, tyak na
    super-ganda. Nasayang ang story. May potential pa naman maging Classic itong movie na
    ito. Sayang na sayang.
  • Tonton's acting. Pano ba naging ta-artits ang kumag na ito? Eh magaling pa ang mga
    mimes dito umarte eh!!! Pede sya kung manekin ang character. Swak na swak!


Mga Like ko Sa Movie:

  • The acting of Dindo Fernando. Ang galing nya dito as a dying father who doesn't wanna
    bother her kids about his terminal illness. Minsan nga, medyo napapaiyak ng konti ang
    ilong ko eh. Very realistic and heart-thugging.
  • Ate Cherie. Ewan ko lang kung may mas gagaling pag villain kay Ate Cherie. She's
    amazing!!!
  • The theme song. Willy Cruz eh! I love you Tito Willy!!!

My verdict? 3 Utots. Para sa mga die-hard Ate Shawee fans lang ito. This movie had a
lot of potentials, but it sucked technically.


Wednesday, September 13, 2006

Lab En Kisses

Lab En Kisses Film/ Movie Review (1997)

CAST:

Vina Morales - Kisses
Vic Sotto - Lab
Yoyong Martirez
Don Pepot
Beth Tamayo
Rez Cortez

PLOT:

Lab is a woman-hater who by chance crossed path with Kisses, a woman who's running away from the man who wishes to marry her by force.

So si Vina, taga-Cebu. On her wedding day, tumakas sya kay Rez, kasi ni-fo-force syang pakasal dahil sa utang ng Uncle nya. With her tsimoy, napadpad sila sa Manila at na-meet nya si Lab, a woman-hater.

Mga Like Ko sa Movie:
  • The main reason nagtiis ako na panoorin itong movie eh si Vina. Fan ako ng muscles ni vina eh. Maskulada sya pero fit na fit sya ha?
  • Of all the movies where Vic is concerned, dito lang yata sya hindi masyadong sexist at chauvanistic pig (Himala!)
  • Nabili ko sya for P99!!! Oh di ba? Sino ba namang hindi matutuwa nyan?


Mga Hate Ko sa Movie:

  • I hate the fact that a monster like Rez is forcing to marry a woman who doesn't love him. Kadiring isipin di ba? Kung ikaw yung pinipilit pakasal sa lalaking hindi mo mahal, eh di sa honeymoon nyo, rape ang tawag dun di ba? Diyos na mahabagin!!! Helllooo? It's the new milleniuem na no? Kayo dear fans na mga babae, wag kayong papakasal sa hindi nyo mahal ha?
  • Ang corny ng mga jokes. Yung tipo bang nanonood ka, tapos ngingiti ka ng konti, tapos bitin! Walang super-funny scene dito.
  • Ang pangit ng story at predictable. Lammo, ngayon ko lang na-realize na ang mga movies ni Vic eh parating involved ang mga goons at ang mga bidang babae eh nagtatago. Ayaw nyong maniwala? Sige, mag-re-review pa ako ng non-fantasy na movie ni Vic at tingnan nyo, iisa ang plot ng story.

Main message of the movie (which hindi nyo dapat sundin, kundi, sa next life eh bumalik ka bilang almoranas):

  • Pag ikaw nabaon sa utang, isanla mo ang anak/ kamag-anak mong babae

My verdict? 1 Utot. zero sana, pero like ko si Vina o eh di sige.


Tuesday, September 12, 2006

Pasan Ko Ang Daigdig

Pasan ko ang daigdig Film/ Movie Review (1987)
Directed by: Lino Brocka
Genre: Drama


CAST:

Sharon Cuneta .... Lupe Velez
Tonton Gutierrez .... Carding
Loretta Marquez .... Lupe's Mother
Rey "PJ" Abellana
Raoul Aragon
Deborah Sun
Mark Gil
Anita Linda

Ayyy, titah! This is the very first Lino Brocka-made film that I have ever watched. So much hullaballoos regarding him as the greatest Pinoy director ever. And you know what? Agree akoh! Tang'ina, the things that he made Ate Shawee do in this film, it's unbelievable!!!

PLOT:

Ate Shawee begs for a living with her mother who can't walk. She also has a parasite step-dad who physically abuses both of them. Sometimes, she goes thru the garbage to make some money. They live in a slum which is full of people who are poor, depressing, jerks, who do not have ambition. But not her, she bows to get outta that hell, by hook or by crook. She bows not to let love command her, but the promise of a better life for her and her mother.

Grabe ang effect ng film na ito sakin. Ganito pala mag-direct si Lino ano (sumalangit nawa)? You feel that you're in the movie. That you know the characters personally. talagang kumakabog ang puso sa awa at galit sa mga scenes.

Sa totoo lang, ang una mong mano-notice dito eh, ito na yata ang pinakapayat na tsura ni Ate Shawee. Kinasal na yata sya kay Gabby nun eh, kaya puro kunsumisyon.

Mga Like Ko sa Movie:

  • This film has gotta be the best acted film of Ate Shawee in all her films that I've seen her so far. Grabe, sobrang maaawa ka pag nakikita mo sya sa mga scenes na talaga namang makaantig damdamin. Sobrang magagalit ka pag nakita mong inaapi-api sya sya ng kanyang step dad. Sobrang galing dito ni Ate Shawee. I can't empashize that enough. Naku, nanalo ba dito si Ate Shawee ng best actress, grand slam? Pag hindi magpe-pepetition ako para bigyan sya ng mga awards. She surpassed Ate Vi and Ate guy sa acting nya dito. Swear! Mamatay ka man.
  • Except for Tonton, the cast ensemble has great chemistry and great interaction. Loretta did a great job being the doormat mom. Mark was perfect as the asshole jerk.
  • This film was very well made, technically speaking. Wala akong makitang flaw. The shots were all amazing. Yay, Lino!


Mga hate ko sa movie:

  • Again, walang chemistry si Ate Shawee at si Tonton. Hindi ginugulan ng panahon para ipakita sa mga manonood na nagmamahalan ang dalawa.
  • The ending sucks!!! Helllloooo??? Kung ikaw ba ni-reyp, tapos naanakan, papakasalan mo ba ang taong gumawa nun sayo, maski mahal ka? Pano mo naman masisikmura ang ganung tao di ba? Nilapastangan ka, at hindi ka ginalang, tapos papakasalan mo? No, titah. Ipapakulong ko sya at ipapakuryente ko badoodles nya 'no!!!???


Main message of the movie (which hindi nyo dapat sundin, kunti hahantingin ko kayo at ilulublob ko mukha nyo sa inidoro na puno ng ebs para maliwanagan ang kukote mo!!!)

  • Kung saan ka nadapa, dun ka babangon

My verdict? 4.5 Utots. Although the movie is technically flawless, the ending made me feel cheated and jaded. Di ako happy sa ending no??? Pero it's totally worth it for the great acting alone. Pag nag-direct na ako ng movie, I'll surely take this film as a reference.



Monday, September 11, 2006

Bituing Walang Ningning


Bituing walang ningning Film/ Movie Review(1985)
Directed by: Emmanuel H. Borlaza
Genre: Drama / Musical

CAST:


Sharon Cuneta .... Dorina Pineda
Christopher De Leon .... Nico Escobar
Cherie Gil .... Lavinia Arguelles
Vicky Suba .... Lavina's assistant
Lorli Villanueva .... Tiya Bebang
Joel Torre
Jay Ilagan.... Zosimo

"You are nothing but a second-rate. Trying hard. Copy cat!"

O, kung hindi nyo alam ang line na yan, eh siguradong nakatira ka sa pinakaliblib na parte ng bundok. Helllooo??? That's one of the most classic lines in the history of Philippine cinema. And that came from one of Ate Shawee's best work, "Bituing Walang Ningning."

PLOT:

Bituing Walang Ningning is a rags to riches story of a girl who's head over hills in admiration with a singer.

Ate Shawee is a die-hard fan of Cherie's character here. Ay tita, talagang natutulog pa sya sa may gate ni Cherie, para lang makita nya at mabigyan ng pinaka-espesyal nyang sampagita ang kanyang idolo.

Ito namang si Christopher, inlab kay Cherie, pero day, wa pansin sya, kasi ang priority ni Cherie ay ang kanyang career. So si Tito Boyet naghanap ng makakatalo sa mahaderang singer para magkaroon ng time sa kanya si Cherie. SO yun nga, si Ate Shawee nga yun.

Mga like ko sa story:

  • Ang cute ng character dito ni ATe Shawee. May halong innocence, which is very endearing. Tsaka siempre, lahat tayo makaka-relate. Sinu-sino ba satin na sometime in our lives eh lokang loka sa isang taga-showbiz? Oh di ba tayong lahat?
  • The story was great and very inspirational. Kayong mga nangangarap pa rin sa buhay, if you work hard at it, matutupad din yan. Our dreams make our lives worth while.
  • Maganda ang chemistry ni Ate Shawee at Cherie dito. Magaling na villain si Cherie.
  • Siempre, ang soundtrack!!! Willy Cruz is a god!!! Ang ganda ng mga theme song ng movie na ito.
  • Ang creative ng name ng recording company dito nila ha? ZONI. Ay, kalokah talagah!

Mga hate ko sa movie:

  • Walang chemistry si Tito Boyet at Ate Shawee. I mean, really? Inlove sila? Sana binigyan ng time sa movie ang pag-blossom ng love nila (kung meron nga).
  • Ang walang kamatayang "I just called to say I love you," Jeepney version. Grabe! Tatlong beses syang pinatugtug dito at buong-buo pa ha? Yun bang version na naririnig mo sa jeepney, na pedeng gawing medley ng sangkatutak na kanta na pre-preho ang melody! Akkkhhh. Nakakalokah!
  • Meron ibang shots sa movie na panget. Example, yung shot dito ni Ate Shawee na namimili sya ng mga prutas, tapos yung shot eh against the sun. So hindi mo na nakikita yung dapat makita dahil sa sinag ng araw.

Comment ko lang:

Kung yung Ate Shawee character eh mangyayari ngayon, two words "restraining order." Kaya naman imbyerna ang byuti ni Cherie. Eh halos reypin na sya ni Ate Shawee 'no?

In the end, super-enjoy ako sa movie na ito. Pagkatapos ng movie, magaan ang feeling ko at masaya ako. Inspirational kasi eh.

Moral lesson of the movie:

Money can't buy happiness.

Anong rating ko? 5 Utots siempre! This movie is a CLASSIC! Meron series nito eh, si Sarah Geronimo ang bida. I hope she's giving justice to the role.

Para sa inyo, heto ang lyrics ng theme song, Pampagaeno version:

Bituing Walang Ningning

Kung minsan hang pangarap/ Abambuhay hitong ina-anap/ Bakit nga ba nakapagtataka'pag hito'y nakamtan mo na/ Bakit may kulang pa

Mga bituin haking narating/ Ngunit langit ko pa rin ang hiyong piling/ Kapag tayong dalawa'y naging hisa/ Ka-it na hilang laksang bituin'di kayang pantayan hating ningning

Chorus:

Balutin mo hako ng iwaga ng hiyong pagmama-al/ Ayaang matakpan ng kinang na 'di magtatagal/ Mabuti pa kaya'y maging bituing walang ningning/ Kung kapalit nito'y walang pagla-o mong pagtingin/ Hitago mo hako sa lilim ng hiyong pagmama-al/ Limutin hang mapaglarong kinang ng tagumpay/ Sa piling mo ngayon hako'y bituing walang ningning/ Nagkukubli sa liwanag ng hating pag-hibig

Repeat 2nd stanzaRepeat chorus except last line

Nagkukubli sa liwanag at kislap ng hating pag-hibig


Thursday, September 07, 2006

Narinig Mo Na Ba Ang L8test?


Alam ko na ang sasabihin nyo, "Ano ba naman yang si Willow at ang dalang mag-update ng blog nya. Nagtatae na naman siguro." Hindi naman sa ganun dear fans, medyo nalulungkot kasi ako at wala na ako sa Pinas, pero ngayon, medyo ok-ok na ako. Back to our reviews:


Narinig mo na ba ang l8est? Film/Movie Review (2001)
Directed by: Jose Javier Reyes
Genre: Romance / Comedy


CAST:

Aga Muhlach .... Popoy
Joyce Jimenez .... Gina
Gloria Romero
Tessie Tomas
Bernard Palanca
John Prats
Mandy Ochoa
Gabe Mercado
Joy Ortega
Carlo Muñoz
Dick Israel
Mel Kimura
Julia Clarete .... Cathy
Andrea Del Rosario
Kimberly Diaz
Ogie Diaz
Ian Galliguez
Don Laurel
Madeleine Nicolas (as Madeline Nicolas)
Ricky Rivero

PLOT:

Narinig mo na ba ang l8test is a typical office romance. Aga is the target of intrigues because of him not having a girlfriend. Kala nila, bading sya. Same as Joyce who is being thought of as the "office whore."

O di ba? Ilang minutes pa lang sa movie I thought "Ah, so magkakatuluyan sila Aga at Joyce dito tapos madi-dispprove nila ang rumours." O, ilang minutes pa lang sa movie yan na ang hula ko sa ending ha?

Anak ka ng nanay mo, tama ako. In short, very predictable ang movie. Even a monkey can predict what's gonna happen.

The only saving grace of this film is the cuteness of Joyce Jimenez. Ay tita, ang cute-cute nya. When she smiles, the world is a much brighter place (naks!!!). Ang cute pati ng accent nya.

Well, nandito rin ang much younger na si John Pratts. Kung curious kayo kung anong tsura nya noon, eh makikita nyo. Totoy na totoy pa ang bruho. I can't believe na ang matinee idol na si Ricky Rivero ay ibang-ibang na ang tsura! Ay, lumundag na sya sa kabilang bakod!

Kung hindi lang ako fan ni Joyce, hindi ko bibilhin ito eh. Sad to say, Im very disappointed with this movie. I expected more. O di ba? Lower nyo na lang ang expectations nyo at baka medyo pede na ring pagchagaan ang movie na ito.

I give this film 1 Utot. 0 sana, naku kung hindi lang kay Joyce!


This page is powered by Blogger. Isn't yours?